GAYS

23 3 2
                                    


Chapter 3

JUNGKOOK'S POV

Bakit ganun nalang sya kung magsalita?

Kinakakatakutan sya ng lahat dito? Seryoso?

"Ayan ang napapala mo sa mga kalokohan na ginagawa mo Jungkook, tsk!" sabi ni Namjoon sa akin.

"Nagulat ako nung ginawa nya sayo iyon eh. Akalain mo isang Jeon Jungkook na bully dati ay nasampal ng libro ni Amie na bully dito sa school at kinakatakutan?" sabi naman ni Jin.

"Manahimik nga kayo" saway ko sa kanila.

"Bro bat' kasi hindi ka nakinig sa akin? Sabi ko tigilan mona diba? Ayan tuloy nangyare sa mukha mo. Baka magalit mommy mo pagnakita yan." si Hoseok.

"Magagalit yun dun sa Amie na iyon! Sigurado ako pag nalaman ni mommy ito si Amie ang sisigawan nya at hindi ako!"

"Wag mo nalang sya kulitin bro"

"Gaganti pa ako sa kanya. Humanda sya. Hindi lang sya ang bully dito."

"Hoy Jungkook! Wag na wag kang papatol sa babae ha!" sigaw sa akin ni Jin.

"Wala akong pake hyung. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa kanya."

"Baka sabihan kang bakla! HAHA" tawang tawa na sabi ni Jimin.

"Tss okay lang. May kapalit yun." naalala ko ang sinabi ko sa kanya. Nakapag sinabihan nya pa ako ng bakla hahalikan ko sya.

"Hoy bat ka ngumingisi ngisi dyan kookie? May binabalak ka ano?" sabi ni Taehyung na nasa tabi ko. Inakbayan ko naman ito.

"Wala V hyung. Gusto ko lang makaganti sa kanya." nandito kami sa hallway naglalakad parin. Nagkwekwentuhan naman sina Namjoon at Jin. Si Hoseok naman kumakanta tapos sumasayaw pa. Si Jimin parang nagmomodel model sa harapan namin.

Ako naman nakaakbay kay Taehyung.

Marami kaming nakakasalubong na babae tapos binabati kami.

"Ke bago-bago lang natin dito sikat na agad tayo? HAHAHA! Nakakaattract daw kasi ang gwapo kong mukha" sabi ni Jin hyung na nakahawak pa sa baba nya. Napailing naman si Namjoon at natawa kami.

Nang makabalik kami sa room nakita namin si Yoongi may kausap na babae.

"Kakaiba itong si Suga mga pre. Ang lakas maka hugot sa babae HAHAHA" sabi ni Jimin. Natawa ako pero nanatili parin akong nakatingin dun sa babae na yun. Mukha syang nerd. May salamin syang nagkakapalan at naka tali ng buhok.

Lumapit kami sa gawi nila at natuon samin ang pansin nilang dalawa. Tumayo ang babae at bumow sa amin ng bahagya at umalis. Nagtaka naman kami sa inasta nya. Tumingin kami kay Suga.

"Bakit kausap mo yun dre?" tanong ni Hoseok sa kanya.

"May tinanong lang ako sa kanya"

"Ano naman yun pre?"

"Yung tungkol sa Amie na iyon"

Nanlaki mata ko sa sinabi nya.

"WHAT? ANO SABI HYUNG? ANOOO?" pagmamadali ko sa kanya.

"Kakalma ka o sasapakin kita?" sabi ni Suga Hyung.

"S-sorry ano nga yun hyung?"

Lumapit naman sa amin ang iba at nakinig.

"Matagal na daw na bully dito si Amie. Madami na rin daw na umalis dito dahil sa kanya. Mapalalaki inaaway nito. Wala syang kinakatakutan."

"Woo! Kaya pala pati si Kookie inaaway nya." si Taehyung.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The OT7 and The BullyWhere stories live. Discover now