Chapter 2Natapos na ang iba pa naming subject at uwian na. Sabay kaming naglalakad ni Cara dahil magkaparehas lang naman kami ng tinitirahang apartment.
"Buti naman wala ka nang ginawa kay Laeni kanina?" paguumpisa ni Cara.
"Psh! Wag kang magalala bukas marami akong gagawin sa kanya" nakangising sabi ko. Pinalo nya naman ako sa braso.
"Ano ba?!" iritang sigaw ko sa kanya.
"Your so bad amie."
"Well that's me?" Pagyayabang ko tumawa naman sya. Pumasok na kami sa gate at umakyat na nang hagdan. Yung unang pinto ay kina Cara kaya sya ang unang papasok.
"Bye amie! See you tom!" pagpapaalam nya. Kumaway nalang ako. Umakyat na ako sa third floor dahil duon ang amin. Pagkabukas ko ng pinto....
"Ate!" Sigaw ni Wingie. Kapatid ko.
Yumakap sya sa akin.
"Umalis sina mama may bibilihin daw sila. Ate nagugutom na ako." nakanguso nyang sabi.
Natawa ako sa inasta ng 12 years old kong kapatid. Oo 12 na sya pero may pagka-childish parin.
"Hintayin nalang natin sina mama"
"Andwae! Kahit noodles lang ate.. Jebal?"
"Ya! Okay okay!" ginawan ko na sya ng noodles na gusto nya. Habang nanonood ay kinakain nya iyon. Nakaramdam ako ng antok. Tumayo ako at sinabi sa kanya na matutulog na ako.
"Goodnight eonnie!"
Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga.
..K I N A B U K A S A N..
Pagkagising ay naligo na ako at nagbihis para pumasok. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto bumungad sa akin sina Mama at Papa nagtatawanan.
"Ma?" tawag ko. Humarap sya sa akin at maluha luhang tumawa.
"Nak! Hahaha! Natatawa kasi ako dito sa papa mo na kanina pa nagjojoke! Ang cocorny naman!" pinalo ni mama sa braso si papa.
"Mahal mo naman ako kahit ang corny ko diba?" lambing ni papa.
Kahit may mga edad na sina papa kung umasta sila para silang magjowa lang.
"Oo naman hihi," sagot ni mama na kinikilig pa.
"Asan si Wingie ma?"
"Pumasok na, ikaw ano oras pasok mo?"
"Papasok pa lang ako"
"Hindi kana kakain?"
"Dun nalang sa school ma," pumunta ako sa gawi nina mama at hinalikan sila sa pisngi.
"Ingat ka nak!" sabay na sabi nina mama. Tumango nalang ako at lumabas na. Bumaba na ako sa hagdan at sakto kakalabas lang ni Cara sa kanila.
"Uy sakto! Haha!" sabi ni Cara. Ngumiti nalang ako at nauna nang bumaba sa kanya.
Ako ang unang lumabas ng gate kaya sya na ang magsasara nito. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Cara sa likod pero hindi ko iyon pinapansin.
"Amie ano ba! Wait for me!" sigaw nya. Lumingon ako sa kanya at tumakbo sya papalapit sa akin.
"Bakit ka ba nagmamadali?!"
"Nagugutom na ako eh." umiwas na ako ng tingin sa kanya at naglakad na.
"Hindi ka kumain sa inyo?""Hindi"
Medyo malapit na kami sa School nang may naamoy ako.
French Fries.....
YOU ARE READING
The OT7 and The Bully
De TodoThe 7 Boys got bully by a girl who named Amie. She's calling the boys STUPID and GAYS. Know the story of them by Reading and Voting this STORY❤