Pagod na ako

18 1 0
                                    


Bakit ako ganto?
kasi pagod na ako,
pagod na makining
sa mga ka sinungalingan mo na bangungut ang dala
matapos ialay saiyo
ang pagmamahal na tunay
pagod na akong masaktan
at isiping lahat ng nagawa
para saiyo ay kulang
pagod ng umiyak habang iniisip
ang mga pangarap nais sanang abutin
kasama ka ., magkasama tayong dalawa
Pagod na ako sa sumbat ng magulang
na araw araw hahampas sa aking isipan
sumbat na sana pinakinggan
sumbat na sana pinaniwalaan
tama sila., ikaw ay lilisan
pagod na akong paulit ulit magpakatanga,
paniwalaan ang sorry mong paulit ulit lang rn pala
pagod na ako sa mga yakap mong walang pag sinta, sa mga salita mong hangin ang dala .,
Pagod na ako isipin ka kahit alam kong para sayo ako'y wala nalang talaga
Pagod na akong isiping may pag asa kahit na ang totoo sumuko ka na
Pagod na ako tingnan ang ating litrato
na may ngiting dahil sakin, ngayo'y dahil na sa iba..
Pagod na akong intindihin pa kung bakit andito ka ., pero lamann ng puso mo'y siya.,
pagod na akong alamin kung bakit hindi sayo sapat ang isa!
pagod na akong unawain ka! kaya kung ayaw mo akong bitawan ., ako nalang ang bibitaw.,
Pagod na ako., dahil pagod na pagod na ako

You will be okay😊Where stories live. Discover now