вíttєrѕwєєt 1

43 3 0
                                    

"Ano pang hinihintay mo diyan,Tanya?"
Mataray na tanong sakin ni Tiya habang matalim na nakatingin sa akin.

"Ang aga pa naman para sa unang klase ko"Tamad ko namang wika habang walang ganang pinaglalaruan ang pagkain sa harapan ko.

"Hija,may problema ba?"tanong niya kaya umiling nalang ako.

"Ano kaya kung bumalik ka nalang sa bahay ninyo?"Mabilis naman akong napatingin sa kanya nang sabihin niya ang mga salitang yon.

Nahihirapan na kaya siya?

"Para naman hindi ka na mahirapang mag commute para lang makapasok sa eskwela"dagdag niya na agad kong ikinabalisa.

Hindi naman sa ayoko nang bumalik sa bahay.Nakakasawa lang kasing araw-araw kong nakikitang nag aaway sila mommy and daddy dahil lang sa business.

"Tita,Kaya ko naman ang ganito..Isa pa mas gusto ko ang buhay ko dito."Napabuntong hininga naman siya dahil doon.

"alam mo kas--"

"Hello tita ariela!! Magandang umaga sayo Tanya!!!"Halos mapatalon kami sa gulat nang biglang pumasok sa loob ng kusina si Kairu habang ngiting-ngiting nakatingin sa amin.

Sigurado akong makikikain na naman itong si bruha.

"Kumain ka na ba hija?"tanong sa kanya ni Tita Ariela kaya agad naman siyang umiling tsaka nag pout.

Ibig lang sabihin niyan ay nagpapaawa siya.

-,-

Kung alam niyo lang..Araw araw na siyang nandito para lang kumain nang umagahan tsaka magkukunwaring susunduin lang ako.

"Salamat tita!! Ang bait niyo po talaga! Bakit kaya wala pa kayong asawa?"wika niya na ikinatuwa ni tita.

Psh! Halos araw araw niya na yang linyahan para lang bolahin si tita at pakainin siya.

"Bilisan mong kumain diyan, malelate na tayo"Sabi ko tsaka iniligpit ang pagkain kong hindi naman nagalaw.

"Akala ko ba hija,maaga pa masyado?"

"May kailangan pa pala kaming gawin sa school,isa pa baka maubos niya lahat ng hinanda mo"Ako tsaka tinuro si Kairu na enjoy na enjoy ang pagkain.

Umakyat lang ako sandali sa kwarto ko para kunin ang iba ko pang gamit na muntik ko nang makalimutan tsaka kami nagpaalam kay tiya na aalis na kami.

"Mag ingat kayo Hija!!"

______

Nang makarating kami sa school ay agad naming narinig ang malakas na tawanan at sigawan ng mga studyante sa paligid.

Pribado tong paaralan na ito kaya makikita mo kung gaano kaa-arte ang mga studyante..

Mayroon din namang ibang katulad namin na scholar kaya nakapasok dito,pero syempre may advantage parin yon.

"Oh! Nandito na pala si Tanya eh!"Sigaw ng isa sa mga kaklase kong madalas ako kung pagtripan.

Tiningnan ko lang siya tsaka ako naglakad papunta sa upuan ko.Nasa dulo ako sa tabi ng bintana kaya presko ang hangin.

"psst! Tanya!!"Pasigaw na bulong sa akin ni Kairu mula sa upuan niya sa harapan.
Agad naman akong lumingon sa kanya at tinanong kung anong kailangan niya.

"Balita ko bumalik na si Dwayne ah"Balita niya sa akin na ikinagulat ko.

Akala ko ba nasa amerika na siya?Psh.
Sinungaling talaga siya..Nakakainis.

Umalis nang walang paalam tapos ngayon babalik siya ng walang pasabi?

"Hmm,That's great"Maikli kong tugon sa kanya tsaka muling ibinalik sa bintana ang tingin.

Maya maya lang ay dumating na rin si Ms. Mara dala ang paborito niyang stick.

"Good Morning Class"bati niya kaya sabay sabay din kaming bumati..Na walang gana.

"After i start our lesson..I want you to meet our new transfer student."

Marami samin ang natuwa pero marami rin namang nabigla.

"Mr. Valbuena, come here infront and introduce yourself in the class"

Dahan dahan kaming napalingon sa pinto ng biglang pumasok ang isang pamilyar na lalaki habang ngiting-ngiting nakatingin sa amin.

Paano? Paanong kaklase ko siya?

"Good morning everyone, Im Dwayne Valbuena,The new student of Class AB"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang mga oras na yon.Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw.

"Hi Ex!"Napabalikwas naman ako ng biglang may magsalita sa tabi ko.

"D-dwayne"Utal kong wika habang nakatingin sa kanya.

"Para kang nakakita ng multo ah? Gulat na gulat ka nang makita mo ko"tsaka siya ngumiti nang nakakaloko sa akin.

"Siya ba yung past ni Tanya?"

"I don't know why pero i always ship them.Why is that?"

"Ang gwapo parin niya"

"Pre,may kaagaw ka na"

Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang mga kaklase kong nagbubulungan.

"Shh! Class,Quiet!!"Saway sa kanila ni Miss Mara kaya agad naman silang tumahimik at umayos ng upo.

"So,What's up? Long time no see"Si Dwayne.

"Fine,as always"Sagot ko habang sa harap nakatingin at sinusubukang mag consentrate sa lesson.

"Until now, you're my one and only Tanya"Bulong niya kaya napalingon ako sa kanya pero sa harapan lang siya nakatingin kaya naman sinubukan ko nalang mag focus.

*Ringggg Ringggg*

LUNCH BREAK

Hinintay ko munang makalabas ang mga kaklase namin bago ko ginising si Kairu na mahimbing na natutulog.

"Pst~ its lunch time,wake up you sleepy head"Sabi ko sa kanya habang dahan dahan siyang tinatapik.

"hmm! Bakit ba ang kulit mo? Natutulog nga ako diba?"Reklamo niya na ikinairap ko.

Aba kung meron lang talaga akong ibang kasama,iniwan na kita.

"Kurt is here..Waiting for you"Pagkatapos marinig ang sinabi ko ay agad siyang napatayo at lumingon lingon sa paligid.

"Where??"Binatukan ko lang siya tsaka umuna sa pintuan. "Loko! Kahit kailan hindi ka mapapansin non!"

Kurt is her long time crush.Na kahit kailan hindi siya napansin,Even dont know that Kairu Guerrero is existing.

Nang buksan ko ang pinto ay agad akong napatingin sa gilid kung nasaan si Dwayne na para bang may hinihintay.

Hindi ko nalang siya pinansin at sa halip ay dumaan nalang sa kabilang direksyon.

"Tanya! Wait!"tawag niya sakin pero hindi ako lumilingon.

Mabilis lang akong lumalakad ng lumalakad.

Ayoko na kasing balikan yung dati. Yung mga nakaraang ayoko nang ibalik.

"Tanya! Can you give me a seconds?"Tanong ni Dwayne kaya napatigil ako sa paglalakad.

"What?"

"Can i be your friend? Like before?"Wika niya pero tiningnan ko lang siya na ani mo ay hindi makapaniwala.

"Wala akong time para sa mga kalokohan mo"

"Kairu,Tara na. My treat"Yaya ko kay Kairu na nasa likuran lang ni Dwayne tsaka ako nagsimulang maglakad palayo.









____________

So, first chapter is done!
And i feel so excited while writing that.

Hope you support this book.

VOTE,COMMENT AND FOLLOW! ~❤

Bittersweet || m.ѕn х k.th ||Where stories live. Discover now