Chandria's POV
Hindi noh! Bkit ko naman magugustuhan to?! Nakuuu!!
A-arayy! Nakaramdam ako ng sakit ng ulo.!
Sumasakit na naman ulo ko! Napasigaw ako sa sobrang sakit.
Nagising si Daniel.
“Chandria! Okay ka lang ba? Bakit anong masakit?” – Daniel
“Sobrang sakit ng ulo ko! A-aray!” umiiyak kong sabi.
Sobrang sakit talaga.
May mga nakikita akong flashback sa nakaraan,
may lalaking nakahiga sa lap ko,
hindi ko maaninag ang mukha niya, S-sino ba siya?
Ang dami kong nakita na masayang alaala.
Pero hindi ko talaga kilala yung lalaking yun!
“Chandria! Dadalin na kita sa ospital.!” Sigaw ni....
At bigla nalang akong nawalan ng malay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Daniel's POV
Nag-aalala ako kay Chandria, dinala ko siya agad sa ospital.
Kinuha ko ang cellphone niya habang nasa byahe kami papuntang ospital, tinawagan ko ang mommy niya.
“Hello?” sagot ng mom niya.
Teka parang kilala ko kung kaninong boses to? Ahh bahala na nga!
“Hello po? Mom po ba ito ni Chandria?” tanong ko.
“Oo, ako nga. Bakit? Sino ba ito?” – mom
“Ako po si Daniel Montenegro” sabi ko.
“D-daniel?” gulat na sagot ng mom niya.
“Opo, Teka bago po yun, kasama ko po si Chandria, papunta po kami ng ospital, nawalan po kasi siya ng malay, bigla po kasing sumakit yung ulo niya. Papunta po kami sa *tooooot* Medical Center.” Pagpapaliwanag ko.
“Hah?! Naku! O Sige iho, pupunta nalang ako dyan. Salamat.” Sagot ng mom ni Chandria.
Nagmadali akong magdrive at nakarating naman kami ng maayos sa ospital, dinala ko si Chandria sa Emergency Room.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Tita Min's POV
Ito na nga ba ang kinakatakot ko, nagkita na si Kath at Daniel. Akala ko habang buhay ko nang malalayo ang anak ko kay Daniel.
Kung naguguluhan kayo, hindi talaga Chandria ang pangalan ng anak ko.
Ang totoo niyang pangalan ay Kathryn Chandria Santiago Bernardo.
Pineke ko lahat ng dokumento niya. Pinapalitan ko lahat sa bagong pangalan.
Ginawa ko lang yun kasi ayoko nang mapahamak pa ang anak ko dahil sa Daniel Montenegro na yun.
Family friend namin ang mga Montenegro/Padilla.
Kaso dahil sa aksidente, pinilit naming magtago at hindi na magpakita sa kanila.
Hindi alam ni Chandria na kasing yaman namin ang mga ito dahil ayokong mag-iba ang pananaw niya sa buhay. Kaso sa tingin ko wala na akong magagawa ngayon, tadhana na mismo ang naglapit sa kanilang dalawa.
Alam kong mahal na mahal ni Dj ang anak ko.
Teka, nasobrahan na ako sa kwento, nakarating din ako sa *tooooot* Medical Center.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Daniel's POV
Nasa emergency room padin si Chandria halos 1 oras na siyang nandun. Ano bang nangyari sakanya?
May narinig akong babaeng nagtatanong sa receptionist kung may naka-admit na Chandria Santiago.
Lalapitan ko sana siya.
Kaso biglang may tumawag.
Si Maki lng pla.
"Pre, napatawag ka?"
"Wla nman Pre, pauwi na kc aq. Nanjan ba si Cha?"
"Ahhh, ingat paguwi. Nandito kmi sa ospital eh. Bigla kcng nwalan ng malay to. Pero natawagan ko na mom niya, nandto na cguro un."
"Gnun ba?! Naku! Kailangan ko na pla pumunta jan. Dederetso nlng ako jan pagkagaling ng airport. Sige Pre! Kitakitz nlng!"
Tas binaba na niya. Tinanung ko na dn sa nurse kung dumating na ung mom ni Chandria. Nandun na dw, nailipat na siya sa private room eh. Siguro bukas ko nlng babalikan si Chandria.
Nagdrive na ako pauwi.
- - - - - - - - - -
Ngayon lng ulit nkapagupdate! Sorry!
Comment and Vote po! :))
Signing Off:
- Ms. PerfectlyInLove
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo at Ika'y Akin (KathNiel)
FanfictionMay mga bagay na nangyayari dahil sa tadhana? Pero paano nila ito lalabanan kung yung mga taong nakapaligid sa kanila ang mismong naglalayo sa kanila? Lalo lang bang magiging komplikado ang lahat? Subay sabayan natin kung pano lalagpasan ng magbabar...