Hello sa inyo! Ako nga pala si Isabella Salvador. Sixteen year old at 4th year High school na sa Blackwoods Academy.
‘’I wish that I could wake up with amnesia
And forget about the stupid little things
Like the way it felt to fall asleep next to you
And the memories I never can escape..’’
Naririnig nyo ba yun? Ganda ng boses, ano? Hay naku, Bella. Malamang hindi nila naririnig. -___-
Si Tristan King Gonzales yun. Seventeen year old at 1st year College sa Blackwoods Academy. Crush ko sya since First year ako. Nakilala ko sya dahil sa kapatid ko. Bestfriend kasi sila ng kuya ko kaya lagi syang pumupunta samin. Pero hindi naman nya ako pinapansin. Hindi ko pa nga sya nakakausap. Saklap. </3 Hahaha.
Nakakatawa nga nung una kaming magkita. Halos mabasag ko yung eardrums nya dahil sa kakatili ko. Nagkamali kasi sya ng kwartong napuntahan. Akala nya kasi kwarto yun ni kuya.
Gwapo si Tristan. Mabait din sya. Kahit hindi ko sya nakakausap ay alam ko yun dahil nakita ko sya minsan na nagbigay ng pagkain sa mga batang kalye. At dahil sa ginawa nyang yun, lalo ko syang nagustuhan.
*
Intramurals 2014
1st Day
Busy ang lahat ng tao. Maliban sa’kin. Hindi kasi ako sumali sa kahit na anong sports. Nadala na siguro nung napilayan ako dati.
Naalala ko sobrang sakit ng paa ko nun at halos hindi ako makalakad. At si Tristan, pumunta sya sa gitna ng soccer field. Nagulat nga ako ng buhatin nya ako at dinala sa clinic.
Medyo matagal din ako sa bisig nya. Nasa kabilang building pa kasi yung clinic. Tahimik lang kami at walang gustong umimik samin. Napatingin ako sa kanya at diretso lang ang tingin nya. Napagmasdan ko ang mukha nya. Ang singkit ng mga mata nya, ang tangos ng ilong nya, may malalim na dimples sa pisngi nya, at ang pula ng labi nya. Perfect kumbaga.
Nung makarating na kami sa clinic ay maingat nya akong binaba sa kama. Tinanong ako ng nurse kung anong nangyari at sinabi kong napilayan ako. Nilagyan ng benda ng nurse ang paa ko. Pagkatapos nun ay sinabi nyang doon na muna ako. Pinapaalis na rin nya si Tristan. Nagpasalamat ako sa kanya at nagulat ako ng ngumiti ka. Ngayon lang sya ngumiti sa’kin.
Bumalik ako sa realidad. Hinanap ng mata ko si Tristan at agad ko naman syang nakita. Napasimangot ako. May kasama syang babae at nagtatawanan sila. Lalong kumunot ang noo ko dahil ginulo nung babae yung buhok nya.
Sino kaya yung kasama nya? Ngayon ko lang nakita yung kasama nyang babae. Maganda sya, gwapo naman si Tristan. Bagay sila. HUHU! T__T Nagseselos ako. Kahit wala naman dapat dahil hindi naman kami. Sabi nga sa movie na Maybe This Time. ‘’There was never an us.’’
BINABASA MO ANG
Yung Bestfriend ni Kuya (One Shot)
Teen FictionWag kang mag alala. Mahal ka rin nun. Wag ka kasing nega!