Chap 2

17 1 0
                                    

Ritz' POV

*2nd Day*

Haysss. Boring ng Lesson. Tss. History kasi eh. Tas boring pa netong katabi ko. Di naman kasi kami close eh. tumingin nalang ako sa ulap. Ang ganda talaga ng ulap. Makikita mo pa ang dahan dahang pag galaw nito. bumubuo ng magagandang hugis. Puting puti at makikita mo ang sikat ng araw sa ibabaw ng ulap. Wala ng ikakaganda dito para sa akin.

"Psst" dedma. di ko naman kilala yun eh. Sure rin akong iba tinatawag nun.

"Psst. Psst" dedma.

"Psst. Huy! Psst."

"Psst Hoy Ritz Panget!!" What panget?

"What?! Panget Sino sa tingin mo tinatawag mong pangit ha?! Alam mo---" hnd ko na natuloy dahil pinutol na ako ni ma'am. GosH!!!

"Why are you shouting Miss Rodriguz? If you can't shut your mouth then go out. Now!"

"But ma'a--"

"No Buts. I said Go NOW!!!" wala na akong choice. kinuha ko ang bag ko at tinitigan ng matalim si Josh. Oo alam kong siya yun umpisa palang dahil pakiramdam ko kanina malapit lang sakin  at possitive nung tinawag niya akong 'huy'. Ayun mukha niya naka smirk. I HATE HIM!!

Lumabas ako at dumiretso nalang sa rooftop. pagpasok ko palang ramdam ko na agad ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko at ang paglipad ng buhok kong nakalugay.  Umupo muna ako sa isang bench. walang tao dahil may klase lahat. Hindi masyadong mainit, katamtaman lang. dahil siguro sa hangin at ulap na tumatakip sa araw.

"Haysss." buntong hininga ko. Ito ang stress reliever ko. Nakakainis naman kasi si Josh eh. Dahil sakanya napalabas ako.. malala pa 2nd day of school. napalabas ako. Kahit last year hindi pa ako napalabas EVER! Habang tumititig sa langit ay naisipan kong picturan ang ulap at mag selfie na rin. unaa kong pinicturan ay ang ulap. Ang ganda. <3 May ipopost nanaman ako.

Nakapagpicture ako ng selfie isang beses lang dahil may pumasok. napatingin naman ako sa pinto at nandun si Blake. My long time crush since grade 3. mag e-eight years narin. Siya kasi yung tipo ng tao na magugustuhan ng lahat ng babae. Classmate kami nun.

*Flashback*

"Sino crush mo?" tanong sakin ni Rachelle. Siya yung matalik kong kaibigan since Grade 1.

"Ha? anu un?" tanong ko dahil wala akong alam sa ganong bagay.

"Yung hinahanggaan mo. Kahit sino." Hinahanggaan? yun ba yung lagi ko siyang napapansin? Hmm. iisa lang ang pumasok sa isip ko.

"Ha? Ahmmmm. Si B-blake." ako ng nakayuko.

"Talaga? Hahahaha. Cute nga sya." sabi niya

*End of Flashback*

"Hmmm. Hi." ako nung makapasok siya.

"Ah. Hello. Musta?" siya. di na kasi kami mag kaklase this school year. Ang layo kasi ng surname niya. Aviles siya ako Rodriguez. Hindi ko alam kung yun yung basehan pero feeling ko yun ang dahilan.

"Eto mabuti.ikaw?"

"Maayos din. pero bakit ka nandito may klase ah?" Siya.

"Hmmm. Upo ka muna." umupo naman siya sa tabi ko.

"So bakit nga?"

"Napalabas kasi ako. Nakakainis kasi yung Classmate ko. Sabihan daw ba akong pangit. Akala mo naman kagwapuhan. Tss." Sabi ko tas nag cross arms.

"Hahahaha. Hindi ka naman pangit ah. Hahahaha Wag kang mag paapekto dun. Hahahaha" tinwanan pa ako nito kala ko pa naman icocomfort ako. pero ayus lang gumaan naman yung loob ko kahit konti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ice cream love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon