Pano kung ayaw ko na dahil natatakot ako
Pano kung kahit parang gusto na kita kailangang itago ko
Pano kung gusto mo rin pala ako
Pano natin malalaman 'to, kung takot na ako
Kaytagal natulog ng puso kong nasaktan, binaboy at iniwan
Nagmahal ng lubos kaya labis ring nasugatan
Ibinigay ang lahat kaya naging luhaan
Mag iisa nalang para di na muling masaktan
Pinili kong manatili nalamang sa isag tabi't isipin lang ang sarili
Kalimutan ang lahat na para bang walang nangyari
Ngunit kahit anong gawin hindi magbabago
Ang katotohanang minsang nagmahal at nasaktan ako.
Ayaw ko ng masaktan kaya 'di na iibig pa
Maniniwala nalang na wala ng matinong lalaki, kahit isa
Manloloko , babaero, parepareho lang sila
Mas mabuti ng tumandang mag isa
Pero, my gosh! Bakit ka nakilala? Bakit ka nakita?
Yung natulog kong puso ngayo'y buhay na buhay na
Ang mata ko ngayo'y puno na raw ng saya
May ngiti narin ang labi pag gising sa umaga
Gantong ganto ako ng unang beses na nagmahal
Sinyales na ba ito na ako'y umiibig nanaman?
Dapat na ba akong maghandang masaktan?
Kung sakaling 'di magkatulad ang ating nararamdaman.
Pero di mo malalaman, 'di ko rin naman ipaparamdam
Na ang puso ko ngayo'y ikaw ang nilalaman
Sapagkat ayaw ko ng masaktan ayaw ko ng iwan
Ayaw ko ng umasang muli pa akong magmamahal
'di ko alam ang itinitibok ng iyong puso
'di ko rin alam kung kailangan ko bang itago
Isa lang ang alam ko, ako'y natatakot
Kaya kahit gusto na kita, tatahimik lang ako dahil ayaw ko na.
YOU ARE READING
You will be okay😊
PoetryWhat ever it is that you are going through you will rise pick up the broken pieces of yourself and fight again