Chapter 1

89 11 11
                                    

In the afterlife, the light heals all the pain you've suffered in your entire lifetime.
-

Busy ako sa kakascroll ng cellphone ko. Tsk. Puro shared posts lang naman ang laman ng news feed ko. Haayst. Minsan nakakatamad na talaga magFacebook.

"Wala ka bang plano magreview para sa Last Exam natin ngayong midterm? Ha?" Pagtataray sakin ni Marian na ngayon ay nasa tabi ko at busy sa pagmememorize.

"Actually, nagsunog na po ako ng kilay kagabi" Kampanteng sagot ko sa kanya habang hindi parin umiiwas sa pagScroll ng cellphone ko.

"Himala at nag aral ka, sa pagkakakilala ko sayo one hour before the exam ka pa nagbubuklat ng mga notes mo." pang aasar niya sakin, tumayo na rin siya at nagsimula ng magligpit ng mga pinagkainan namin. Nasa Cafeteria kami ngayon at malapit na rin naman kasing magTime kaya kailangan na namin bumalik sa room.

"Sadyang maganda lang talaga ang mood ko." tugon ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa building namin.

"Pass and answer this test question within only in 30 minutes." Explain sa amin ni Sir Raven, Science ang subject namin ngayon.

Ito na rin ang last Exam namin, dahil yung ibang major and minor subjects natapos na namin last week. Inabot ko na ang mga test papers sa harap ko at ipinasa ang mga natira sa mga kaklase ko.

Tinignan ko si Marian sa tabi ko na halos ngayon mapunit na ang mukha sa kakaSmile kay Sir Raven. Haha. Crush niya kasi si Sir kaya ganun. Isang upuan ang pagitan namin ni Marian pero kahit naman ganun ang seating arrangement, sisiw nalang yan sa amin. Hahaha. #CheatingIsReal

Ilang minuto palang ang nakakalipas at malapit na akong matapos sa pagsagot. Sunod-sunod kong nasagutan ang mga tanong ng walang kahirap-hirap. Sana naman araw-araw nalang maganda mood ko para naman palaging ganito. Haha.

Tatayo na sana ako para magpasa pero naalala ko si Marian, napansin kong meron pang ibang numbers na hindi pa niya nasasagutan kaya kumuha agad ako ng papel at sinulat lahat ng sagot.

Inalam ko muna kung ano ang ginagawa ni Sir Raven at nung masiguro kong hindi sa part namin siya nakatingin sinadya kong ihulog ang ballpen ko malapit sa kinauupuan ni Marian.

Yumuko ako at nagkunwaring kukunin ko yung ballpen at sabay ng pagtayo ko ay ang mabilis kong paglagay ng papel na merong mga sagot sa may bandang hita ni Marian.

Gulat siyang napatingin sakin pero tinignan ko lang siya at binigyan ng act-like-natural-ka-lang-look. Nagets naman niya ang sinabi ko kaya dali dali akong pumunta kay Sir Raven para mabaling ang atensiyon niya sakin at para magamit ni Marian ang pagkakataon na iyon na buklatin ang papel. Bahala na siya dun. Haha.

"Buti nalang hindi tayo nahuli ni Sir kanina noh?" sabi ni Marian habang tinitignan niya ang mga test papers namin na perfect ang score.

"Sus. Ang alam kasi ni Sir, hindi natin kayang magCheat kasi matalino naman daw tayo. Haha" sagot ko, well kalahating totoo naman kasi yun.

Lagi kaming nasa top ni Marian. Magaling siya sa Math. Ako naman favorite ko talaga ang Science at English. Active rin ako sa mga Activities sa school. Vice president ako ng whole campus and 3 years na kong Editor in Chief ng School publication namin. Madalas din akong makuhang magHost sa mga school programs and i-represent ang school namin sa ibang lugar para magCompete ng iba't ibang klaseng Quiz bee.

Nasimulan ko narin naman, kaya magpapakilala narin ako, I'm Eilonwy Santiago, 17. Grade 11 student. (pronounced as Ay-lon-wi) May kanya-kanya ng pamilya ang parents ko. Sinusuportahan nalang nila ako financially. I choosed to be alone kaya binilhan nila ako ng sarili kong apartment. Di naman sakin issue ang mag isa sa buhay, okay lang din naman ang relationship namin between me and my parents. My time rin naman nagba'bonding kami at nagkakasama. Di kami tulad ng ibang broken family na hindi okay. Sadyang sa buhay kailangan mo lang matutong makuntento sa kung anong meron ka at dun matututunan mo nalang maging masaya kahit dahil sa simpleng bagay lang. (Hugooot) Wahahaha.

Life After DeathWhere stories live. Discover now