Chapter 5: Tell Me Why

21 0 0
                                    

*Louise's POV*

Dahil tapos na kami sa museum nagpunta na kami sa stop over bago pumunta ng E.K. Of course "SHELL OF ASIA". Habang naglalakad kami ni Xander sa hallway papunta somewhere na pwedeng kainan.

Naisip ko na, bakit ba sa dinami-dami ng tao sa campus namin, bakit siya pa? Bakit itong mokong na ito na lagi akong inaaway nung elementary ang magiging kaibigan and not just "kaibigan" kundi BESTFRIEND ko?

"Wis, bili mo nga ako ng frappe. Please."

"Panget mo! May pera ka dyan bumili ka ng iyo"

"Sige na, winala mo na nga yung bracelet na ibibigay mo sakin eh" puppy dog face, ang panget niya ! 

"Hahahahahahahahahaha. SIge basta promise mo frappe lang ahh wala ng donut. Tapos kain na tayo"

"SIge! Kain na tayo pagtapos."

"K" sabay tawa kaming dalawa.

*awkward silence*

"Xander?" 

"Oh?"

"Siguro destiny noh?"

"Ang alin paglilibre mo sakin? O itong tour?"

"Gaga, Hindi!"

"E, ano?"

"Yung pagiging mag"BESTFRIEND" natin?"

"Edi parang sinabi mo na din na destiny yung pang-aasar at pangaaway ko sayo dati?"

"I Guess?! Pero paano?"

"Ewan ko sayo Louise! Umorder ka na lang, tapos kumain na tayo gutom lang yan"

"Miss, 2 Mocha Frappe Venti"

Chashier: "Name po?"

"LANDER" biglang nagsalita si Xander, LANDER? LANDER? Lokoloko talaga toh!

shoot, counted!

Habang naghihintay sa table, hindi ko alam kung itatanong ko ba sa kanya yung tungkol dun sa name or what. But wait?!

Aaron? 

"Aaron?" Medyo patungangang sabi ko. Seryoso one of the Juniors sa starbucks ko pa makikita! Eh minsan ko nga lang nakasama yan dahil nagremedial sya sa Biology. Si Aaron Lopez, Aaron Kent Lopez. Okay, i'm acting super wird aaminin ko na, siya lang ang lalaking pumasa sa standards ko biglang crush. Choosy ehh .. "Destiny?"

"Aaron? Seryoso Louise, dyan ka natutulala? Kay Aaron?" still staring at Aaron.

"Xander? Yung feeling na nung pumasok siya sa entrance parang tumigil yung mundo at siya lang yung gumagalaw habang nakikita yung angelic nyang ngiti" may pagnanasa ko atang sinasabi kay Xander

"BALIW!" Sabay batok..

"Aray" grabe talaga to.

"Eh kase kanina pa andito yung inorder natin eh, Tara na diba gutom ka na"

"Pwedeng extend 10 minute?"

"Hindi" sabay hila sakin, ewan ko ba kung possessive sya or inililigtas lang nya ako sa kahihiyan na malapit na ako maglaway hindi dahil sa frappe kundi sa isang Junior na basketball player plus former student council president.?

Ang weird na naman ng katahimikan.

"Wis, crush mo si Aaron?"

"Huh? Ako?" sarcastic mode

"Ano nagustuhan mo dun?"

Hmm, Aaron Lopez anong magugustuhan sa kanya? Gwapo? Matangkad? Basketball player? Okay. Hindi lang naman sa looks sya pasado, magaling din siya sa academics one problem nga lang Biology, yan yung subject na tinutulugan niya nung 2nd year siya dahil ang boring DAW!! Kaya nga nakasama ko siya sa class ko sa Biology dahil kailangan niya ulitin eh. Student Council President? Alam ko binoto siya ng halos 80% of the girls population from sophomore to senior, and for the record siya ang pinakabatang S.C. President. Mabait din naman siya kaya madami din siyang kaclose, one time nga daw nung nanuod ng tune-up game nila yung ibang juniors sa ibang section eh pinakain niya sa Mang Inasal? Mayaman? Galante? or WHAT?!! Mabait lang talaga.. HAAAAAYYYY!!!

He Became My FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon