Chapter 2

6.4K 221 10
                                    

Scarlet

I'm Scarlet Howard. Nag-iisang anak ng tanyag na Doktor na si Helsin Howard. May crush ako kay Snow Giudevaun ng makita ko itong ginagamot ng daddy ko.

My dad hated me for being intersex. I'm a girl with a male genital. Gusto ng daddy kong operahan ako nito, magpa-sex change but I refused it. Mas gusto ko ang pagiging natural ko although alam kong 'abnormal' ako when it comes to my physical aspect pero wala akong pakialam. I was born this way and I feel blessed about it.

Nag-aaway kami palagi ni daddy dahil doon. Hindi kasi nito matanggap na nagkaroon ito ng anak na kagaya ko so I left at sa Pilipinas ako napadpad. My mom is a Filipino at nakakapunta na ako dati rito para magbakasyon pero ngayon, I will stay for good. Away from my father, away from trouble, at si Snow nga ang sinundan ko.

I'm living in a secluded area sa isang subdivision. I wanted security dahil alam ko ang kalakaran ng Pilipinas. I'm alone and I don't have a maid although may hina-hire ako every Monday and Thursday para maglinis at maglaba. I know how to cook kaya wala akong problema pagdating sa bagay na iyon.

Naging boyfriend ko si Chase. Isang estudyante sa paaralang HFU which is doon din nag-aaral si Snow. I met Chase sa isang mall, I was planning to befriend him dahil hindi nga kami pwede in terms of sexual affair. Mapilit ito at dahil gusto kong mag-eksperimento, pinatulan ko ito. I enrolled in HFU at ito ang sumama sa akin. Ito ang nagtour sa akin sa eskwela pero bago ang pasukan ay nakipag-break ako dito.

The guy was obsessed to me at ayaw kong gulohin ako nito kung sakali lalo na at magiging kaklase ko rin si Snow. I knew it dahil nirequest kong maging kapareho ko ang schedule nito dahil sinabi kong ito lang ang kakilala ko doon na sinuportahan naman ni Chase.

But I learned that Snow's still madly in love with someone else kaya isinantabi ko ang nararamdaman ko para dito pero nag-iba ang ihip ng hangin ng makilala ko ang nakababatang half sister nito, si Frances Kiefer.

She's cute, maganda ito at parang dito nabaling ang pagtingin ko kay Snow.

Mabuti at hindi ako mapaglarong tao at ito pa lang ang una kong magiging girlfriend kung sakaling magustohan ako nito. Nakakaturn off kasi iyong mga manloloko kaya kung ako ang pipiliin nito ay wala itong masasabi. I never play any girls heart. Ibang kaso naman kasi ang sa amin ni Chase. Hindi ko talaga ito papatulan for good, for a real relationship dahil nga sa kasarian ko.

But Frances Kiefer, she's a head turner for me. Nakuha agad nito ang atensyon ko ng makita ko ito sa canteen. I asked Snow's permission para ligawan ang kapatid nito at pumayag naman kaya natuwa talaga ako. Ito kasi ang magiging daan para mapalapit ako kay Frances. Frances live with Snow at ano mang oras ay makakapunta ako sa mansyon ni Snow para ligawan ito dahil magkaibigan kami ni Snow at gusto ako nito para sa nakababatang kapatid nito.

Frances always told me na straight ito pero wala akong pakialam. I wanted Frances for myself. Ewan ko basta I'm attracted to that girl dahil kapag nasisilayan ko ito ay parang nawawala lahat ng problema ko. And just the sight of her is really making me happy.

Bigla kasi akong kakabahan kapag nakikita ko ito na hindi pa nangyayari sa ibang babaeng naging crush ko dati. With Frances, I felt contented and at ease kahit titigan ko lang ito habang nakangiti. I find it hard not to resist her beauty, para kasing may magnet na nagtutulak sa akin palagi para lapitan ito.

As of now, nanliligaw ako rito at talagang pakapalan na ng mukha ang ginagawa ko. Palagi ko kasi itong inaabangan sa labas ng classroom nito para sabay kaming kumain sa canteen o di kaya ay dadalhan ko ito ng meryenda, flowers, and chocolates na minsan ay halos ayaw nitong tanggapin dahil nahihiya ito kapag kinakantyawan ng mga barkada nito pero ayaw rin naman ako nitong mapahiya kaya kahit napipilitan lang itong kunin ang mga bigay ko ay masaya na ako.

Frances have five close friends, si Rana, at kambal nitong si Dana, Fergie, Jessica, at si Mitchie. I really don't know anything about them at kita ko naman sa mga itong ayaw nila sa akin. But they're just the friends of my Frances kaya wala din akong pakialam. Halata kasi ang pagiging homophobic ng mga ito but I will not say a thing about me being intersex. Mas lalong mandidiri ang mga ito sa akin.

Kay Frances ko lang iyon sasabihin kung sakaling mahal na ako nito. But now, I wanted to keep it as a secret. It's not something na madaling sabihin sa iba at bakit pa? People don't have to know about that thing, about my thing. Sa huli kasi hindi rin nila ako maiintindihan kagaya ng daddy ko. Mapanghusga ang mga tao lalo na sa panahon ngayon.

Magiging komplikado lang ang buhay ko kung sakali. Hindi lang ako magiging tampulan ng tukso kung hindi sigurado akong ibubully rin ako ng mga kapwa ko estudyante. They will look at me so low, so different. Sapat na si daddy na hindi ako nito tanggap, ayaw ko ng may dumagdag pang iba para lang kantiin ako.

This is my life at gusto ko lang maabot ang mga pangarap ko, gusto ko lang maging malaya, maging normal sa paningin ng iba. Gusto kong tanggapin din ako ni Frances kung sakali. I will be Frances's most persistent suitor ever. Hindi pa man ay binabakuran ko na ito kaya talagang pinaparada ko ang panliligaw rito para hindi makaporma ang iba lalo na ang mga lalaki.

Meron na nga akong pinagbantaan sa eskwela namin na nagbabalak manligaw sa babaeng gusto ko. I was glad dahil mukhang natakot naman ito sa akin kaya ngayon wala akong problema. I will be the pest control sa lahat ng magtatangkang manligaw kay Frances.

Gustong gusto ko kasi ito at gusto ko itong maging kasintahan. Probably marry her someday kung papayag ito. I'm very attracted to her and I couldn't get rid of her, she's always in my mind. Palagi ko itong naiisip at minsan ay parang nababaliw ako sa kakangiti kapag naaalala ang mukha nitong bwisit na bwisit sa akin. She's so adorable.

And yes, ninakawan ko ito ng halik at sobrang saya ko ng malamang first kiss ako nito. Her lips was the sweetest ever at gusto ko itong halikan palagi kahit pa nakaw lang. Di bale ng magalit basta maiparamdam ko rito na gusto ko talaga ito kahit pa manyakis ang tingin nito sa akin at makulit.

Frances Kiefer will be mine and my mission is to make that chic fall for me.

Falling For FRANCES KIEFER _2nd story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon