CHOI AH MIE

32 3 0
                                    


Chapter 1

May dalawang babaeng kakapasok lang sa gate ng BigHit International School. Yung isa ay taas-noo nyang pinasok ang school na iyon. Halos lahat nang kanyang makakasalubong ay umiiwas sa kanya. Binibigyan din sya ng daan na parang prinsesa. Kasama nya ang kaibigan nyang babae na si Cara.

"Amie tara! Tignan na natin kung saan ang room natin!" excited na sabi ng kaibigan nya.

"Ikaw nalang Cara. Puntahan mo nalang ako dun sa Canteen."

"Ano ba yan! Sige na!" nakangusong umalis si Cara. Medyo natawa si Amie sa inasta ng kaibigan.

Kilala si CHOI AH MIE bilang isang bully sa school. May nabully na syang lalake,babae,bakla,tomboy. Kinakatakutan sya ng lahat. Marami na ring umalis dito dahil sa kanya.

Gaya nang kanyang sinabi pumunta nga sya sa canteen at dumiretso sa pila. Medyo mahaba ang pila. Kaya nainis si Amie. Umalis ang iba dahil nakita syang nakapila. May naiwan na apat na babae na nakapila.

Medyo matagal ang pagoorder ng nakapila kaya naiinip na si Amie. Nakitang nyang naghaharutan ang mga babae na nasa harapan nya. Kaya lalo syang nainis.

Pinipigilan ni Amie ang kanyang galit. Ayaw nya munang gumawa ng gulo dahil First Day of School ngayon.

Hanggang sa mabangga sya ng babaeng nasa harapan nya, hindi man lang nagsorry at nagtuloy parin sa pagtawa.

Hindi na napigilan ni Amie ang kanyang sarili.

"Ya!" sigaw nya dun sa mga babae. Nagharapan naman ang mga ito. "Hindi ba kayo mapakali ha? Kanina pa kayo naghaharutan!"

"O-oh we're sorry Amie" paumanhin ng babaeng na sya din na nakabangga kay amie.

"And you!" duro nya dito "Dahil sa kaharutan mo kanina nabangga mo ako! Tapos hindi ka manlang nagsorry?"

"Amie Mianhamnida" nakayukong paumanhin nito.

"Bbaejuseyo!" muling sigaw ni amie kaya dali daling umalis ang mga babae.

*translation: Leave!*

Suminghap muna nang hangin si Amie bago pumunta sa may counter.

"Potato Chips nga" sabi nya. Agad naman kumilos yung nagbebenta at ibinigay kay Amie. Nagbigay si Amie ng saktong pera at umalis duon. Ang ibang estudyante ay nakatingin sa kanya pero hindi nya na iyon pinansin pa.

Nakita nyang papunta sa gawi nya si Cara. Malawak ang ngiti nito.

"Aaammiiiieee!" patakbo itong pumunta sa kanya at niyakap ito.

"Ano ba? Parang ngayon lang tayo nagkita ah?" ingit ni amie at inalis ang pagkakayakap sa kanya ni Cara.

"Magkaklase tayo amiee!!"

"Talaga?"

"Oo!"

"Hay malas." sabi ni amie kaya agad nawala ang ngiti sa labi ni Cara at ngumuso ito.

"Ang bad mo sakin! Ayaw mo ba akong kaklase?" kunyaring naiiyak na sabi ni Cara.

"Ayoko"

"Bakit?"

"Maingay ka eh"

"Tse!"

Inubos muna ni Amie ang kinakain nya at pumunta na sila sa room nila. Section A- Areumdawo.

Rinig hanggang labas ang ingay ng mga estudyanteng nasa loob ng room kaya pagpasok nila naglingonan ang mga estudyante sa kanila at tumahimik.

"Infairness ah tumahimik agad sila pagpasok mo" bulong ni Cara sa kanya pero hindi nya iyon pinansin. Hinanap nya kung may pwesto pa sa may malapit sa bintana kaya nang may makita sya agad ayang pumunta sa gawi na iyon.

The OT7 and The BullyWhere stories live. Discover now