Chapter 15: Crush

3.2K 143 0
                                    

Basty's Point of View

Matapos ako iwan ni Ivy di ko muna sya sinundan ..Papunta muna ako sa cafeteria para mag lunch gutom na ko .

Wala akong kasama mag lunch may kanya kanyang mundo kasi sila Sam at Ace.

Pero mukang may makaka sabay ako na tanaw ko kasi Si Yumi mag isa lang din sya mag lunch kaya sasabay na din ako sa kanya.

Uupo pa lang sana ako sa harap nya ng tawagin nya ko.

"Oy special child" Tawag sakin ni Yumi .Ang weird ng babaeng to! Special child tawag sakin Eh! Hindi naman ako special child

"Hi Yumi" bati ko sa kanya

"Kala ko ba naka buntot ka kay Ivy?" tanong nya

"Na iinis ata sya sakin"

"Bakit naman?"

"Kasi tinanong ni Mae kung Kami daw kaya ayun na inis nag walk out" paliwanag ko

"Ganun! Sa bagay kahit siguro ako maiinis din pag ako tinanong"

"Bakit naman panget ba ko?" tanong ko kay Yumi

"Hindi naman! Medyo lang"

"Medyo?"

"Di joke lang pogi ka naman! Dami mo ngang chicks" sabi ni Yumi

"Yun naman pala bakit kayo maiinis?" tanong ko

"Kasi special child ka" sagot nya

"Ganun?"

"Joke lang! Ikaw naman di ka mabiro" natatawang sabi nya

"Kala ko totoo na"

"Totoo di ka naman panget" sabi nya sabay hawak sa muka ko with sampal. Sana sya na lang na gustuhan ko. Sana di ako nahihirapan.

"Kung hindi ako panget bakut ayaw sakin ni Ivy?"

"Hindi naman kasi lahat nf babae pogi hanap, siguro hindi ka nya lang type" sagot ni Yumi

"Sana di ko na kang sya naging crush"

"Crush?" tanong ni Yumi

"Oo"

Sabay tawa nya ng malakas parang wala ng bukas.

"Bakit ka tumatawa?"

"Kasi naman" hindi nya matuloy sasabihin nya kakatawa "pambata lang yan" at tumawa ulit

"What?"

"Kasi ang crush di na uso yan saka di ka na bata" sabi nya

"Ano uso ngayon?"

"Ewan ko" Makapag sabi na di na uso yan wala naman palang alam.

"Wala la naman palang alam eh"

"Di ko pa naman na ranasan yan'' ibigsabihin wala pa syang nagugustuhan? O sadyang manhid lang to.

"Ano dapat kung gawin para magustuhan ako ni Ivy?"

"Ewan ko"

"Ibig kung sabihin ano dapat kung baguhin?"

"Ang totoo wala ka naman dapat baguhin sa sarili mo kasi mabait ka naman at yun ang mahalaga"

Ang totoo na tulala ako sa simpleng sinabi nya kahit papano my isang babae na nag sabi sakin nyan sana pala si yumi na lang naging crush ko

"Hoy! Bakit ka tulala?"

"Wala" sagot ko

"Okay sige una na ko sayo may next class pa ako maiwan na kita.. Di pala tayo mag kaklase sa next subject sige bye"

"Sige bye din" Paalam

Buti na lang nandyan si Yumi kahit papano may makaka usap ako kahit minsan hindi matino kausap at nagkaka sundo kami.

"Basty" tawag sakin ni Ace

"Ace himala nandito ka sa cafeteria"

"Nagugutom ako! Nga pala bakit kasama mo si Engot? Saka mukang nag kakatuwaan kayo"

Hindi kaya nag seselos sya pero imposible naman yun.. napaka manhid ni Ace simula nang iwan sya ng ex nya dati..

"Kasi wala akong kasabay mag lunch kaya sumabay ako sa kanya saka mabait naman si Yumi"

"Nagpapatawa ka ba? Sya mabait? Wow ha!" Sabagay mortal na kaaway nya si Yumi

"Oo crush ko na nga sya" pero biro lang yun. Ginogood time ko lang si Ace. Pero di na sya nag salita, Hindi kaya may gusto na sya kay Yumi.
Sabagay di naman mahirap nagustuhan si Yumi mabait na maganda pa.
Pero sakaling may gusto sya kay Yumi ako bahala sa kanya.

The Band Boys Vs The Gangster GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon