Near to death

70 2 2
                                    

Bria's POV

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan. MALI pala. Ilang araw na n'ya akong hindi pinapansin. Ilang araw nang nadudurog ang puso ko. Ilang araw na akong nasasaktan. Sabi, the most painful face  of pain is smiling. Yung tipong ngumingiti ka para pigilan ang pagbagsak ng luha. Konti na lang..... Konti na lang, mamatay na ako.

Ikaw. Oo ikaw na nagbabasa nito. Alam mo ba ang pakiramdam na yung taong mahal mo, STRANGER ang pakikitungo sayo? Grabe! HEAVEN. Ganito yan eh. Para kang gumawa ng thesis na binasura. Ginawa mo lahat para mapaganda yung thesis mo. Nagpuyat ka, nagsakripisyo. Tapos nung ipinasa mo na, hindi binasa ng prof. mo. SAYA di ba?

( Sa school)

Hana : Bria, sorry.

Bria : Para saan?

Hana : Kasi hindi kita winarningan. Alam ko kung anong sitwasyon n'yo ni Avan ngayon. Siguro nga Bria, Pag-aaral ang pokus n'ya sa ngayon. tsaka....

Bria : Tsaka ano? 

Hana : Tsaka nalilito s'ya sa inyo. Kung ikaw ba o si Thea. Bria, kasi.. ayoko namang maging spoiler. Ayokong mawalan ka ng pag-asa sa kanya. Sorry, girl.

Kung mamamatay ako, ba't hindi pa ngayon? Tang*na! Sakit.

Si Thea. Dating ka-M.U ni Avan na kaklase ko ngayon na laging katabi ni Avan kapag alphabetical order. Sa pagkakakuwento sakin ni Avan, nahinto ang namamagitan sa kanila dahil din sa hindi pa iyon ang priority n'ya. Sabi n'ya, hindi pa raw kasi s'ya handang pumasok sa ganoon.

D*mn! Ilang beses kong tinanong sa kanya kung may nararamdaman pa s'ya kay Thea. Ilang beses kong tinanong kung may iba s'yang gusto!

(Flashback)

Bria : Van, may nararamdaman ka pa ba kay Thea? Kay Ruby? o sa kahit kaninong naging past mo? ( lahat ng nabanggit ay mga naging ka-M.U n'ya)

Avan : Wala naman. Wala na. Wag kang mag-alala, sayo ko na sinisentro ang pag-inog ng mundo ko.

( End of Flashback )

Sila ni Thea ang nauna. Mas mahaba ang pinagsamahan nila. Paano ako lalaban? Dapat pa nga ba akong lumaban? Sa sitwasyon namin ngayon, WALA NA. Mahal parin ni Thea si Avan. May nararamdaman parin si Avan kay Thea. Ako? Isang malaking panira.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Avan. Magkausap sila ni Thea. Oh, see? Anong laban ko?

Sa mga ganitong pagkakataon ( yung pakiramdam kong bibigay na ko), Bestfriend ko ang kailangan ko.

Bria : Mary.

Mary : Ano? hmm.. SM tayo? Libre ko ulit? Mcdo ulit? Hayss... Tara na!

Bria : Thanks. sige, sagot ko ngayon.

Thank God, may nasasandalan ako. Thank God, May balikat lagi sa tabi ko.

( Sa SM . Specifically, sa MCDO )

Mary : Bria, di na kita kilala. Hindi ka naman dating ganyan, ah?

Bria : What do you mean?

Mary : Hindi ka na namamansin, hindi ka na nanghaharot, hindi ka na kumakanta at higit sa lahat, hindi ka na umiiyak.

Bria : Sorry. Pero this is my choice. If you can't deal with this, you can leave me alone. 

Alam ko. Hindi na ako 'to. Ako si Brianna Rose. Performer. I do singing, acting, dancing, etc. Masungit kung titignan pero napaka friendly na tao. Masayahin. Center of attraction kasi Joker. Sweet, Romantic at mahilig sa Surprises. Naniniwala akong Masaya ang mabuhay at Masarap ang magmahal. Iyan ako, NOON. I've changed. Aware ako dun. Di na ko kumakanta ( buhay ko ang pagpe-perform noon ), Ayoko nang kumausap ng ibang tao ( specially sa mga taong malapit kay Avan ), Ayoko nang humalakhak. Higit sa lahat, ayoko nang MAgmahal. Bakit? Narealise ko kasing Kahit anong oras, magbabago ang lahat. Narealise kong masakit ang balik kapag masyado kang mabait. Totoo pala na laging may luhang kasunod ang bawat ngiti. Magmamahal ka tapos iiwan ka. Eh di h'wag na lang. Sayang Effort. NAKAKAPAGOD. Kung walang makakaintindi sakin ngayon, Kung walang dadamay, FINE.

Mary : Bria, dito lang ako. I know you. I understand. If ever, here's my shoulder. Just tell me.

Bria : Ok.

( Habang kumakain )

Joel : Hi Mary, Hi Bria :)

Mary : Oh, Joel ! bakit? may kailangan ka?

Joel : Oo eh. pwedeng umupo?

Mary : Sure. ah Bria, si Joel ng Wild Teenage Covenant. Sila yung bandang pumalit dun sa bar na tinutugtugan n'yo dati.

Bria : Ah....

Joel : Ahm.. nandito ako kasi iimbitahan ko sana si Bria na kumanta sa Sabado. Anniversary special kasi ng banda. Malaking karangalan na kumanta ka, Bria.

Bria : Sorry pero AYOKO. Di na ko kumakanta.

Joel : Bria, please! kahit anong kapalit ibibigay namin. Isa pa, Gusto kasi kita kaya please, pumayag ka na. Bukod kasi sa Anniv., Birthday ko rin. pleassssseeee !

Bria : Sorry pero hindi na ko nakikipag-date. Happy birthday na lang. Mary, I think I should go. Hindi na maganda ang nakikita ko. Bye.

Mary : Joel, pasensya na, ah. Wala talaga sa mood si Bria. teka.. ( linga-linga ) ah. Andito pala si Avan.  Don't worry, kakausapin ko. Ay wait! yung phone n'ya, nakalimutan. teka hahabulin  ko lang

Joel : Ako na. paalis na rin ako, eh. Sige, Mary. Salamat.

JOEL's POV

Matagal ko nang gusto si Bria. Takte! Pinapantasya ko kaya yun. Eh kaso, mailap. Ang tagal kong hinintay ang birthday ko para makasama s'ya. Di ako papayag na di s'ya pumunta. HAHA! kung di makuha sa santong dasalan, Eh di sa santong....... Harasan?

Joel : Bria, wait! Nasaakin ang phone mo.

Bria : Ah, nakalimutan ko pala. Thanks. Importante sakin yan. akin na.

Joel :  Sorry Bria pero desperado na talaga akong makapunta ka sa sabado. Pag di ka pumunta, Di ko to ibibigay. Sorry Bria. Bye!

Ano na ba ngayon? thursday. Malapit na. Saturday will be a BIG day!

MARY's POV

( Sa Phone )

Mary : BRIIIIIAAAA!!! sorry na please! di ko talaga alam na ganun pala ang plano ng lalaking yun.

Bria : Eh sino ba kasing nagsabi na ibigay mo sa kanya?! Mary alam mong bigay yun ni Avan! Oh pano na to? tsk! mapipilitan pa kong pumunta sa sabado! arrrggghhhh!!!!

Mary : Do'nt worry. Sasamahan na lang kita. Sorry na pleasseee :(((

------

May pinaghuhugutan si Author.

may mga readers ba ko? ( sana meron ) ito po ay base sa pinagdadaanan ng may akda. well, di naman lahat. 

Masakit kapag di mo alam kung ano ka sa isang tao. Masakit kasi may pinagdaanan na kayo. masakit kasi ang gulo. Masakit kasi sa isang iglap, Wala na ang lahat.

Ano kayang mangyayari kay BRIA sa Sabado? Is it her choice to die?

-- YRa :)

It's my choice to dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon