The Janitor Prince
A/N :
first time ko gagawa ng one shot sana magustuhan nyo....
Salamat..
~ Prologue ~
Ako si Xander,
19 years old,
2nd year Administration management student..
Utility staff ng University. Matangkad.
Gwapo pagnakapikit ang titingin haha.
Pero yan ang alam ng lahat na isa akong Janitor ng eskwelahan pero ang totoo nya isa akong Prinsipe.
Oo tama Prinsipe ako..
Dahil ang totoo kung pagkatao ay ito.
Alexander Clifford Mc.Faden,
19,
totally heartthrob pero naka tago yon,
kung bakit?
Ganito kase yon~
~*~
Flasback
"Ford hindi ka talaga magtitinong bata ka?"-
si daddy yan galit na galit nahuli kase na naman akong nagsu-surf eh ayaw nila baka daw mapahamak ako..Accident like what happened to kuya,na-aksidente sya while surfing at sa kasawiang palad hindi sya na survive.
"hindi naman po ako napahamak eh."- mahina ngunit rinig nilang sagot ko.
"hindi pa..paano kung maulit ang nangyari sa kuya mo? Hindi ko na makakayanan pa ang mawalan ng isa pang anak.. Ikaw na nga lang ang naiwan eh." - si mommy habang umiiyak.
Lumapit ako para i-comfort sya..
"Simula ngayon hindi ka na mag-aaral.." - daddy na seryoso.
Bigla akong natakot, yan kase ang kahinaan ko na kahit pasaway ako ayaw ko na matitigil ako sa pag-aaral, mahalaga kasi ang kaalaman higit sa anong bagay eh..
"Dad.. No!!! I will anything everything..
Huwag mo lang ako patigilin." pagmamaka-awa ko.
"Ok.pero sa isang kondisyon.
Magiging Janitor ka ng University natin at magiging Ordinaryong tao."-daddy
End of FLASH BACK.
~
Kaya ito ako dakilang Utility para lang sa kasunduan namin ni Daddy.
At pangalawang taon ko na ngayon.
Masaya ako sa ginagawa ko.
Pormang ordinaryo, simple at may hawak na mop..haha lage ako tampulan ng lait..
Pero yong iba humahanga kasi akala nila working student ako,nagtatrabaho sa University para makapag-aral..pero parang ganon na nga talaga yon haha..
~
Hanggang sa makilala ko si Chance Martha Emmanuel. Sobrang ganda pero brat, bitch daw, broken princess na kung makapag pa-broken heart ng mga lalaki sa isang oras lang..
Epitome of beauty I mean She is a Goddess pero super cassanova..
T.T
Nagsimula akong mainlove sa kanya nong sa canteen habang naglilinis ako.
Papasok sya ng pintuan.. Nang napabigla ako ng tingin sa kanya at bigla akong natulala..
Slow motion ang lahat at parang ang daming mga heart shape sa paligid..
Simula noon hindi na kompleto araw ko pag di ko sya nakikita..
Kahit sa kabila ng mga masasamang balita mga paninira sa kanya hindi nababawasan ang paghanga ko sa kanya.. Lalo pa akong nahuhulog.. Kahit araw araw na binu-bully nya ako.. Masaya pa din ako na kahit Janitor ako eh pinapansin nya ako..
~
Hanggang sa isang kasunduan ang gumimbal sa akin..
Nakatakda na pala akong ikasal sa anak ng business partner nila Daddy,
paano na kami ni Martha wala pa nga nasisimulan matatapos na????..
"mag-ayos ka anak at pupunta tayo kila kumare para pag-usapan ang engagement nyo ng maganda nyang anak." - mommy
"yes ma."- pag sang-ayon ko. Ayaw ko kasi sila ma-disappoint eh.
Sa biyahe kinakabahan ako dahil habang papalapit sa pupuntahan para akong sinasampal sa katotohanan na....
...
~*~
Sino ang fiance ni Xander?
Paano na ang lihim na pagmamahal nya kay Martha?
Mababaon nalang ba?
~
One shot lang ito kaya ang kasunod nito ay ending na..
Epilogue agad..