Saika

14 0 0
                                    


Nagpa-ikot-ikot si Ellie sa kama nang may kasabay na pagtili, ni hindi maitago ang mga ngiting abot hanggang tainga. Bakit nga ba ganito kung kiligin ang dalagang si Ellie ngayo't wala naman siyang kasintahan o maging hinahangaan sa paaralan? Sino ang nagbibigay ng paru-paru sa kanyang tiyan ngayong dis oras ng gabi?

Si Ellie Robin ang tipo ng babaeng hindi mahilig makisalamuha sa ibang tao nang pisikal. Siya ang tipo ng babae na mas nanaisin pang umuwi nang maaga o kaya'y manatili sa tahanan upang magbasa ng kung anu-anong piksyon na libro, manga, manhua, comics at iba pa. Mahilig din siyang manood ng anime, koreanovela, at mga American English Series. At dahil sa kahiligan niya sa mga iyon ay mayroon siya ngayong hindi mabilang na mga kaibigan—sa loob ng internet.

Isa sa mga paboritong anime ni Ellie and 'Durarara!!'. Isang anime kung saan ang mga karakter ay kasapi ng iisang gang na kung tawagin ay Dollars. Ang Dollars ay nagmula sa website na mismong bida ang naglikha, at doon nagmula ang istorya ng paborito niyang anime. Kaya naman noong nakakita si Ellie ng halos katulad ng Dollars site ay halos tumalon ang puso niya sa galak, lalo't katulad ng nasa anime, may password din iyon upang makapasok kaya naman mas lalo siyang nasabik!

 Kaya naman noong nakakita si Ellie ng halos katulad ng Dollars site ay halos tumalon ang puso niya sa galak, lalo't katulad ng nasa anime, may password din iyon upang makapasok kaya naman mas lalo siyang nasabik!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mula sa site na iyon, nagkaroon na rin sila ng isang FB group. Dollars pa rin ang pangalan ng grupo nilang iyon at ang lahat ng mga kasapi roon ay dummy account ang gamit at pangalan ng paborito nilang anime character ang pangalan nila roon. 

Sa mundong iyon, nagagawa nilang maging ibang tao, maging anime character, at maging sino mang naisin nila.

Saika. Iyan ang pangalan ni Ellie sa kaniyang dummy account. Doon din niya nakilala ang kaibigan niyang si Kida– At ang kaibigan niyang iyon ang nagpapakilig sa kanya, hindi lamang ngayon, maging noon pa man.

Madalas lamang niya noong makausap si Kida sa comment section sa tuwing nagro-role playing sila sa group. Hanggang sa isang araw ay nagpadala si Kida sa kanya ng pribadong mensahe sa messenger. Noong una'y simpleng kumustahan lamang, hanggang sa naging malalim na ang kanilang kwentuhan, hanggang sa sa kanya na nasasabi ni Ellie ang mga problema niya at ganoon din naman si Kida sa kanya. Walang araw na hindi sila magkausap.

Hanggang sa isang araw, nawala ang ngiti sa mga labi ni Ellie at saglit siyang natulala sa screen ng kanyang android phone.

"Bakit hindi tayo magkita? "

Hindi alam ni Ellie ang isasagot niya sa tanong na iyon ni Kida.

'Magkita? Bakit kailangan pang magkita? Pero kuntento na ako na kausap lamang siya sa messenger. Hindi ba siya kuntento?' Iyan lamang ang ilan sa mga tumatakbo sa isipan ni Ellie noong mga oras na iyon. Ngunit hindi pa rin maitatanggi ang kuryosidad na bigla niyang naramdaman. 'Pero sino nga ba siya? Ano ang kasarian niya? Anong hitsura niya? Anong edad niya?' Ilan lamang din ito sa mga katanungang dumaan sa isipan niya ngunit kaagad niya ring iwinaksi. Kuntento na siya at mas OK siya na ganito lamang ang set up nila.

Dahil sa tagal nang naka "seen" si Ellie sa tanong ni Kida, muli siyang nag-chat.

"Okay lang, Saika. Kung kelan ka handa."

At mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Nakokonsensya siya at nahihiya. Ayaw niyang isipin ni Kida na nagdududa siya sa kaibigan. Sadyang hindi niya lamang nais na magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa sa oras na magkita na sila at magkakilala nang personal. Hindi rin kasi ganoon kagaling sa pakikipagkomunikasyon nang personal si Ellie. Isip-isip pa niya'y baka maging awkward lamang silang dalawa.

Lumihis na ang paksa nila, ngunit nababagabag pa rin si Ellie. Hindi niya maalis sa isip na niyaya siya ni Kida na magkita sila. Tapos ngayon habang kausap niya si Kida ay tila walang naganap na rejection. Mabait si Kida. Lagi siyang nandyan para kay Ellie kahit hindi physically pero damang-dama niya.

Huminga nang malalim si Ellie at—

"Sige Kida. Let's meet."

-----

Nakatayo ngayon si Ellie sa likod ng poste habang nakasilip sa lugar kung saan sila magkikita ni Kida. Nanginginig ang buong katawan niya at pakiramdam niya'y lalabas ang puso niya sa sobrang kaba. Nagkasundo ang dalawa na suotin ang official DRRR!! Shirt mula sa grupo upang makilala kaagad nila ang isa't isa.


~~~ KIDA's~~~

Kanina pa naghihintay ang binatang si Justin, ang tunay na pangalan ni Kida, sa pagdating ng kaibigan niyang kilala pangalang Saika. Nagpapalinga-linga na rin siya habang hinahanap ang kaparehas ng suot niyang t-shirt. Kalahating oras na ang nakalilipas mula sa pinag-usapan nilang oras pero nag-aalala na siya kaagad. 'Nagbago na kaya ulit ang isip niya?' Isip-isip niya. Kaya naman panay rin ang message niya kay Saika na siya namang nase-seen lang. 

''Di kaya'y napahamak na siya?'  Napakagat na sa ibabang labi si Justin at mas umigting ang pag-aalala. May ganito kasi talaga siyang ugali, ang palalain ang sitwasyon sa kanyang isipan. Ito ang dahilan kung bakit niya gustong makilala nang personal si Saika. Sa tuwing kausap niya kasi ang dalaga ay tila nagiging positibo ang kanyang isipan, at hindi na siya kuntento na sa messenger lamang sila magkausap.

Napapitlag si Justin nang biglang tumunog ang messenger niya at kaagad niyang sinagot nang makita ang pangalan ni Saika.

"S-sorry... hindi ko kaya. Sorry talaga. Wala tayong alam sa isa't isa. What makes you think na magiging OK ang lahat after natin mag-meet? I'm sorry, Kida—"

"Justin."

"Huh?"

"I'm Justin. And you are?"

"A-a-a-Ell-Ellie!" Napangiti si Justin sa boses ni Ellie na nautal-utal pa. Mas lalong nahulog ang loob niya.

"Nice knowing your name at last, Ellie. Don't worry, okay lang. I'm ready when you are."

Mahinahon at sobrang lambing ng boses ni Justin nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Hindi na nakasagot si Ellie sa kabilang linya.

"Hi."

Inangat ni Justin ang ulo niya at ngumiti nang masilayan ang babaeng pinakahihintay niya.

SaikaWhere stories live. Discover now