Panimula

4 0 0
                                    

"Maria's P.O.V"

*First day of school - Freshman

Naglalakad ako sa hall ng bago kong school, lumipat kase.... para saakin na lang muna iyong dahilan.

Huminto ako sa harap ng guidance office para itanong kung saan ung room ko....

Knock knock

"Pasok" sabi ng boses matandang babae, tumayo siya pagkakita saakin.
"Ikaw ba ang transferee?", "ako si Binibining Arelda, ang guidance counsellor sa paaralang ito" sabi ni Binibining Arelda

"Opo Ma'am", "Itatanong ko lang sana kung saan yung room ko?" Sabi ni Maria

*Biglang bumukas ang pinto, kaya't sabay kameng napatingin dun ni Binibining Arelda.

"Oh? Antonio anong kailangan mo?" Sabad ni Binibining Arelda

"Pinapasundo ho kase saakin ni Ma'am ang bagong transferee", "ikaw ba iyon?" Tanong nito saakin

"Siya nga Antonio", "hala, sige iha sumama kana sakanya tutal at magkaklase naman kayo" sabi ni Binibining Arelda

"Eto nga pala ang id mo at susi ng locker mo" binigay naman ito saakin ni Binibining Arelda

"Tara" sabi ni Antonio saakin

Walang nagsasalita habang naglalakad kame sa pasilyo, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita, maya't maya pa ay nagsalita na siya

"Hi, ako nga pala si Antonio, Antonio Guevarra", "ako ang president ng room natin at secretary naman ng ssg" pakilala ni Antonio saakin

Para di mukhang bastos ay ngumiti nalang ako sakanya, pagkatapos non ay nakakabinging katahimikan nanaman ulit. Pinagmasdan ko si Antonio, gwapo siya, matangos ang ilong, bilogan ang mata, makinis ang mukha, natural na mapula ang labi, may kahabaan ang buhok at base sa pagpapakilala niya kanina ay matalino siya kaya't sigurado ako na sikat siya sa paaralang ito.

"Ikaw?"tanong ni Antonio saakin
"Maria Baclolo"sabi ko dito
"Ahh, bat ka pala nagtransfer dito?"tanong niya muli dahilan para mapahaba pa ang usapan namin
"Lumipat kase kame ng bahay"sabi ko

Pagkatapos non ay hindi na siya nagsalita pa. Maya maya lang ay huminto na siya sa harapan ko.

"Andito na tayo" sabi ni Antonio

Pagkapasok namin sa loob ng classroom ay sobrang ingay nito na animoy para kang nasa palengke ngunit nang makita nila na pumunta sa harapan si Antonio ay unti unti silang tumahimik.

"Guys meron tayong bagong classmate" sabi ni Antonio

Sinenyasan niya naman ako na pumunta sa harapan at lumapit sakanya.

"Magpakilala kana" bulong nito saakin
Psh ano to' elementary?

"Maria ang pangalan ko, Baclolo ang apelyido ko" pakilala ko

Yun lang?

Magsabi kapa te!

Ang cute niya tol oh

Ang liit niya haha

Ang ganda niya ah

Psh pandak

Baclolo???? Parang narinig ko na yun?

Oo kanina! Apelyido niya kase yun

At iba pang side comments, alam ko namang maliit ako di niyo na kailangang isigaw. 5 flat lang kase height ko tapos medyo chubby kaya nagmumukha akong bata.

Umupo nalang ako sa isa sa mga bakanteng upuan bandang likod katabi ng bintana para may hangin at tanaw ko ang garden ng school.
Maya maya pa ay dumating na ang guro at nakinig nalang ako sa discussion.

Lumipas ang ilang oras ay uwian na, nalalakad na ako sa hall ng may biglang lumapit saakin na babae at pinisil pisil ang pisngi ko.

"Ouch" saad ko
"Ay masakit ba? Sorry sorry ang cute cute mo kase!!! Kyahhh I want to be your friend", "pwede ba?! Pwede ba?!" Sigaw nito saakin

(Psh ano bayan uuwi na nga lang ako may manghaharang pa saakin tapos biglang mananakit, ang sakit kaya sa pisngi!) sa isip isip ko

Nginitian ko na lang siya dahil tamad na tamad na akong magsalita, hindi kase ako palasalitang tao.

"Is that a yes?!! Kyahhh sige sige friends na tayo ah see you tomorrow!"sabi nung babae

Kahit hindi ko siya kilala ay magaan ang loob ko sakanya, napapailing nalang ako lumakad at naghintay ng jeep sa labas ng school

Pagkarating sa bahay ay umakyat at matulog na agad ako, di na ako kumain nakakapagod itong araw na to'. Kung napansin niyong wala akong binati sa bahay ay dahil nasisinungaling lang ako, hindi ako ulila hindi rin ako pinapabayaan ng magulang ko sadiyang gusto ko lang mamuhay ng magisa.

_________________________
Orayt! Ok lang ba guys? Comment and vote nalang kung nagustuhan niyo 🤣

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang poreber!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon