Chapter 4

4.8K 176 1
                                    

Scarlet

Kunway napaubo ako para maagaw ang pansin ni Frances dahil kanina pa nito tinutusok tusok ang sushi sa harapan nito. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin pero sobrang sama ng titig nito. Hindi pa kasi ito kumakain mula pa kaninang naka-order ako. Galit ito at naiintindihan ko iyon but can't she consider eating with me total naman ay nandito na kami.

"Bumalik na tayo sa eskwela dahil wala akong ganang kumain lalo at ikaw ang nasa harapan ko ngayon!" Mababa lang ang boses nito para hindi makaagaw ng atensyon sa ibang mga costumer na tahimik lang na kumakain but her tone was firm.

"Please Frances kahit ngayon lang. Nandito na tayo, kung ayaw mo akong makaharap sa pagkain. Just imagine that I'm not here. Ignore me if you want I don't mind basta kumain ka please." Pakiusap ko rito. Kung pasensya lang naman ang pag-uusapan ay marami ako non at hindi ako mauubusan para dito.

"Wala akong gana ok?! Get lost Scarlet!"

Napabuntong hininga ako. "Well, hindi tayo aalis dito kapag hindi ka kumain and you know me Frances. I don't mind if we both skip our first period this afternoon my love."

Nag-isang linya ang kilay nito at inis ulit na tinusok ang isang sushi at kinain iyon. Wala itong pakialam sa pagkain basta maubos nito. She's clumsy and I like that habit of her. Sinunod nitong kainin ang shirmps since mas pinili nito iyon kaysa sa crabs.

Ng matapos ito ay napangiti ako. Kakain din pala ang dami pang arte but Frances never lift her head to face me. Iniiwasan nitong magkatitigan kami, halatang nayayamot sa akin at hindi ko alam but I'm enjoying it. Ewan ko pero mas nagmumukha itong cute kapag ganoong nagagalit ito.

Ng matapos ito ay hindi na ako hinintay pa. I paid for our bill bago ako sumunod rito. Frances is standing beside the cars door at nakapamaywang ito habang nakatalikod sa akin. She's staring at nothing. Halos mapatalon ito sa gulat ng pinatunog ko ang sasakyan to unlocked it. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Pinandilatan ako nito bago irapan saka marahas na binuksan ang sasakyan at padabog itong naupo saka pabalibag na isinara ang pintuan.

Damn girl..

She's so stubborn pero kasalanan ko rin naman. I'm persistent but can you blame me if I like her? Nope! I have a thing for the girl at seryoso naman ako rito kaya hindi ako aatras dahil lang sinabi nito.

Hindi ito tumakbo kanina para magtaxi dahil nasa loob ng sasakyan ko ang bag nito kaya hindi ako nito basta basta malalayasan. I'm smart at hindi ako papayag na matakasan ako nito.

I got inside the car at nilisan namin ang restaurant. Pasulyap sulyap ako rito habang nagmamaneho dahil nanghahaba na naman ang nguso nito. Sampung minuto lang at nakarating kami kaagad sa eskwela. Nagpark ako sa students parking area. Hindi ko muna binuksan ang sasakyan kaya halos sirain na iyon ni Frances makalabas lang ito at makalayo sa akin.

"Ano ba Scarlet! Open this damn door now! Male-late na ako sa klase!"

I looked at my wristwatch and saw we still have eight more minutes bago ang warning bell.

"Ok I will, pero mamayang gabi Frances dadalaw ako sa iyo sa mansyon ng Ate Snow mo."

"What for?!" Mataray nitong tanong. "Wala akong sakit and if you're planning to court me well ngayon pa lang basted ka na!"

Napabuntong hininga ako. Kailan ba ako nito bibigyan ng pagkakataon? Mas masarap pa akong magmahal kung hahayaan ako nito.

"All I'm asking is one chance Frances kaya manliligaw ako sa iyo sa ayaw at sa gusto mo."

Frances snorted. "Ayoko sa iyo. Kung si Jake ka, siguradong may pag-asa."

"At sino naman iyan?" Takang tanong ko rito. Wala sana akong pakialam pero tungkol ito sa babaeng gusto kong nagkakaroon yata ng crush sa Jake na iyon.

"He's my crush at mas gugustohin ko pang magkaroon ng kasintahang katulad niya kaysa sa iyo. He's a real man!"

Gusto kong mapaismid. Real man? I can be her man too kung gusto nito. Kaya ko rin namang makabuntis kung sakali. I could get someone pregnant dahil gumagana ang patutoy kong normal katulad sa mga lalake, my Doctor assured me kaya kung mali ang sinabi nito sa akin ay idedemanda ko ito.

Hindi ko rin naman ito sasaktan kung sakali dahil wala sa bokabularyo ko ang manloko. I like Frances at kaibigan ko si Snow kaya hindi ko kayang gawin dito ang kadalasang ginagawa ng mga totoong lalaki na mang-iiwan pagkatapos makuha ang gusto.

"I can be your real man Frances. Lahat ng nagagawa ng lalaki kaya ko."

"I want a real man Scarlet at hindi katulad mo ang hanap ko." Talagang pinagdiinan pa nito ang salitang real man. Well I'm a real man too with extra, extra small boobs.

"Basta love, manliligaw ako sa iyo. Pupunta ako mamaya sa mansyon niyo."

"Wala kang aasahan sa akin Scarlet kaya itigil mo na iyan if I were you."

"But you're not me kaya hindi mo ako mapipigilan. I want to pursue you at handa akong maghintay para sa chance na hinihingi ko."

I pressed the unlocked button at bumukas lahat ng locked ng pintuan. Frances didn't say anything nor glance at me. Kinuha nito ang bag at agad bumaba saka binalibag ulit ang pintuan ng sasakyan ko. May balak yata itong manira. I smiled while staring at Frances's figure habang naglalakad ito sa field. Malalaki ang hakbang nito because she'll be late on her first period.

Shit!

Nakalimutan kong pati ako ay malapit ng magsimula ang unang klase sa tanghali. Palagi ko na lang nakakalimutan ang lahat kapag kasama ko si Frances. All that matters to me is her.

Kinuha ko ang bag ko bago lumabas ng sasakyan. Pagka-locked ko sa pinto ay agad akong tumakbo sa field. It's Miss Reyes's music and arts class. Letse! Hindi pa ako nale-late at mukhang mape-perstaym ako ngayon. Siguro ok lang total naman ay nakasama ko si Frances na kumain sa labas.

I was smiling when I step inside the room at mas nauna pa akong pumasok kaysa kay Miss Reyes!

Mukhang sinuwerte ako ngayon.

Falling For FRANCES KIEFER _2nd story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon