Headache Morning!

753 38 15
                                    

Kahit na nag effort si Drake na pag alarm ako ng madaling araw hindi rin umubra. Nagising rin akong late at wala akong matandaang pinatay ko yung alarm as in wala talaga. Nag madali akong maligo at kumain nalang ako on the way. Muntikan pa akong hindi pinapasok sa school dahil nakalimutan ko pa yung ID ko. Headache na nga Hassle pa Umaga pa lang niyan ah.

"Miss Pearl Jewel Reyes, your late" bati ng guro ko nang makita niya ako sa pintuan ng classroom niya

"I know ma'am, and I'm sorry"

"Since your late, I will be deducting 10 points on your quiz today" ng marining ng lahat ang quiz nagtanungan silang lahat kung may nasabi bang magqu-quiz ang teacher namin.

"And by the way it's a surprise quiz"

Mukhang naluging tindera sa palengke ang mukha ng mga kaklase ko. Pero wala kaming choice kungdi sumunod nalang. Pinapasok din ako ng teacher ko sa klase niya at nakapag quiz din ako.

"Miss Reyes, even though your late you still got the highest score, and could've got it perfect. Next time dont be late" sabi ng teacher ko habang iniaabot sakin yung quiz paper ko. 20/30 nice! Aray! sakit ng ulo ko.

"Okay ka na ba?" bulong sa kin ni Drake na nakaupo lang sa bandang likuran ko.

"Hindi, umiikot parin paningin ko" I said matapos yumuko ako sa desk ko.

"Ma'am can you excuse us, Miss Reyes does'nt feel well" paalam ni drake ng makitang nakadukmo na ako sa desk ko.

"Miss Reyes?" tinawag ako ng teacher namin at pag harap ko sa kanya lalong umikot ang paningin ko. "Ang putla mo, Drake take her to the clinic"

Tumayo si Drake at lumapit sa kin. I offered my hand pero hindi niya ito kinuha imbes na itayo niya ako, binuhat niya ako.

"Drake, Ibaba mo nga ako, kaya ko namang maglakad" I said habang pumipiglas sa pagkakabuhat niya sakin

"No" anito habang patuloy parin akong binubuhat palabas ng room.

Lahat ng kaklase ko nag hihiyawan na. Matagal na rin kasi nila kaming pinagkakamalang mag ka relasyon. Lagi ko naman sinasabi na mag best friends lang kami hindi naman sila naniniwala.

"Drake kaya ko namang maglakad, ibaba mo na ko, nakakahiya na, pinagtitinginan na tayo" sabi ko sa kanya habang nasa corridor kami.

"Ayoko nga, naiingit lang sila" loko niya sa kin.

Hindi na ako sumagot dahil mas kumala pa ang pagkahilo ko.

"Drake"

"Oh?"

"Drake"

"Ano?"

"Nasusuka ako"

"Ano?"

"Nasusuka ako!"

Mabuti nalang at malapit nalang kami sa girls bathroom. Agad niya akong binaba at tumakbo ako sa loob.

"Jewel? Okay ka lang ba?" tanong ni Drake na nasa labas ng comfort room.

"Nope, Bes peram ng panyo" I said. Inilabas ko ang kamay ko para maiabot niya sakin ang panyo niya. Hindi rin nagtagal at lumabas na rin ako.

"Halika na sa clinic" hinila niya ang kamay ko pero hinila ko ulit.

"Ayoko, okay na naman ako"

"Lagi mo nalang sinasabing okay ka kahit hindi naman" dismayado ang mukha ni Drake.

"Ba't nagagalit ka?"

"Hindi ako galit, nakakainis lang kasi" he said matapos siyang umupo sa hagdan.

"Ano bang kinakainis mo? Sorry na" tumabi ako sa kanya

"Pinag aalala mo kasi ako e!" tsaka niya ako tinalikuran.

"Alam mo, para kang babae" natawa ako pero alam kong nagtatampo siya kaya naman nag sorry ulit ako sa kanya. "Sorry na Bes" niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. Dahil alam ko pag niyakap ko siya hindi na siya makaka hindi sakin.

"Bitiwan mo nga ako, kaya pinagkakamalan nilang tayo e" sabi niya tsaka siya tumayo.

"Asus.. Gustong gusto mo namang niyayakap kita e" loko ko sa kanya.

"May sinabi ba akong hindi" kunot noo nitong pag sabi.

Inaamin ko, kinikilig ako sa tuwing ganito ang conversation namin. Para kasing kami kahit hindi naman kami. Sa tuwing pagsusungitan niya ako kinikilig ako. Sa tuwing magkukunot noo ito napaka gwapo niya sa paningin ko. At sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ko... CHOS! Charot lang.

Di naman niya sinasabi yun. Well hindi pa sa ngayon.

Nagpasya kami na bumalik na sa classroom tutal okay na naman din ang pakiramdam ko.

At habang naglalakad kami sa corridor tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag text.

Babe, we need to talk. I'll pick you up after school.

"Sino? Si Justin?" tanong ni Drake

"Oo, susunduin niya daw ako mamaya"

"Okay"

Pumasok si Drake ng hindi man ako hinintay. Hindi ko alam kung nagseselos siya o sadyang naiinis lang siya kay Justin. Hindi niya kasi gusto si Justin lagi nga silang nag iiwasan.

Anong trip ni Drake, kanina lang ang sweet niya, ngayon hindi niya ako pinapansin.

Hmm

Ano kayang pag uusapan namin ni Justin? Nakaka kaba naman.

--------------------------------------------------------------------------

Lovin' my best budTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon