The JANITOR PRINCE
~ EPILOGUE ~
"You may now kiss the Bride" - sabi ng pari...
Oo tama nga!
Sinunod ko ang parents ko na pakasalan ang anak ng business partner nila..
At si Martha???????
Sya lang naman yong only daughter ng business partner ng parents ko.
DESTINED diba?
At ngayon ang pinakamasayang araw ng buhay namin..
*Three Years Ago*
Habang papalapit sa bahay ng business partner nila mommy.
Lalong bumibilis ang pintig ng puso ko sa kaba, paano nalang kase ang Love Story namin ni Martha..
Yong di pa nagsisimula, pinag-hihiwalay na..
Ang sakit diba?
"Nandito na tayo" - sabi ni daddy.
Ito na talaga,wala ng atrasan pa.
Wala na talagang pag-asa para sa amin ni Martha..
Move on nalang ako.
Alam kong mahirap pero mas masakit kong ma-disappoint ko ang parents ko..
Ang bigat ng bawat paghakbang ng mga paa ko patungo sa mansyon ng babaeng di ko pa nakikita eh fiance' ko na.
Ang galing diba?
Di ko na kailangan manligaw pa,..
Pero parang mas masakit tanggihan kesa ma-busted ng nililigawan ah!!!
Pero ayaw ko talaga bigyan ng sama ng loob sila mommy at daddy eh..
At bilang anak nila responsibilidad kong sundin sila,para rin naman sa ikabubuti namin eto eh,at para sa pinag-hirapan nila na pagdating ng araw eh para sa akin din naman at sa mga susunod pang henerasyon ng lahi namin.
"kumare,kumpare ito ang anak namin, si Clifford" - si mommy sa maganda ginang na future in law ko..
" ang gwapong bata " - sabi nya sa akin..
Bata????
Eh ipapakasal nga sa anak nila?!?!?
Sakto napatingin ako sa grand stair ng mansion..
Unti-unting lumilinaw ang pigura ng isang magandang nilalang na pababa patungo sa kinaroroonan namin.
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko,na ang pakiramdam ko ay aalis ito sa kinaroonan at magtatatakbo..
Dahil...
" Clifford iho, meet my only daughter Chance " - Mrs. Emmanuelle
Ini-abot ko ang kamay ko na pigil na pigil ang panginginig dahil sa kilig at kaba.
May pag-asa na...
as in fiance ko na si Martha..
Kaya lang mukhang may aberya..
Mahihirapan ata ako magpaamo ng Lion nito ah..
Pero kaya yan para sa pangarap..
Para sa pag-ibig.
Para sa happy na walang ending..
Ang aming growing old with you..
Fight!!!
Simula noon, hindi na ako ibinalik nila daddy sa pagiging Utility ng University,
na ang dating laging mop na hawak ko ngayon Rosas at Gitara na..
Tatlong taon ng panunuyo, tatlong taon na panliligaw, pagpupursige kaya ito kame ngayon ng babaeng mahal ko nasa harap ng Altar at nangangako sa harap ng Panginoon na magsasama habang buhay...
-
" Mabuhay ang Bagong Kasal " - pari..
And we kissed passionately..
~ the end ~
Sa Buhay lahat ng bagay na pinaghirapan,
Pinapahalagahan at inaalagan para ito ay hindi mawala sa atin.
Pagsisikap at diterminasyon.
Para sa pangarap..
"Nothing is Impossible" ika nga..
~*~
Happily Married
Dont Disturb.