PART 1

30 0 0
                                    

"Okay class.." sabi ng professor ko sa management. "Ganito lang naman ito ka simple..."

Simple..

Iyon lang siguro ang tamang description sa akin. Simple.

Define simple? Yung natural lang. Natural na ako.

Hindi ako naglalagay ng make-up. Hindi ako nagdadamit based on trends. Hindi ako palaayos. Simpleng pulbos at suklay okay na ako at pwede na akong pumasok sa school.

Hindi din ako nagbabar o nakikiparty. Hindi din ako masyadong socialize. Konti lang ang mga kaibigan ko. Actually acquaintance lang pala. Yung mga nakakagroup ko kapag may group projects.

So hindi na nakakapagtakang tahimik ako sa school. Magsasalita lang ako kapag may kakausap sa akin. Sasagutin ko naman kung subject matter iyon.

Marami namang nagaattempt na kausapin ako or should I say usisain ako about my life. Kapag may ganun mageexcuse na lang ako na may gagawin pa ako at kailangan ko ng umuwi.

Ayoko kasing nagkkwento sa iba ng tungkol sa akin. Basta ayoko lang. May kanya-kanya naman tayong buhay bat pakikialaman pa pati ang sa iba?

Simple ba dapat ang itawag sa akin?

Siguro lahat sila 'weird' ang tingin sa akin. Siguro. So? Hindi sa nagsusungit ako, hindi ko na lang iniisip ang sasabihin ng iba. Nasa school ako para mag-aral hindi para makipagsocialize.

riiiiiiiiiiiing!!!!

Nabawi lang ang atensyon ko noong nabell na. Hindi nanaman ako nakinig sa discussion. Napapadalas kasi ang paglipad ng utak ko simula last week. Kung saan-saan lumalanding.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko dahil sa isang building ang next subject ko.

Paglabas ko ng classroom nagtungo ako sa locker ko which is sa may bandang gilid lang naman ng hallway. Ilalagay ko lang itong mga libro sa subject na hindi ko man narinig magdismiss at kukunin ko yung book para sa next subject ko.

"Aray!"natamaan ako nung isang babaeng tumatakbo kaya nahulog at libro na dapat sana ilalagay ko na sa bag ko, at pagkatapos ay nilapasan lang ako.

Hindi man lang marunong magsorry.

Pero huminto ulit sya at humarap sa akin. Magsosorry naman pala. Pero yun ang akala ko.

"Dalian mo! Nandito na ang prince charming ko!" sigaw nung girl na nakabunggo sa akin sa isang pang girl sa kabilang dulo ng hallway nya.

tss. No improvement ang mga tao dito. Insensitive.

"Teka andyan na! Hintayin mo ako! Ako muna ang magpapapicture kay Ken my loves!" sigaw pabalik nung isang babae na ang bagal tumakbo dahil mukhang napabayaan sa

kusina.

Nasaan na ang sorry ko? Tss.

Pinulot ko na ang libro ko at isinara ang locker ko. Pero hawak ko pa ang handle ang locker nang may maalala ako. "Ken?... Nanaman?"

___

"Tss." hayy. Bumuntong hininga ako.

Grabe 30 mins nang late ang prof ko sa law. Bakit ba kasi hindi uso dito ang rule na pag 30mins late ang prof ay pwedeng ng umalis.

Ngayon kelangan ko pang maghintay ng 30mins para magbell.

"Ahahahahaha! Dalian nyo padating na sya!" Nagbabasa ako ng notes ko sa law nang marining kong magsalita ang isa sa mga classmates ko. Nagkukumpulan kasi sila sa may pinto at parang may binabalak NANAMAN.

When You Least Expect ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon