First Day in Philippines

206 5 1
                                    


--------JD's pov------
"Young Ladies, we're here." sabi ng aming butler kasama ang iba pa niyang kalahi.

Grabe nakakapagod pala ang makipagsiksikan. Hayyyyy. Ganito kasi ang nangyari. 

-----flashback------

paglabas namin ng airport bigla kaming pinagkaguluhan. arggggghhhhhh, ang sikip at ang ingay pa. Naku naman. 

"Ms. JD ano pong nangyari sa inyo? Ba't bigla po kayong umalis ng bansa?" sabi ng isang reporter na nakatutok sakin. 

"No comment." sabi ko, Oh diba lakas maka artista ng sagot ko. bigla namang lumuwag ang daan, nandoon na pala ang mga butler na pulis ang peg dahil huli laging dumadating. At aba matinde ang mga hagardo verzosa kong kapatid na mukhang rinape dahil sa damit nilang lukot lukot hahahahaha. Si DJ di maipinta ang mukha hahahahaha yung damit kasi nya parang kinalmot ni Wolverine, wakwak ang gilid ng damit hahahahaha. Si TJ naman mukhang batang inapi api hahahahahaha kasi naman yung polo niya walang butones nasira dahil ginawang rope sa tag of war yung damit niya hinila hila kasi siya hahahahaha. Buti nalang ako wala, teka ba't parang ang lamig ata ng likod ko, nung kapain ko lang hiya wakwak DIN nu bayan.  

"Young Ladies, Go to the black van." sabi samin ni butler Rudy. Natauhan ako at tumakbo papuntang van at kinaladkad ang dalawa kong kapatid papasok ng van. pagkasarado namin biglang 

"Bwuahahahahahahahahaha." sabay sabay naming tawanan. 

"Grabe, Ang gwa-gwapo naman natin at kulang nalang hubaran nila tayo." sabi ni TJ. pumasok na ng sasakyan si butler Ruds umupo siya sa tabi ni mang Bursyo 

"Hoy TJ ang ham----BOG mo. Kuya Ruds may extra shirt po ba kayong dala para samin?" sabi ni DJ kay TJ at kuya Ruds. 

"ahhhh, meron po, sa likod nandoon. Alam ko namang ganoon ang mangyayari eh. hahahahahaha" sabi ni kuya Rudd.

"hahahahahahaha." tawa naming lahat habang nagpapalit ng shirts

"Ahhhh nga pala a day after tomorrow na pasok niyo sa school. Magready na kayo bukas ha?" sabi ni kuya Ruds. 

"Sige po kuya Ruds." sabi namin. 

"Matulog muna kayo. Medyo malayo pa tayo at traffic pa." sabi ni kuya Ruds. 

"di na po kailangang sabihin yan. Tulog na po yung dalawa kong kapatid na bugok. hahahahaha" sabi ko. Natulog na ko 

----------after 2hours/end of flashback------- 

"Umakyat na kayo, mga bata nang makapag ayos na kayo ng gamit niyo." sabi ni kuya Ruds. 

"Sige po." naglakad na kaming tatlo papasok ng bahay. Nakita namin ang mga kasambahay namin at lahat sila ay nakangiti at yumuko sila. 

"Welcome back, young ladies." sabay sabay nilang sabi. yumuko din kaming tatlo sa kanila sabay sabing, "Thank you po." pagkatapos kaming batiin tumuloy na kami sa aming mga kwarto. 

Nahiga agad ako sa kama ko at ina obserba ang pagbabago sa kwarto ko. Nakulayan na ito ng gray at sky blue mayroon din itong puno sa tabi ng hagdan paakyat sa second floor ng kwarto nato masyadong malaki para sakin.  Ang kama ay kulay black and red, sa taas ng headboard ng kama ay may painting na abstract. ang second floor ay pininturahan ng kulay black and red, naroon din ang aking walk in closet, music room,mga bagong sapatos na nakahilera, mga librong nakalagay sa bookshelf, at maraming paintings na nakasabit sa dingding. Bumaba na ko sa second floor at kinuha ang mga maleta na di ko alam kung kailan ito linagay dito. Inayos ko na ang mga laman nito, linagay sa closet ko. Nang biglang pumasok ang aking nakakatandang kapatid na si DJ sabay sabing "JD, punta tayong mall para bumili ng gamit natin. tara?" sabi niya

"Osige, sama ba si TJ?" sabi ko.

"OO,sama daw siya, nasa baba na nga siya eh."sabi niya

"Osige tara na." sabi ko.

-------Mall--------

"NBS tayo?" sabi ni TJ

"Sige, let's go sago." sabi ni A.T(ate kuya)(DJ)

naglakad na kami. Daming nakatingin samin ay no, no, di sila nakatingin, nakatitig sila samin. NAKAKATAKOT NAMAN.

"Ate Kuya, bilisan nyo naman ohhhh. Baka kainin tayo dito." sabi ko.

"Oo na. Bilisan na natin." sabi niya

---NBS-----

bumibili na kami ng gamit namin. Tapos na ko kaya pumunta ako sa mga section ng mga novels. Ayun may nakita akong interesting book. Kinuha ko yon at binasa ko ang laman. Nakita kong may tumabi sa kin at naghanap din ng libro. Nung tiningnan ko siya, GRABE ANG GANDA NYA. matangos ang ilong, medyo singkit ang mata, kissable lips, mukha siyang dyosa na anghel GRABE TALAGA. Matangkad siya kaso mas matangkad lang ako ng konti. Mukha siyang model. Ate ikaw ba si kamatayan? Kasi kung ikaw talaga siya sasama ako sa iyo kahit saan. hahahahahahaha. Ok na sana pagi imagine ko kaso biglang umalis si ate at iniwan ako dun na nakatayo. Hayyyyy sana ate magkita pa tayo ulit.

"Hoy, JD Tara na. nakakita ka lang ng maganda nagkaganyan ka na?" sabi ni TJ.

sinamaan ko lang siya ng tingin. at sinabing

"Humanda ka sakin pag uwi natin."sabi ko

"Hey dalawang bugok na itlog tara na alis na tayo, bibili pa tayo ng bag at sapatos." sabi ni A.K. Sumunod na kami sa kanya. at umalis na kami ng NBS. pumunta na kami sa Department store para bumili ng mga kailangan. At pagkatapos umuwi na kami.

------Bahay-----

"Hoy TJ bumalik ka dittttttttoooooooo." sigaw ko kasi tumakbo siya paakyat at nagkulong sa kwarto. Naisahan ako ng isang yon ha. Pwes, maiisahan ko din siya.hahahahahahaha.

-----to be continue.

thank you po sa mga nagbasa nito. sorry po at lame first time ko pong magsulat ng story dito sa wattpad kaya ipagpatawad niyo po hahahahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Happens For A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon