August 24, 2012
Umaga na muli. Tutunog ang alarm clock ko na nagsasabing “Hoy! Bangon na, umaga na! Bilis-bilisan mo ang pagkilos bago ka masarahan ng gate sa school ninyo. Alam mo naman yung guard, kahit isang minuto ka lang na malate hindi ka na papasukin kagaya ng nangyari sa kaklase mo. Napakasabik magsara kala mo di na mauulit.” Hayst. Ako naman, babangon ng labag sa kalooban at didiretso sa lababo para maghilamos at magtoothbrush. Matapos ay didiretso sa banyo upang maligo ng pagkabilis-bilis. Pagkatapos, magbibihis na ako at aalis na patungong Paaralan ng walang almusal. Nakakasawa rin ang ganito. Paulit-ulit lang ang ginagawa, parang isang orasan, ikot lang ng ikot hanggang sa sumuko na ang baterya at hihinto na. pero sa kalagayan ko, isang estudyanteng kailangan magsikap ay hindi uso at hindi isang option ang pagsuko. “Sige sumuko ka para di ka grumaduate!”
Maglalakad ako patungong sakayan ng tricycle. Lululan sa isa sa mga ito at iintaying makarating sa dapat babaan. Pagkarating roon, maglalakad at sasakay muli ng jeep at iintaying marating ang tapat ng aming paaralan, kung saan ako mismo’y bababa.
Pagpasok at pagdating ko sa aming kwarto ay sumambulat sa akin ang ingay ng aking mga kamag-aral. Wari ba’y nasa loob ka ng isang institusyon para sa mga taong baliw at sira na ang pag-iisip. Kanya-kanyang usapan, tawanan kahit na sabihin mo pang umaga pa lang at karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay tulog pa sa mga oras na iyon. May mga nagkukumpulan sa unahan, sa likuran at halos sa buong sulok na aming kwarto ay ‘di mawawalan ng tao.
May mga masiyadong masisipag na halos isulat na ang buong libro bilang lecture. Kulang na lang ay ang copyright at index ng aklat para makumpleto nila ito. Mayroon naman sa unang tingin mo pa lang masasabi mo na ng pabulong na “Matik na! Yan na Valedictorian!” Kung saan ay halatang halata na sa lahat ng tao sa kwarto na siya ang may pinakamataas na kakayahang pang-intelektwal. Na kahit hindi siya mag-review ay kaya niya nang punan ang buong periodic table ni Mendeleev at kayang ibigay lahat ng bansa sa Asya ng may kabisera sa iba’t-ibang rehiyon. Mayroon ring mga tahimik pero bayolente at mga malditang isip-bata. Mayroon ring mga baliw na baliw sa numero, mga Mathematicians. Di ko mawari kung anong gusto nila sa asignaturang ito pero para sa akin ay nakakabored ito. PARA SA AKIN lang naman. Wala pang dalawang segundo masilayan lang ng mga mata nila ang mga pinagsama-samang numero na may kasamang mga letra mula sa alpabeto, variables, ay kaya na nila itong sagutan o iclassify kung ito man ay quadratic ba o second degree equation. Mga taong kayang i-solve ang slope ng isang graph at kayang i-identify ang parabola at square root. Aww, ang Matematika masakit nga sa ulo. SOBRA! Mayroon ring mga