III
Pat's POV
Grabe, naman how inconsiderate, hindi man lang niya naisip na sa Tumblr pa lang ako nakakakita ng ganong katawan. Argh! Nasan na ba kasi yung pizza, bakit ang tagal dumating. Habang nasa labas ako ng kwarto ni Josh, may nagdoorbell, ako na yung bumaba, kasi ang alam ko tulog na yung maid nila, nakakainis nga kasi 9PM pm na, anong oras na kaya ako makakauwi neto? Kinuha ko na yung 4 na box ng pizza, oo, favorite kasi namin to. Umakyat na ako sa taas, at ang kuya nga naman, nanunuod na ng movie di man lang nagyaya.
Pagbukas ko naman ng pintuan, eh agad naman siya lumapit sa akin at tinulungan niya ako, in fact, kinuha niya yun from me and nilapag niya sa baba.
"Kukuha lang ako ng inumin sa baba," nakakhiya naman kasi sa kanya eh.
"Wag na, may water and sodas naman dyan sa ref eh," sabi niya.
Tumango na lang ako at tumabi sa kanya.
"Dito ka na kaya matulog, gabi na eh," yaya niya sa akin.
"Baka hanapin ako ni kuya, pero that's a nice idea, kaso baka kung anong isipin nila eh," tinatamad na din kasi akong umuwi, gabi na.
"Isipin na nila gusto nilang isipin. Tatawagan ko lang ang kuya mo," wow, so much feels, I don't know why.
Josh's POV
Nandito na yung pizza, in fact sinandya ko talaga mag play ng movie, kasi alam ko favorite hobby 'to ni Pat. Dito ko na siya pinapalipas ng gabi. Gusto ko siya makasama, pero I won't take advantage of it, I like and respect her. Ayoko na hayaan lang ang hormones namin ang mag-isa sa amin, gusto ko yung alam naming mahal na mahal na namin ang isa't isa. Plus, bata pa kami, well siya bata pa.
Tinawagan ko na yung kuya niya. Pumayag naman si Darren, wala ang parents nila ngayon, out for business sila. Dahil din naman kasi sa business kaya naging kami ngayon ni Pat eh. Bukod sa magkababata kaming tatlo. We used to be okay ni Pat pero nung nagdalaga na siya, wala, mistulang parang wala kaming pinagdaanan nun.
Bumalik na ako sa kwarto ko, "Pumayag na kuya mo," sabi ko sa kanya.
"Can we watch a different movie, I have my USB naman eh," presenta niya.
"Sige lang."
Pinlay niya yung Miracle in Cell no 7, nung una, tawa siya ng tawa tas eto ngayon, iyak ng iyak. Ang cute niya.
"Nasan *sobs* ang *sobs* hustisya *sobs* may sakit yung tatay niya *sobs* nakakainis yang mga ganyang *sobs* tao, mga walang pakundangan *sobs*"
Natapos na yung movie pero iyak pa rin siya ng iyak, naka 2 box lang kami ng pizza. Niyakap ko na siya, para tumigil na.
"Pat, tama na, wala na tayong magagawa at tsaka movie lang yan," nakasandal yung mukha niyang nakatakip ng mukha niya sa chest ko.
"*sobs* yun na nga, movie lang yan, huhu, pano naman sa real life, huhu, " lalo pa siyang umiyak, tumahimik na lang ako, habang hinahaplos ko yung buhok niya. Hangga't sa nakatulog na siya.
Pat's POV
Nagising ako na kaharap ang mukha ni Josh, madalim pa rin sa labas, baka mga 11PM pa lang, di ko na alam kung paano ako nakarating sa kama. Kitang kita ko mukha niya, daig pa ang 1080 HD o kaya naman 3D movie,hehe.
"Baka, matunaw ako sa katitingin mo, " yun lang, nagising na siya.
"Huh? I...Ikaw? Titignan ko? L..uh, may dumi kasi oh, eto, oh, teka tanggalin ko na," palusot ko.
"Talaga lang ah," aba't nagsmirk pa ang loko.
"I..ikaw nga, naka-uh, naka-ano sa akin eh," di ko masabi eh.
"Gusto mo naman, diba?" smirk nanaman.
"Ugh! Whatever! I'll sleep na lang again and please put your hands off me," and I close my eyes.
Josh's POV
Mga 10 minutes ko pa lang siyang nailalapag sa kama nang magising siya, siguro dahil sa nakaititig ako sa kanya, agad kong pinikit ang mata ko, at kunwareng natutulog, hehe, pero tulad niya, nagpanggap na lang ako na nagising. Inasar ko siya and medyo nagstustutter siya, bakla man sa pandinig niyo, pero nakyukyutan ako sa kanya. Napansin niyang magka-akap kami at sinabi niyang, tanggalin ko daw yung kamay ko at nakatulog na siya ulit.
(Next Day)
Gumising ako ng maaga to surprise, Patis.
"*singging* Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you! Patis gising na!"
Medyo, mukha siyang nagulat na birthday niya ngayon. Tumayo naman siya at nag blow ng candle niya.
"OMG, I almost forgot na 17 na ako, thanks for reminding me," sabay ngiti niya. Magulo man ang buhok niya, maganda pa rin siya.
"Here, I hope you like it," inabot ko naman yung gift ko sa kanya.
"Yes, I really like it, how did you buy this?" tanong niya.
"Siyempre may pera ako, " dapat lang na di mo mahalata na nahirapan ako sa pag pili niyan.
"Ano ba, I mean, saan and how kung magkasama tayo kahapon, wag mo sabihin kaya di ka pumasok sa school to buy this."
"Asa ka naman, binili ko yan nung sabi kong, may kukunin lang ako, hindi lang damit yung kinuha ko, binili ko na din 'to kaya natagalan ako," sa totoo lang eto ang dahilan kung bakit hindi ako pumasok sa school, pinageffortan ko talaga to, personalized, sa likod nung charms sa bracelet is date and mga names namin. Medyo napamahal nga kasi rush. Kinuha ko na lang nung nagpaalam ako na may kukunin.
Pat's POV
Seventeen na pala ako, I'm old, next year na ang debut ko and probably after that engagement ko na. Okay, ako na masyadong futuristic, pero let's be realistic, I'm not plastic. Hehe. =(((
Umuwi na din ako, after namin manuod pa ng isang movie ni Josh, super natouch ako sa gift niya, na bracelet, although obviously, naman na baka pinabigay lang ng grandparents namin to sa kanya, medyo naging humble na lang siya na sabihing binili niya. Charm bracelet, andun yung birthstone ko, sapphire, at birthstone niya, emerald. Tinanong ko kung bakit dalawa lang, sabi naman niya, para na lang daw sa future happenings yung iba.
Nasa loob ako ng room ko ng marinig kong may kumakanta ng happy birthday sa labas, pag bukas ko ng pinto, andun na pala ang mga kaibigan ko na sina Jenni, Kath and Bernice at Justine. May dala silang mga gifts siyempre, may pizza din and mga movies for sleepover. Nagpalit muna sila ng damit then pag labas nila, sinet up na namin yung mga stuff for sleep over. Nagchika chika muna kami.
"Pat, ang ganda ng bracelet mo, san mo nabili, bili din tayo guys," tanong ni Kath.
"Actually, I don't know kung saan to nabibili eh, gift lang sa akin," sabi ko, medyo nag-init yung pisngi ko sa kilig, pero di ko dapat ipahalata.
"At may mas maaga pa pala sa aming naggreet at nabigay ng gift sayo ah," Justine.
"Aba't sino naman yan ha? Ikaw ah, di nagkekwento," Bernice.
"Ano ba guys, si Josh lang nagbigay nito noh," sabi ko.
"Yun lang, si Josh, sayang talaga kayo, " Jenni.
Yun lang ang akala niyo.
A/N: PS, Guys, sino magandang characters sa story na 'to? :)
BINABASA MO ANG
Status: Secretly In a Relationship
فكاهة"I'm gorgeous, rich, famous and I don't need a boyfriend."