Drake POV - Gulong-gulo

540 22 4
                                    

Paalis na ako ng bahay habang kausap ko sa phone si Jewel. Ramdam ko sa tono ng boses niya na may problema siya. Hindi kasi siya magaling magtago ng problema alam na alam ko. 

"T*ngna yan Justin na yan, sigurado ako siya ung problema ni Jewel" nanggagalaiti ako sa lalakeng yun. Pasalamat siya pinag bigyan ko siya para kay Jewel.

"Gago yun!" 

Nag mamadali akong nag drive papuntang bahay ni Jewel. Nilalagpasan ko lang bawat sasakyang makasabay ko para lang agad akong naka sa kanya. 

 Pagka dating ko kina Jewel halos hindi maayos ang pagkaka park ko sa sasakyan ko. Agad akong bumaba at tumakbo papuntang pintuan nila. Unang katok ko palang agad akong pinagbuksan ng mama niya. 

"Hello, si Jewel po?" hinihingal pa ako

"Bababa na siya, umupo ka muna" sabi ni tita tsaka niya akong pinapasok

"Hindi na po, nagmamadali po kasi kami e, ma lalate na po kami"

Sa mga oras na ito pababa na pala si Jewel. 

Para siyang anghel ng pababa siya ng hagdanan. suot niya ang puti niyang dress. at kahit magulo pa ang buhok niya. para sa akin perpekto na siya.

"Opo ma, nakalimutan ko kasi na ngayon na yung foundation day, mabuti nalang itong si Drake tinawagan agad ako" sabi niya ng makababa sa hagdan at nagsusuklay na ng buhok niya.

"Di ba Drake. Uy Drake, Drake!" sigaw ni Jewel.

Natulala ako sa kanya, hindi ko alam sakin na pala siya naka tingin. 

"A-ah opo" ilang beses akong kumurap para makabalik sa realidad "Halika na nga, oras na, traffic pa sa daan" tumayo na ako at nag suot na ng sapatos ko.

"Sige na ma, mauna na po kami" kumiss si Jewel sa mama niya

"Okay ka na anak?" tanong ni tita na sinagutan naman ni Jewel ng oo.

Hindi na ako nakapag paalam kay tita, lumabas na ako agad dahil iniiwasan kong makita si Jewel. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit ang ganda niya ngayon. Marahil dahil madalang ko lang siyang makita na iba ang suot maliban sa school uniform. 

Pagsakay ko sa driver's seat, sumakay naman siya sa tabi ko.

"Ay grabe Drake, hindi ko napansin ngayon na pala ung foundation day, wala pa naman akong balak tumayo sa kama ko kanina" sabi ni Jewel habang naglalagay ng pulbos sa kanyang mukha.

Hindi ako umiimik. Nireverse ko ang sasakyan at hindi ko maiwasang humarap sa kanya.

"Oy! Drake.. andito ka ba?" hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa mukha niya.

Kahit anong pilit kong iwasan, nagkita parin ang mga mata namin. Sinabayan pa niya ng ngiti na nagpatigil ng oras ko. Slow mo kung slow mo. Hindi ako makapag salita dahil walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang buong mukha niya. Perfect na ang lahat ng biglang may bumusina ng malakas sa likuran namin. Agad akong nag break.

"Hoy Drake, FOCUS! wala ka nanaman sa sarili mo" sabi ni Jewel tapos sumilip siya sa bintana at humingi ng pasensya sa driver na bumusina sa min.

"Okay ka lang ba Drake?" tanong niya.

"A-ah ha? Ang - Ang " Shet wala akong masabi. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Paano ako lulusot dito. 

"Ang sang sang kasi ng pabango mo e" 

Patay. ito nalang nasab ko.

"Sira ulo!" hinampas niya sakin ang dala niyang bag atsaka kami nagtawanan pagkatapos.

On our way sa school.

"May ikukwento ka sakin di ba?" I started 

"Ah, yun ba. Si Justin kasi.. kailangan kong maka usap" nagbago agad ang mood niya. Biglang naging malungkot ang boses niya.

"Bakit? Anong ginawa niya sayo?!" Marinig ko lang ang pangalan niya, umiinit ang ulo ko.

"Wala" mahina niyang pagsabi

"wala, parang hindi naman, ano ba talaga nangyari?" hindi ako kumbinsido sa sagot niya

"Wala nga" sagot niya

Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka umaamin" kundisyon ko sa kanya.

"Wag na muna ngayon, sa ibang nalang natin pag usapan yun"

"Ngayon na" pagpupumilit ko.

"Ayokong ma bapdtrip ka"

"Lalo lang akong ma babadtrip pag di mo sinabe"

"Sige na.." sandali itong tumahimik at huminga ng malalim,  " Wala na kame"

Tumahimik ang pagligid sa pagitan naming dalawa. Hindi ko maintindihan kung malungkot ako o masaya sa sinabi ni Jewel. 

"Drake? Sabi ko wala na kame" inulit niya wala kasi akong kibo

"Oo narinig ko"

"Walang violent reaction?"

Hindi ako sumagot, nag drive nalang ako ulit papunta sa destinasyon namin.

Bakit hindi ako maka react sa sinabi niya.

Bakit mabilis ang tibok ng puso ko.

Sasabihin ko na ba sa kanya?

Bakit ba to pumapasok sa isip ko.

Waaahhhh!!!

--------------------------------

Lovin' my best budTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon