Her Pov
Kasalukuyan akong nag hahanap ng pwedeng panoorin at i-download, pero ang higit sa lahat ay libre siya. Ang kaso lang ay wala akong makitang libreng ma download or panoorin na walang bayad, lahat nalang ng napipili ko my bayad o trailer pa lang ang naka post. Napasimangot nalang ako dahil lumipas pa ang ilang minuto kong pag hahanap ay wala, tumayo muna ako para kumuha ng maiinom at iniwan ang laptop kong naka bukas lang.
Nag salin ako ng maiinom sa baso at iinumin ko na sana ng marinig ko ang tunog ng notification sa laptop ko. Naudlot ang pag inom ko at nagtaka kung ano yun, dinala ko nalang ang maiinom ko pabalik sa sala kung asan ang laptop ko.
Umupo muna ako at uminom habang tinitingnan kung anong notification yun, bumungad sakin ang chat box notification.
"Dian Montero?" -mahina kong basa matapos kong ibaba ang baso, nag taka ako kung bakit nag message ang babaeng to, ang alam ko busy ito sa around the world trip nila ng kanyang love of his life.
Napailing nalang ako ng naisip ko na nag world trip pala ang dalawa at hula ko puro pictures nanaman send niya sakin, more on sa foods and place ang sinesend nito pero sabagay bakasyon pa naman kata okay lang na gumala sila.
Tiningnan ko kung anong picture nanaman sinend nito pero iba ang bumungad sakin, hindi typical na ka ekekan ang chat niya or mga pictures na sinesend niya or topic na walang katuturan. Isang link ang bumungad sakin at my message ito sa dulo.
"Hey Sis! What's up? Try mo to, narinig ko lang to, sabi makakapanood ka daw ng libre dito at walang bayad kahit i-download mo pa. Ikaw agad naisip ko ng marinig ko ito, I know naman na mahilig kang manuod at mag download. Mwuah, see you soon Sis!" -basa ko sa message niya sakin, sa chat niya ay feel ko na imagine ko kilos niya o parang naririnig ko boses niya.
Bumaling naman tingin ko sa link 'https://free.download.com/movies/123219/beware/418', hindi ko tuloy napigilan hindi mapangiti dahil sawakas nakahanap ako ng pwedeng mag dowload ng mga palabas ng my mapanood naman ako.
Yes!! The best talaga si Dian eh nuh?! Walang pag dadalawang isip na pinindot ko yung link at ilang saglit bumungad sakin ang isang site, medyo weird ang site pero hindi ko na pinansin pa dahil nabaling tingin ko sa mga palabas na naka view sa site. Nang ningning ang mga mata ko ng makita ang isang palabas na natipuhan ko, pinindot ko ito at maski ang 'Click Download' button na yan. Nag loading naman agad pero biglang my nag pop up sa notification screen ko, kasabay ng pag labas ng 'Save File' .
'Warning! Virus Detected!' -yan ang una kong nakita, pinindot ko ito at bumungat sakin ang isang notice.
'Virus detected, please come back to the home page or continue downloading? This may harm you computer' -pag basa ko pa lamanag sa nakasulat dun, napakagat labi tuloy ako at napaisip kung itutuloy ko ba o hindi?
Nag tatalo tuloy isip ko kung hindi ko ba papansinin ang warning na ito or papansinin ko at mas nakakabuti na wag nalang dahil baka masira computer ko? Na dapat makuntento nalang ako sa anong pwedeng panoorin at I-download or sa sine nalang ako.
Ilang minuto pa akong nag isip hanggang sa naisip kong my anti-virus naman ako kaya kahit my ibang dinadamdam ang dibdib ko ay tinuloy ko pa din ang pag download at hindi pinansin ang warning kahit paulit ulit itong nag pop sa notif ko habang nag hihintay matapos ang download ng movie. Natapos ang pag download ay pinanood ko ito at habang nanonood nawala kaba ko at napalitan ng saya, ni nakalimutan ko na ang tungkol sa warning dahil naaliw na ako sa pinapanood ko hanggang sa matapos ang palabas ay naisipan ko ulit mag download, hindi ko mawari ang nararamdaman ko pero na excite na ako mag download ulit at gaya ng una hindi ko nanaman pinansin ang warning ng notification ko.
Inulit ulit ko ito sa lumipas na araw pero hindi ko alam na, unti unti pala akong nalalapit sa isang kapahamakan. Hindi ko alam na sa sobrang kumpyansa ko sa anti-virus at pag clean ng laptop ko ay mapupunta ako sa isang situation na hindi ko lubos maisip na mapupuntahan ko, na sa totoong buhay maaring mangyari ito sa kahit sino.
'Warning!' -sunod sunod na warning ang lumabas sa screen ko kaya nag clean at inactive ko ang anti-virus pero tila hindi nagana at patuloy pa din sa pag warning at medyo nag kakarat na ang screen.
Nataranta ako ng nag block out ang laptop ko hanggang sa isa isa nag si hulog ang mga letra galing taas at naging pagilid na kung saan my nabubuong parang mga code na nakikita ko sa mga palabas, hanggang sa ilang saglit bumalik ito sa dati na parang walang nangyari pero ang puso ko ang bilis ng kabog. Napatingin ako sa notif ko ng my na download naman siya, pinindot ko ito pero isang nakakatakot na bagay ang napanood ko sa video, isang napakalagim na crimen na halos ikaduwal ko at ikaputla.
Natakot ako ng biglang my lumabas nanaman na codes sa laptop ko pero hindi gaya ng una, iba ito dahil green siya, sa taranta ko ay binunot ko ang flashdrive kung saan ako nag save at hinayaan laptop ko na masira sa harapan ko hanggang sa nag block out o kung ano anong nalabas sa screen na akala mo hinahalungkat ito.
Sa mga oras na iyon labis ang takot, kaba at kung ano anong emotion pa naramdaman ko pero higit sa lahat ay pag sisisi na sana hindi ako naging kumpyansa at nag hintay nalang o nakinig sa warning, hindi dapat ako nag padalos dalos at ngayon isang malaking gulo ang napasok ko.
This is not the end, yun ang naisip ko sa sumunod na lumabas sa screen at humigpit hawak ko sa flashdrive.

YOU ARE READING
Evil Deor Ash Hat
Short Story#makeITsafePH #WritingContest Topic No.3, free link sa libreng movie download with virus . (500/1000Words) Story title: Evil Deor Ash Hat also called Evil Deor Ash Hat Hacker Globe #makeITsafePH Contest: Challenge Accepted by HimeaAiMaii