Wala na

9 1 0
                                    

Baka naman pwedi pa nating 'tong esalba
Baka sakaling pwedi ibalik natin to sa umpisa
Mahal susuko ka na ba?
Wala na ba akong magagawa pa?

Sana bago mo ako iwan hayaan mo muna akong ika'y hagkan
Na sa huling pagkakataon mahawakan ang iyong kamay
Maaari muna ba kitang titigan?
Aayusin ko to, pwedi bang subukan

Mahal? Iiwan mo na ba talaga ako?
Wala na ba sayo ang ilang taon na nagkaroon tayo?
Pano na ang panghabang buhay nating plano?
Di ba tutuparin ko pa ang mga pangako ko

Wag naman sana, wag kang susuko
Kinaya naman natin diba
Kinaya naman natin kahit noong una ayaw nila
Kinaya naman natin kahit hindi tayo nag kikita

Mahal wag ka naman sanang susuko
Baka pwedi tayong bumalik sa umpisa
Noong mundo nati'y iisa
Noong mahal kita at ako'y mahal mo pa

Baka pwedi nating ibalik yung simula nating dalawa
Ng hindi masukat ang saya nating nadarama
Na sa ilang minuto lang na magkausap tayo ay okay na
Sana bago mo ako bitawan, subukan muna nating muling mag umpisa

Hindi ba nangako tayong walang bibitaw
Hindi ba nangako tayo na walang susuko
Mahal bakit bibitaw ka na
Mahal bakit susuko ka na

Kahit gusto kitang pigilan
Kahit na gusto kong wag mo akong iwan
Kahit na gano ko hingin na wag mo akong bitawan
Kahit na gaano kita kamahal

Hindi kita mapipigilan na ako ay iyong iwanan
Hindi na ata matutpad ang ating walang hanggan
Hanggang dito nalang ata ang ating walang katapusan
Hanggang dito nalang ba ng iyong pag mamahal

Sana bago mo ako iwan, maramdaman ko muna ang tibok ng puso mong hindi na ako ang nilalaman
Sana bago mo ako iwan magawa mo manlamang magpa alam
Sana bago mo ako iwan malaman ko ang lahat ng dahilan
Sana nga ba ako nag kulang?

Mahal, Ayaw mo na? susuko ka na?
Pwedi muna ba kitang mahagkan
Pwedi ba sa huling pagkakataon punasan mo ang luha sa aking mga mata
Pwedi muna bang pakinggan mo ang salitang..
Mahal, Mahal na mahal kita, mahal pa alam na.

You will be okay😊Where stories live. Discover now