Chapter 6: What if?

21 0 0
                                    

"Ano mo ba ako Louise? Bestfriend lang naman... hindi naman dpaat lahat alam ko diba" yung nagpapakasarcastic nalang para kunyare hindi obvious na naririnig. "Okay O.A. na ako.. Kase naman ayaw mo man lang ako kwentohan, malay mo matulungan kita sa kanya or mapayuhan"

Okay I can't take it. Inalis ko yung earphones ko at sinabi kay Xander na

"Xandeeeer.. OA ka na nga.. Crush lang yun! Admiration, tama ka hindi lahat dapat alam mo may mga bagay na girls lang nakakaalam tulad ni Michelle, mas tatanggapin ko pa kung siya mangungulit sakin ng ganyan pagdating sa crush. Alam mo kung bakit?" Medyo nagiging seryoso na yung itsura ni Xander habang nagsasalita ako. " Kase, hindi ka naman pwedeng kiligin kasabay ko pag nakiktia ko yung crush ko diba? Hindi mo naman ako pwedeng itext at sabihin sakin 'Wis, code red nasa likod mo yung crush mo' diba? may mga bagay sakin na hindi ka talaga kasama. Please understand. Bestfriend kita pero I know you can't understand lalo na pag tungkol dito... Sorry"

"Pero Louise.."

"Crush lang okay.. wag na natin palalain yung misunderstanding" sabay smile sa kanya at sumandal na ako ulit at nakinig sa music

"Nagbibiro lang naman ako, masyadong seryoso" Nakita ko siyang nagkamot sa ulo niya.

Hindi naman mahaba yung biyahe pagdating namin sa E.K. sabe ni Xander, enjoyin muna daw namin yung girl time namin ni Michelle, tapos kita nalang daw kaming apat somewhere in Victoria Park ng 6:30 pm. So meron naman 4 hours para maghagilap ng pogi este magsaya kami ni Michelle. 

"Louise, ikaw ba bakit ayaw mo magboyfriend?"

"Edi parang naghanap ako ng bato na ipupukpok sa ulo ko"

"Hayy nako. YAN! Hopeless romantic ka, yang mga linya mo nakukuha mo lang sa panonood mo ng romantic movies, pagbasa ng mga novels at pagpupuyat sa wattpad."

"Hindi. Seryoso talaga ayoko!" 

"K. Tara na nga"

So andame na nameng nasakyan rides, and alam kong malaki ang E.K. pero hindi namin nakakasalubong sila Xander. Hmm baka naghagilap lang yun ng mga chiks eh hindi lang naman school namin ng field trip eh.

"Hi Miss.." huh? Who you? 

"Shet Ms. Dela Peña .. may itsura" sabay bulong sakin ni Michelle. 

Okay, sa dinami dami ng tao sa EK sakin siya naghello. Sabagay LALAKI marami na yang nahellowan "Teh, lahat naman may itsura. Pinagpala lang to. Tara na nga"

"Hello kuya" sabay lakad not to be rude ngumiti naman ako sa kanya .. Pero hindi ko talaga hilig ang makipagusap sa STRANGERS!

"Hey, Louise.. Speaking of my itsura the "MEAN GIRLS" are approaching"

"Hmm.. Yaan mo sila.. Rizza plus the wannabe's lang naman yan. Mag-enjoy nalang tayo ng hindi sila nakikita .. Mas nakakahilo sila tignan kesa sa pagsakay sa space shuttle"

"TAMAAA! Isang malaking check"

While walking, kain dito kain don. Kulitan dito, kulitan don. Hayy Spell girl bestfriend? T-H-E B-E-S-T ! Hindi naman sa sinasabi kong boring si na bestfriend si Xander, hmm magkaiba lang tlga sila. 

"Mich, magsi 6:30 na.. Tara punta na tayo sa Victoria Park."

"Teka, pero sabi mo babawi ka sa toy machine.. Hmm ayaw mo na ba makuha yung stuffed toy?"

"Eh pano sila Xander naghihintay yun don. Baka sabay sabay tayong magdidinner"

"Sige na nga tara na"

Habang binibilisan na namin yung lakad namin ni Michelle papuntang Victoria Park napansin namin na padami na ng padami yung tao na nagpupunta dun. Sabi ni Michelle baka daw kasi malapit na magfireworks display at Victoria park ang may pinakamagandang view. Sabagay, kaya nga siguro kami pinapapunta dun nila Xander para sabay sabay din manuod ng fireworks dislpay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Became My FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon