Capítulo 1

24 1 0
                                    

"Goodmorning class! I would like you to meet, Kreshia Rivara Latiza!" tugon ng prof. ko sa ap. Ap kase yung first subject ko. Ap din ang fav ko hahaha.Dahil sa mga bayani dahil na rin sa nabasa kong history na story.

"Ms. Latiza please introduce yourself." tumayo naman ako at nagpakilala.

"Hi my name is Kreshia Rivara D. Latiza. I'm 18 years old." sabi ko habang nakatingin sa prof at kaklase ko.

"Hoooooo chicks na naman pare!!!"

"Wag ka ngang maingay nakakarindi ka ah!"

"Basta akin yan!"

Mga bulyawan ng mga lalaki kong kaklase.

"Quite class! Para kayong mga bata!" Tugon ni prof sa mga ito.

Pagkatapos ng pagpapakilala ko ng discuss na sya. By the way, i'll just repeat again. I'm Kreshia Rivara D. Latiza. 18 yrs. old you can call me Kris, Kreshia, Iva! Hahahaha andami kong nickname! Last year may nangyaring accident sakin. Car accident nagkaroon ako ng temporary lost memory pero isang taon na rin wala pa rin ako naalala puro sa mga panaginip lang tapos may gagawin ako na parang nagawa ko noon pero wala akong maalala. Bigla biglang sasakit ang ulo ko. Sabi kase ng Doktor malala daw yung pagkakabagok ng ulo ko sa isang malaking bato kase nalaglag ang sasakyan ko sa bangin, isang milagro nga daw na nabuhay pa ako. Araw- araw kong hinihiling nasana bumalik na ang alaala ko. Pero may konti naman akong alam tungkol sa pagkatao ko. Sabi nila nakuwento na daw nila lahat pero sarili ko mismo hindi sumangayon sa sinasabi nila ewan ko ba parang may tinatago sila sakin na hindi ko maintindihan. Na para bang may ayaw silang ipaalam sa nakaraan ko, sa bawat araw na dumadaan hindi nawawala ang takot ko. Paulit ulit kong inaalala ang nangyare bago ang aksidente, sa tuwing pinipilit ko may lumalabas na sobrang labo basta ang alam ko nasa harap ako ng puno, habang iyak lang iyak.

"Okay class dismiss!" bumalik lang ako sa reyalidad ng biglang umimik si prof.

Lumbas na ako ng classroom. Dumeretso akong canteen kase nagugutom nako ng sobra sobra. Napatigil lang ako sa paglalakad ng may tumawag sakin.

"Ivang!!!!!!!!" kaibigan ko pala.

"Amara!"tugon ko!

Nagyakapan kami kase sabi ng Mommy ko sya daw yung isa sa mga kaibigan ko. Isang taon na ang nakakalilipas nang huli kaming magkita. Sa ospital pa iyon. Dahil isang taon akong tumigil muna sa pag aaral at nagstay sa Spain, dahil don ako nagpagamot.

"Kamusta kana?!" ani nya

"Eto okay naman! Hahahaha nasan sila Natalie? Ang barkada? Sobrang tagal na rin nang huli tayong nagkita-kita. Nasa iisang school tayong lahat pero sobrang bihira tayo magkasalubong" tugon ko rito.

"Okay naman sila hehe" sabi nya

Naglakad kami papunta sa upuan at tsaka nagkwentuhan.
Matagal narin kaming magkakaibigan mga anim na taon na. Sa konti kong naaalala ay nasa lima ang tunay kong kaibigan na babae. At may isang lalaki na kababata ko rin.

"Kamusta ka na?" sabi nya

"Okay naman na." tugon ko.

"Wala ka na ba talagang maalala?"

"Meron naman kahit papano pero laging tungko lang sainyo, sa pamilya ko, sa kabataan ko e, temporary lang naman daw ito sabi ng doktor, sa totoo lang halos kalhati ng buhay ko ay alam ko na maliban nalang nang after graduation ng highschool.Ang hirap nga e. Gabi gabi may napapanaginipan ako pero wala talaga e. Puro blur yung mukha nila. Minsan may napapanaginipan ako at biglang magigising tapos bigla biglang sasakit ang ulo ko. Nahihirapan narin ako e. Isang taon na akong ganito."
paliwanag ko. Napaiwas naman ng tingin sakin si Amara. Matagal ko na itong napapansin sa kanila e, iniiwasan nila ako kahit sino sa paligid ko tanging si Grey lang ang napagkakatiwalaan ko parang sa lahat ay siya lang nakakaintindi at nakakaunawa saakin. Siya ang kababata at kaibigan kong lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe Not, This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon