Chapter 40

327 5 0
                                    

Ian's Pov

Hindi ko alam ang gagawin ko ng malaman kong may sakit ang taong pinaka MAMAHAL ko

Oo MAHAL ko si Bea at ginawa ko lang ang lahat ng ito ng

Flashback

(Eto yung time na tumawag yung Daddy ni Ian sa kanya)

Nang tumawag si Dad sakin dali dali akong umuwi

"Sir"

bati ko kay Dad

Dad ang tawag namin sa kanya ng mga kapatid ko kahit kelan hindi ko siya tinawag na Dad ng kaharap siya

Lahat kaming magkakapatid ay takot sa kanya natatanging si Kuya lang ang nakakalaban sa kanya ultimo si Mom hindi siya kayang labanan

"Darryl!!Anong ibig sabihin nito!!!"

Galit na sabi niya sabay tapon sa harap ko ng picture namin dalawa ni Bea

"Sir girlfriend ko po siya at MAHAL ko siya"

Pinagbigyan ko na siyang diktahan lahat sa buhay ko pero pagdating sa taong mahal ko hindi ko siya hahayaan

"Mahal?! Ang Bata mo pa para diyan!!!"

Wala kang alam gustong gusto ko siyang sigawan pero wala akong lakas at karapatan na sumbatan siya

"Layuan mo siya"

Mahinahon pero madiing sabi niya

"No Sir hindi ko hahayaang hanggang sa pagmamahal at sa taong pinakamamahal ko diktahan niyo ako!"

Hindi ko napigilang hindi sumigaw

"Ama mo ako at alam ko kung ano ang tama at mali kaya ngayon pa lang LAYUAN MO NA SIYA!!"

Ama?

Kahit kelan hindi ko yan naramdaman


"Ama? Kelan pa? Sir hindi ko kailan man naramdaman na anak niyo ako kasi ano nga bang mahalaga sayo diba? Yan yung negosyo mo!! kapag kailangan ka namin nila Mom wala ka tapos ano?! sasabihin mo para din sa amin ang mga ginagawa mo!!! Wala akong paki alam sa materyal na bagay na binibigay mo!!!! Kaya pwede kahit ngayon lang wag niyo po akong paki alaman?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha lahat ng nasabi ko kay Dad

Biglang bumukas at pinto kasabay nito ang malakas na suntok galing sa aking Ama

"SUMASAGOT KANA NGAYON HUH!!?? YAN BA ANG NATUTUNAN MO SA LEE NA YAN??!! SINASABI KO SAYO DARRYL HIWALAYAN MO YANG BABAE NA YAN DAHIL IKAKASAL KANA SA IBA!!!"


Halos gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Dad napayakap ako kay Mom buti nandito pa siya sa tabi ko sa mga ganitong sitwasyon



End of the Flashback

Kaya simula noong araw na iyon nilayuaan ko na si Bea dahil alam kong kahit anong galaw ko may sumusubaybay sa akin

Nalaman ko din na si Colleen Dela Vega pala ang Fiancee ko isa siyang Spoiled Brat na anak ng business partner nila Dad


Halos patayin ako sa araw araw na nakikita kong umiiyak si Bea, sobrang sakit makita na yung taong mahal mo nasasatan ng dahil sayo

Yung tipong wala kang magawa dahil alam mong kahit anong galaw mo may mangyayari sa kanyang masama



Noong nakita ko siya sa cafe halos lumundag ang puso gustong gusto ko siyang yakapin at halikan pero hindi ko magawa

Napansin ko ding namamayat siya at parang ang putla niya noong sinabi niya na kung pwede kaming magpanggap na may relasyon na parang walang nangyari hindi na ako nagdalawang isip ng tumanggi

My First Heartbreak(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon