Chapter 2

68 11 14
                                    

Hindi pa rin nag si-sink sa utak ko ang mga nangyayari sa akin ngayon. Ayokong tanggapin sa sarili ko na patay na ko. Ganun nalang ba kadali ang lahat?

Ilang oras na ang lumipas pero hindi parin ako tumitigil sa pag iyak. Hanggang sa napagdesisyunan ko na tumayo na at pumasok ulit sa loob ng banyo kahit na sobra akong natatakot sa pwede kong masilayan.

Napakapit ako sa pintuan ng marealize ko na hindi nga ako nagkamali sa nakita ko. Nakahiga ako sa loob ng bathtub, walang damit at naliligo sa sarili kong dugo.

At sa mismong pagkakataon na iyon ay unti-unti ko na ring naaalala ang lahat...

Flashback

Wala parin akong tigil sa pag iyak. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hirap na hirap na ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napapikit ako ng maramdaman kong isa-isa nang tinatanggal ni Sir Raven ang mga damit ko. Pero agad din akong napamulat nang bigla siyang tumigil. Nakita ko siyang tinititigan niya ako kaya napaiwas ako ng tingin. Di nagtagal ay agad din niya akong marahas na hinalikan sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Nararamdaman ko na rin na medyo hindi na namamanhid ang katawan ko, siguro dahil yun sa kape na pinainom sa akin ni Sir Raven kaya hindi ako makapagsalita at makakilos ng maayos, pero syempre hindi ko iyun pinahalata. Habang busy siya sa panghahalay sa akin, kinuha ko ang pagkakataon na iyon na kunin yung gunting na nakalagay sa may mini lampshade na katabi nitong kama.

Pagkahawak ko ng gunting ay agad ko yung sinaksak sa bandang balikat ni Sir Raven.

"Shit!" Pagkalayo niya sa akin ay agad akong tumakbo palabas ng kwarto. Mabilis kong tinahak pababa ang hagdan. Halos nagkakatali-talisod na ako sa pagmamadali pero hindi ko na iniinda ang sakit. Ang importante, makaalis na ako dito!

Humahagulgol akong nakarating sa pintuan, binibigay ko na ang lahat ng lakas ko pero hindi ko parin mabuksan. NakaLock ang pinto pati rin ang mga bintana. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng matalim na bagay. Isa-isa kong binuksan ang mga cabinet hanggang sa may nakita akong kutsilyo.

At sa saktong paghawak ko nito ay ang pag dilim ng buong bahay...

"Akala mo makakatakas ka sa akin?? Nagkakamali ka. Kung gusto mong maglaro, maglalaro tayo. Ako ang taya at ikaw ang hahabulin ko. Kaya kung ako sayo, magtago ka na..." at isang malakas na kidlat ang pinakawala ng langit na nakapagbigay sa akin ng matinding takot. Wala akong makita, malabo na ang mga mata ko lalo na pag madilim kaya sa pagkakataong ito feeling ko talo na ako. Nanghihina narin ang mga tuhod ko at pati ang labi ko nanginginig na ng dahil sa takot.

"Isa...." nagulat ako ng biglang magsalita si Sir Raven mula sa itaas, kaya itinutok ko agad ang kutsilyong hawak ko.

"Dalawa.." rinig kong saad ni Sir Raven. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napapalakas na rin ang pag iyak ko, kaya mahigpit kong tinatakpan ang bibig ko para walang ingay na makawala mula sa akin.

"Tatlo..." at isa-isa ng yabag ang naririnig ko na bumababa mula sa hagdan.

"Alam ko kung asan ka..." dagdag pa niya at tumawa siya ng parang nababaliw na.

Mahigpit kong hinawakan ang kutsilyo at dahan-dahan akong umatras mula sa kinatatayuan ko.

"Apat.."

"Lima.."

Sa kada pagkidlat, nakakahanap ako ng tiyempo para makatakbo. Nahihirapan ako ngayon na makagalaw lalo na't halos wala na akong makita. Nakakainis lang, dilat na dilat yung mga mata ko pero tinalo ko pa ang natutulog. Aggh!

"Anim.."

"Pito.."

"Walo.."

Natatakot na ako, papalapit na ng papalapit ang boses niya..

"Siyam.."

Nagulat ako ng mapagtanto ko na wala na akong maatrasan pa. Kaya kinapa ko ang buong paligid para maghanap kung saan pwede magtago. Nagulat ako ng may nahawakan ako na..

R-refrigerator?

Bahala na. Kinapa ko yun at pumasok na sa loob. Malaki siya kaya medyo nagkasya ako. Sa pagkakaalam ko, human size ata ang laki nito. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig.

Asa na kaya siya?

Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan ng ref para pakinggan kung nasaan na si Sir Raven, pero wala akong naririnig. Naghintay pa ko ng ilang minuto, pero wala pa rin.

Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng ref at sabay ng pagkidlat ay nakita ko ang nakangising si Sir Raven.

"Sampu.."

Napasigaw ako sa takot at dali dali kong winasiwas ang kutsilyong hawak ko. Natamaan ko si Sir Raven sa pisnge niya.

"Kanina mo pa ako ginagalit ah??!" sigaw niya, agad din niyang naagaw sa akin ang kutsilyong hawak ko at marahas niya akong hinila palabas ng kusina sa pamamagitan ng paghawak ng buhok ko.

"Bitawan mo ako!! Ano ba?!" Pilit akong kumakawala sa mga hawak niya pero napakalakas niya at hindi ko siya kaya. Napapahawak nalang ako sa ulo ko, dahil feeling ko kunti nalang matatanggal na ang buhok ko. Napapasigaw nalang ako sa sakit.

Nakarating kami ulit sa kwarto niya na hila ako. Sinarado niya ang pinto at agad din na lumapit sa akin...

Napaatras ako.

"B-bakit mo b-ba ginagawa to?" tanong ko.

"Kung sinunod mo lang ang gusto ko, edi sana hindi tayo aabot dito"

At bigla akong napasigaw sa sakit ng bigla akong sinaksak ni Sir Raven sa tiyan ko.

"T-tama n-na...." halos pabulong na pagmamakaawa ko kay Sir Raven.

Tumayo siya at hawak pa rin niya ang kutsilyo. Sa muling pagkidlat, nakita ko siyang walang emosyon na nakatitig sa akin.

Kahit hindi ko na kaya at ramdam ko na parang mauubusan na ako ng hangin ay gumapang parin ako papalayo sa kanya.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo rin ba ako?" rinig kong sabi ni Sir Raven na parang bata na nagmamaktol. Lumapit siya sa akin, at halos tumigil ang mundo ko nang maramdaman kong sinaksak na naman niya ulit ako mula sa likod ko. Hindi ko na kaya, marami na ang dugo ang nawala sa akin.

Naramdaman ko na binuhat ako ni Sir Raven. Pumunta kami sa loob ng banyo at inihiga niya ako sa loob ng bathtub pagkatapos ay binuksan niya ang shower. Lumapit siya sa akin at hinawi ang buhok ko.

"Lalabas muna ako sandali ah? May aasikasuhin lang ako. Maligo ka lang muna. Babalik din ako" Halos pabulong na saad ni Sir Raven sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Ngayon, sure na ako. Baliw talaga si Sir Raven.

At sa pag alis ni Sir Raven, ay ang unti-unti ng pagpikit ng mga mata ko...

End of Flashback

Napahagulgol nalang ako ng maalala ko na ang lahat. Ano na ang gagawin ko ngayon?? Paano na sina Mama at Papa?? Ang mga pangarap ko? Masyado pang maaga para mamatay ako.

"Ako ang bahala sayo.."

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Agad akong napaharap sa nagsalita at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa gilid ng kama at matamis na nakangiti sa akin.

"S-sino ka?" gulat kong tanong sa kanya.

"Ako si Camille Anndrea at ako ang magdadala sa iyo sa bago mong mundo."

Life After DeathWhere stories live. Discover now