AkillieKakauwi palang namin galing airport at itong dalawang kasama namin ang iingay na
"Zoraine, bwiset hiniram mo yung headset ko diba ?"
"Ay ito ba ?" sabay pakita nito sa hinahanap niya.
"Bat ang tagal mong isauli ha ?" Hinablot niya ito at nagulat ng matangal yung earbuds nito.
"What the... anong ginawa mo !?" singhal nito.
"Pasensya na, nasira eh.... hehehe" akward nitong sabi.
Napailing nalang ako at nagtungo ng kusina para maghanda ng pananghalian namin.
Napalakas yung paglagay ko ng kaldero sa kalan ng marinig sila.
"Oh! Easy lang Aki. Problema mo ?" Tanung sakin ni Shaine.
"Obvious ba ? Ang iingay nila" sabi ko at kumuha ng kutsilyo saka tinadtad ng malakas yung carrots.
Ang ayoko sa lahat eh yung maiingay.
"Woy! Kalma lang, baka iba na mahiwa mo jan" tumigil ako sa ginagawa ko at sinamaan siya ng tingin.
" hehehe. Sabi ko nga pagsasabihan ko sila" umalis naman ito ng kusina kaya pinagpatuloy ko na ang pag hihiwa ko.
"Tulungan na kita" malapit ko ng isaksak sa kanya yung kutsilyo dahil sa gulat.
"Nang gugulat ka. Gusto mo saksakin talaga kita" sabay taas ng hawak ko.
Tinaas nito ang kamay niya sa harapan ko " sorry na, tutulungan na nga kita"
"Pwede ka namang magsabi ng di lumalapit sakin ah.!"
"Kanina pa ako nasa likuran mo pero di ko mo pinapansin"
"Kahit na, dapat wala ka sa likuran ko!"
"Geez! Bat ba ang sama ng ugali mo. Alam mo baguhin mo yan, walang magkakagusto sayo sige ka"
"Pakialam ko!"
"Hay naku! Ano bang pwedeng kung gawin rito?" Tanung nito at lumapit sa lababo.
"May isag kutsilyo jan. Saksakin mo sarili mo" sabi ko at binalik yung atensiyon sa ginagawa ko ng mahiwa ko bigla yung sarili kong daliri.
Tinitigan ko yung sugat at napalunok, medyo malaki ito.
Napa talon ako ng biglang may magsalita sa likuran ko."Bat ba magugulatin ka ?"
"Bat ang hilig mong mang gulat ?"
Tumingin siya sa kamay ko "Yan kasi di ka nag iingat. Halika ka nga" hinawakan niya ito at hinigit ako dining area saka pinaupo sa isang stool malapit sa mesa. Umalis naman siya at di kalaunan bumalik din na may dalang aidkit.
Umupo siya sa harapan ko at inumpisahang gamutin yung sugat.
"Aray ! Dahan dahan naman, may galit ka yata sakin eh"
"Wala" saad nito na alam kong sarkisto lang.
"Talaga namang----"
"Ayan tapos na" tinignan ko naman yung daliri ko at nakita itong may bandage na.
"Jan ka nalang ako na magluluto" ngiting saad nito at tumayo.
Sinundan ko naman siya ng tingin. Mukang mabait naman siya.