*buurrrp*
"Opps sorry" nakangiting bangit ni Akillie.
"Busog ah. Sarap talaga magluto ni Cloud" saad naman ni Shaine at kumindat sakin.
"Woy ! Bat ka kumikindat ? Sakin lang dapat yan." - Zoraine
"Kumain ka nga jan." - Shaine.
Napatingin naman ako kay Akillie ng tumayo ito at maglakad paalis.
"Saan siya pupunta ?"
"bibili ng ice cream, gawain na niya yan pagkanatatapos siyang kumain" sagot ni Shaine sakin kaya tumayo ako at sinundan siya.
"Balik kayo agad ah" rinig kong sigaw ni Zoraine.
Di na ako sumagot at nagmadaling lumabas ng bahay. Nakita ko naman siya sa di kalayuan, na naglalakad mag isa.
"Psst Akillie!" huminto ito at tumingin sa sakin.
"Oh ? Bat nandito ka ?"
"Samahan na kita"
"Okay lang bibili lang naman ako ng ice cream. Babalik din ako agad"
Umiling ako at naunang maglakad. "Samahan na kita" sumunod naman ito sakin.
"Bahala ka"
Katahimikan.
Yang salitang yan ang nangingibabaw saming dalawa ngayon.
Huminga ako ng malalim at palihim na sumulyap sa kanya.
"Akillie"
"Cloud"
Sabay naming tawag sa isat isa, kaya napatawa nalang kami pareho.
"Ikaw na"
"You first"
Sabay na naman kami.
"Sige ako na"
"Ako na"
And for the third time.
Katahimikan ulit.
Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.
"Salamat nga pala sa pag gamot mo ng sugat ko"
"Wala yun. Kahit sino naman gagawin yun eh."
"Hmm."
"Ahm. Akillie ?"
"Hmm ?"
"Pwede ba kitang maging kaibigan ?"
Napatawa naman ito sa sinabi ko.
"Bakit ?""Sa tingin mo ba sa pag uusap nating to hindi parin tayo magkaibigan ? Kahit sabihin ko mang ayoko wala akong magagawa kaibigan ka ng fiance ng kaibigan ko. Kaya magkikita at magkakausap din tayo"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Hmm. Kung ganun p-pwede ba kitang tawaging Aki ?"
"Oo naman, di naman big deal yun, kahit sino yung din naman tawag sakin"
Tumango ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Napatingin ako sa kanya ng bigla itong tumakbo papasok ng mini market. Kaya tumakbo na rin ako para makahabol sa kanya.
"Ano bibilhin mo ?" Tanung nito habang nakatingin sa mga nakadisplay na chocolates.
"Kahit ano, ikaw nalang pumuli"