Pangarap o Regalo?

66 3 0
                                    

AVAN's POV

Ako si Avan Nike Arsuarez. Simpleng lalaking may magulong pag-iisip.

Mary : Alam mo yung kantang migraine?

Avan : Oo, bakit?

Mary : Wala lang. Alam mo, Umiyak s'ya. H'wag mo na lang ipakitang alam mo.

Avan : Bakit daw?

MAry : Stranger na raw kasi s'ya ngayon sayo. Bakit ba kasi hindi kayo mag-usap?

Naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako kay Bria. Siguro, dahil hindi na kami katulad ng dati. BIglang bumalik sa normal ang buhay ko. Walang nagpapadala ng sulat, walang nagtetext ng song lyrics, walang tumatawag, walang sumasabay pauwi, walang holding hands, walang Bria. Malungkot ba? Hindi ko alam. nalilito talaga ako. Alam kong marami nang naiinis sakin lalo na si Mary na bestfriend n'ya. Alam kong naiinis s'ya kasi ang gulo kong tao. DUWAG ako.

Putek na pag-ibig naman to, oh! Simpleng mag-aaral lang ako. Bakit kailangan pang guluhin ako?Bukod kasi sa hindi pa ako handa, may isa pa akong ikinalilito.

Si Thea, pangarap ko. Naging mag-M.U kami dati. Pero dahil nga sa torpe ako, itinigil ko. Malalim na ang nararamdaman ko para kay Thea. Kahit itinigil ko ang namamagitan saamin, patuloy ko paring inihanda ang sarili ko para sa tamang oras para sa aming dalawa. Biglang isang araw, may Bria na dumating. Isang maganda, makulit, matalino at sweet na babae. Nahulog ang loob ko. Dahil na rin siguro sa mga effort na ipinakita n'ya. Sa pagpapahalagang ipinaramdam n'ya. Sa bawat sulat na punung-puno ng inspirasyon, sa bawat kantang iniaalay n'ya sa akin, sa bawat matamis na ngiting ipinakikita n'ya. Unti-unting nawala ang nararamdaman ko kay Thea. Actually, pakiramdam ko noon na napaka-blessed kong tao dahil binigyan ako ng regalong katulad ni Bria. Hindi ko alm kung anong kabutihan ang nagawa ko para ipagkaloob sakin ang ganung klase ng biyaya.

Pero lahat, nagbabago. Unti-unti akong nalilito sa mga nangyayari. Hiniling kong maging magkaibigan na lang kami ni Bria. Alam kong masakit. Alam kong umasa s'ya. Nalilito ako. Sinong pipiliin ko? Ang pinangarap kong babae o ang niregalo sakin ng tadhana?

Ngayon, hindi na kami nag-uusap ni Bria. Ang layo na namin sa isa't isa. Di ko magawang kausapin s'ya. Si Thea ang madalas kong makausap. Si Thea ang.... Si Thea na pangarap ko. Bria,    sorry. Nalilito parin ako. namimiss ko na si Bria pero hindi ko maipakita. Bria, H'wag mo namang isipin na wala na akong pakialam sayo. Meron. Di ko lang maipakita.

JOEL's POV

( Friday night sa Tambayan ng banda)

Archie : Hoy Joel? ngiting aso nanaman, ah? Di ka naman excited n'yan?

Joel : Ul*l! Ngiting aso ka dyan? sa gwapo kong 'to? Ikaw, kaysa nang-aasar ka, ayusin mo nalang yung mga ipinaayos ko sayo. Yung lugar ba eh ayos na? Yung mga bulaklak? yung pagkain? yung wine? Babangasan kita kapag pumalpak ang date namin ah!

Chivas : Teka nga. Sigurado ka na ba talaga sa plano mo? tingin mo, mapapapayag mong makipag-date sayo si Bria?

Joel : Bobo ka ba? Napapayag ko na nga diba?

Aldin : Oo nga naman Chi! napapayag na nga n'ya eh, sapilitan nga lang.

Gag* tong mga 'to, ah! imbis na suportahan ako, mang-aasar pa! KAhit anong sabihin n'yo, wala akong pakialam. Basta maghahanda ako dahil pupunta si Bria bukas. Eh ano kung pinilit ko lang s'ya? ganun naman ang mga babae, hindi ba? Sa una, ayaw pero kapag pinilit, gusto na. Magiging Kami rin ni Bria, Pangako 'yan. maging sa kahit na anong praan ko daanin. Sisiguraduhin kong hindi ako makakalimutan ni Bria.

Bukas Bria, akin ka na.

 ----------------------------

Hayan :)) Oh diba?! Ang saya. Yung tipong araw-araw nadudurog ka. Any,

Amy nagbabasa ba nito? Comment naman :) Pwede ring mag-vote :)

LOve </3

-Yra :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's my choice to dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon