Mina's Pov:Kinuha ko yung notebook ko upang basahin ang isang sulat na inisulat ko dito.
"Every moments we've spent together, remains in my memory. All of our happy nor unforgettable scenarios. Even those hurtful ones that kills me everytime."
Pumuwesto ako sa kama't nahiga na muna habang inaalala ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko.
Kasalukuyan akong nakatira sa isang hotel dahil hindi ko kayang manatili sa tahanang pumuno ng masasayang ala-ala sa aking puso.
"If I could back in time where you're still close to me, I would be so happy. If only I could say that it's still you and me."
Napagala na lamang ang paningin ko sa ceiling ng kwartong kinaroroonan ko habang inaalala kung ano nga ba ang nangyari na naging dahilan ng ganitong pangyayari, kung paano siya nawala sakin.
"I'm searching for you but I can't find you. I'm trying to listen to your voice but everything I could hear was the silence that's slowly killing me."
Sinusubukan ko paring umisip ng paraan kung paano siya makakasama. Muntik ko nang makalimutan. Wala na pala akong magagawa para balikan ang nakaraan na minsan ko nang sinayang.
"You tried to call me every morning and night. But all I did was to make everything worse than right. I could say that you're the unluckiest person in the world. Why? 'Cause you ended up with someone like me."
Mahina yung pang-unawa ko. Masyado kong nagpadala sa emosyon ko. Sinusubukan niyang ipaliwanag yung punto niya sakin ngunit pinili ko paring makinig sa kung anong tumatakbo sa isipan ko.
"I told you not to come near me 'cause I've always thought that you're cheating on me with someone else. I'm always the jealous type. I isolated myself from you. I made a mistake by saying that you could easily find another for your bed."
Namumuhay kami nang masaya sa iisang bahay dahil mahal namin ang isa't-isa. Pero kakaiba talaga yung ugali ko. Aminado akong nasasaktan ko siya sa tuwing iisipin kong may gusto siyang iba. Pati mga kaibigan niya, pinagseselosan ko na. Maling-mali ako doon.
"How I wish you're still here beside me. It seems like a dream, a nightmare. I'm blaming myself 'cause I let you go. I pushed you away when you're begging to stay."
Pinaalis ko siya sa bahay dahil hindi ko parin pinaniniwalaan ang mga paliwanag niya. Hindi ko maalis sa isipan kong close na close siya sa matalik na kaibigan niyang si Sana. Naalala ko pa 'yung huling paglingon niya sakin, kitang-kita kong pumatak ang kanyang luha ngunit wala akong ginawa kundi manatili sa aking pwesto.
"You left 'cause I told you to. I couldn't believe that you would follow everything I say. I guess you love me so much to the point that you really went away even though it hurts."
Lumipas ang mahabang panahon na hindi siya kasama. Naisip kong hindi ko pala kayang malayo sa kanya. Naisip kong katangahan palang isipin na may mahal siyang iba dahil alam kong mabuti siyang tao. Binalak kong habulin siya sa flight niya papuntang America.
"I'm sorry. I shouldn't let you go. Please come back. Promise I won't hurt you anymore."
Hindi na ko umabot eh. Nakalipad na yung eroplanong sinasakyan niya. Wala na kong nagawa. Ibinuhos ko na lamang sa pag-inom ang nararamdaman kong kalungkutan. Hanggang sa mabalitaan ko sa TV na may bumagsak na eroplanong papuntang America.
"I lost you because I am a self-centered person. All I did was to cry and cry harder 'cause it's my fault. You're gone because of me. I was the one who really killed you, not that airplane accident."
Ako na lang sana 'yung nawala, hindi siya. Isang katangahan na hinayaan ko siyang makalayo sakin. Sa sobrang kasakiman ko, nawala na lamang siya nang parang bula. Lahat ng masasayang ala-ala nandito parin sa aking puso. Pati na 'yung masasakit na parte kung saan pinakawalan ko siya na naging dahilan ng katapusan ng buhay niya.
"Kim Dahyun, I love you so much. You don't deserve me. You deserve someone better than me. Someone who can fight for you no matter what. Someone who'll never make you cry nor harm you. Someone who wouldn't let you die, it's not me. I'm sorry."
Sobra 'yung pagsisisi ko sa nangyari. Sising-sisi ako. Ang sakit-sakit isipin na hindi ko na siya magawang makasama ngayon. Wala na ang taong pinakamamahal ko. Huminga muna ako nang malapit bago dugtungan ng huling parte ang inisulat ko.
"We love each other but for some reasons, we can't be together."
Kung sakali mang palarin na magkita kaming muli sa kabilang buhay, hinding-hindi ko na siya muling sasaktan. Isinarado ko na ang notebook bago tuluyang mapaluha sa kinahantungan ng kasakiman ko.
"Kim Dahyun, I'm sorry." Umiiyak na nasabi ko na lamang.
- T H E E N D -
A/N: Sana nagustuhan niyo. Hahaha. Fighting!
Vote.Comment.Share
![](https://img.wattpad.com/cover/173927704-288-k805476.jpg)
BINABASA MO ANG
Hotel Ceiling [MiHyun One Shot]
Short Story"We love each other but for some reasons, we can't be together." Date Started: January 27, 2019 Date Completed: January 27, 2019