Prologo
___________
That smile . . .
Kapag in love daw ang isang tao, kitang-kita iyon sa kanyang mga ngiti. And I couldn't agree more.
Nagtagpo ang mga mata namin. Agad kong inangat ang mga sulok ng bibig. Ganundin ang isinukli niya na may kasama pang thumbs-up.
Nakakasilaw ang kanyang ngiti. Kahit kailan ay hindi ko pa nakitang ngumiti siya nang ganoon kasaya at katamis.
Bakit nga naman hindi? He and the girl he loved, they were finally officially together. Dapat ay masaya ako para sa kanila. His efforts paid off.
Pero paano nga ba ako magiging masaya kung ganitong pinupunit naman ang puso ko?
Nagsipalakpakan ang mga nakikiusyoso. Ang iba naman ay nagtilian sa sobrang kilig at galak sa nasasaksihan. Kitang-kita ko, ramdam na ramdam ko ang sayang nararamdaman ngayon ni Iñaki habang nasa mga bisig niya ang babaeng unang nagpaintindi sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ganundin si Janette, ang babaeng minamahal niya, na hindi rin mapuknat ang ngiti sa labi.
I bit my lower as I was trying to get a hold of myself. But I guessed it was too late.
Isa-isang nag-unahan ang mga luha sa pagpatak. I was stunned, so embarrassed for a moment and immediately wiped those away with the back of my right hand.
Masaya si Iñaki. Iyon ang importante.
Akala ko matagal pa bago mangyari ito. But it was happening now right before my eyes. No one knew what I was really feeling inside. Sino nga ba naman ang makakahula?
Makulay at maganda ang ngiti ng aking maskarang suot ngayon.
Narinig ko ang pagtipa ni Beatriz sa keyboard, hudyat na nakuha na niya ang signal mula kay Iñaki na kailangan na nilang tumugtog. Pinaghandaang lubos ni Iñaki ang araw na ito — ang pagtatanong niya kay Janette kung puwede na bang maging sila.
I was the one who planned this . . . for him.
Kinailangan ko pang um-absent sa pang-alas siete ng gabi kong klase para maisakatuparan ang mga ito. Ganundin ang banda nina Beatriz na kinailangan ko pang suhulan para magsipayag.
Sa ikasisiya ng pinakamamahal kong best friend, handa akong isakripisyo ang lahat.
With an excruciatingly soulful song, the couple danced slowly and gracefully. Kitang-kita ko ang mga mata nilang magkahinang na punong-puno ng kasiyahan at pag-ibig para sa isa't isa. They looked lost in each other. So in love, so drowned, and not capable of resurfacing.
Habang tumatagal na nasasaksihan ko ang matinding pag-ibig nila para sa isa't isa, palakas rin nang palakas ang panaghoy ng puso ko. Sumasakit ang dibdib ko ngunit pinipilit ko pa ring ngumiti at umaktong masaya.
Masaya ako. Masaya ako, na halos madurog ang puso ko.
"C-Congratulations!" pilit ang ngiting bati ko kay Janette nang natapos ang sayaw.
She was misty-eyed. Sino nga ba naman ang hindi maiiyak sa ginawa ni Iñaki para sa kanya?
She smiled, that smile which made my best friend fell for her. "Salamat, Addy!"
Niyakap niya ako na sinuklian ko naman. My eyes met Iñaki's who was just a few feet away.
Katulad ni Janette, maluha-luha rin siya.
Hindi ko na maipaliwanag ang sakit na lumulukob sa akin habang nakatingin sa kanya. Ilang beses niyang sinabi sa akin na liban sa pamilya niya, ang babaeng mamahalin niya lamang nang lubos ang makapagpapaiyak sa kanya.
BINABASA MO ANG
If I Let Go (Book 1 of If I Trilogy, Villaraza Series #2)
Literatura FemininaThis book is completed on Dreame. * * * Anaddy Mouera G. Fortalejo was known for her beauty, kindness, and brilliance. Most of the guys she met wanted her to be theirs. Sino ang hindi gugustuhing maging boyfriend niya? Halos lahat ay nasa kanya na...