II
Josh's POV
From: Patis
Are you absent today?Matutuwa ba ako na finally, concerned na din 'tong babaeng 'to sa akin?
To: Patis;
Yes.From: Patis
Are you sick?To: Patis;
No.From: Patis
Can you please pick me up. I need help kasi, huhu.Shit. Ano kaya nangyare sa babaeng to?
To: Patis;
What happened? Okay, sunduin kita sa usual spot, 4:30 pm.Pat's POV
Wala naman palang sakit si kuya eh, kala ko naman kung ano na nangyare, so yeahp, san nga ba kami pupunta? Simple lang, magshoshopping.
Sinabi ko bang di kami close? Haha, sorry bagong gising ako nun, actually okay lang kami, we're friends but we're not from the same group of friends. Yan ang mas updated at maayos na detalye about sa real status namin ni Josh. Outside school, chill kami, pero we can't be sweet kahit na gustuhin namin, seriously, that's so awkward. Well awkward naman talaga eh, ikaw ba naman one day malalaman mo na lang na may boyfriend ka na at sa parents mo pa nalaman diba?
Our relationship is very secret that none of my my best friends even know. But Josh and I were forced to tell them that we're "actually " cousins, because once they saw us...
Hmm, hulaan niyo! Nakita nila kaming nag-aano...
Nag-uhuh sa kotse ni Josh...
Haha! Charot lang guys!
Nakita nila kaming sabay pumasok sa kotse niya. Haha! Para umuwi. He drives already because he's 19, may grade 7 kasi ang school namin. Medyo heartthrob nga lang 'tong lekang ito eh.
When other girls found out na we're cousins, langya, obvious na mga bitches. Nagulat na lang ako pag-uwi ko daming message sa facebook ko na, nagyaya sa mga parties at isama ko daw si Josh. Luh, nek nek niyo. Haha, pero siyempre di ko sinabi kay Josh, na ganyan nangyare when he asked me kung anong sabi ng mga "friends" ko eh.
Well, yung mga legit friends ko naman: "uy, sayang naman, bagay pa naman kayo.", "ay nako incest na yan.", etc. Haha! Nakakatawa mga mukha nila. At mas lalong di ko naman yan sinabi kay Josh, sabi ko na lang, wala, NR.
Tapos na ang class and andito na ako sa usual spot namin. I mean andito na ako sa 13 months na spot namin, kung saan kami naghihintay ng kotse ni Josh. Yes, 13 months na kami diba, tumagal kami? Ikaw ba naman sagana sa lahat, di ka tatagal. Haha. HAHAHA! MASAGANA! Lol, masagana in terms na nakukuha namin yung gusto naming mga stuff. HAHA.
"Patis, anong nangyare, di ka man lang sumagot sa text ko," andito na pala si Josh.
"Eww, can you stop calling me Patis? Pat na nga lang eh, pinahirapan mo pa sarili mo. Nothing happened," eww patis. Allergic kasi ako dun, mukha akong pinagpiyestahan ng pimples pag nakakaamoy or nakakain ako nun eh.
Nako mukha ni kuya, mukhang nagago.
"So you just told me to go here to fetch you? Fuck, di mo ako driver," gusto kong matawa sa itsura ni Josh.
"Sinabi ko bang ihahatid mo lang ako sa bahay? Friday, ngayon lika mag shopping tayo. Please." Haha, I know he loves to shop, medyo vain din to eh.
"Fine, pero makati area lang para malapit sa bahay," so sa bahay niya malapit sa akin hindi? FINE.
"Sure," I texted my parents and told them I was out shopping with Josh, aba, bakit hindi sila papayag, if I know kinikilig 'tong mga 'to.
So we shopped and shopped and shopped.
"Patis, magsasara na yung mall, wala na tayong makakainan, let's go home, dun na lang tayo kumain," sabi ni Josh.
HOME? Aba, bakit parang iba feeling ko, bakit parang magasawa na kami, oh no. This can't be. Too much KDrama lang 'to.
Josh's POV
Ba't parang namutla 'tong si Patis? Haha, baka kinilig 'to sa home na sinabi ko. Haha. Actually, kanina hindi naman ako naiinis na sunduin siya eh, natutuwa pa nga ako na ako ang gusto niyang makasama kahit sa pag-uwi niya, yes, inaamin ko, gusto ko na siya.
Gusto ko na. Nung una, may natitupuhan akong babae, dito din sa school namin, pero after I found out, na surprise! I have a girlfriend, wala change of plans na. Nung una ayaw ko pa, pero nung nalaman ko na si Patis pala, wala, rak na itu. Si Patis na hindi lang maganda at mayaman, matalino pa, yun nga lang ang sabi sabi eh, ubod ng arte at taray.
Kaya naman, inunahan ko na siya, kung mataray siya at maarte, nagsigasigaan naman ako, para naman malaman niya na di niya ako pwedeng kayankayanin. Nung mga unang buwan namin halos araw araw nakakatanggap ako ng irap galing sa kanya, sabagay lagi ko siyang iniinis, pero hanggang dun lang siya, tahimik lang siya. Except nung nahuli kami ng mga kaibigan niya, grabe super defensive niya, pero sabi niya NR naman daw mga friends niya.
Ngayong 13 months na 'tong secret relationship kuno namin, eh nalaman kong haka-haka lang yung mga pinagsasabi ng mga tao sa kanya. Napatunayan ko to nung pumunta kami sa liblib na lugar para mag feeding program, sponsor kasi ng company namin nina Patis. Walang kuryente, mainit, hindi komportable ang higaan at higit sa lahat walang CR. Kala ko nung una mabubwisit lang ako na pumunta dun kasama siya eh, but it turned out to be fun.
Dahil din dyan kaya naging Patis tawag ko sa kanya. Kumakain kasi kami ng Pakbet, alam ko veggie hater siya, pero para di madisappoint yung mga tao sa kanya, she did eat, kaya naman natuwa ako sa kanya, may consideration din naman pala siya. Tapos napansin niya yung iba na naglalagay ng patis sa sa ulam nila, so ayun, nakigaya siya. After ilang minuto yun, parang may mga volcano na nabuo sa katawan niya. Haha! Natatawa ako sa kanya, pero naawa din naman ako.
"Uh, hatid mo na lang ako sa bahay, tutal gabi na and I'm not hungry," sabi niya. I should do something about it. Tinext ko parents ko na sabihin kina Tita, na dun na magdinner si Patis. Tumawag ako sa parents ko and pinakausap kay Patis.
Pat's POV
Sa bahay ako ngayon ni Joshua, dun kasi ako magdinner sabi ng mom niya na nasa Visayas ngayon. Eto ako naglalaro ng PS3 sa room niya kasama yung little brother niya. Yung kapatid niya kasing babae naki-sleepover sa classmate niya. Actually nagpadeliver na lang siya ng pizza eh.
"Justin, matulog ka na, it's late na, we'll play na lang again tomorrow," sabi ni Josh nakakatapos lang magshower.
Sumunod naman agad si Jus sa kanya. Such a cutie. Oh meanwhile, homaygas, nasabi ko bang naka tapis lang yung baba niya. Grabe, maala pang Tumblr post ang kanyang body. I can't think straight.
"Dude, nasan na yung pizza? I'll check na lang muna downstairs," sabi ko and ran out of his room as fast as I can.
Josh's POV
Hardwork paid off. Natatawa ako sa reaction ni Patis.
BINABASA MO ANG
Status: Secretly In a Relationship
Humor"I'm gorgeous, rich, famous and I don't need a boyfriend."