Chapter 41

342 5 0
                                        

Ian's Pov

Hindi ako sumuko kahit alam kong ayaw niya na sakin na kahit alam kong pagod na siya

Dati siya ang lumaban para maalala at mahalin ko siya ngayon ako naman ang lalaban para bumalik ang dating kami

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Bea naiisip ko lahat ng magagandang nangyari sa buhay namin 

Kahit sandaling panahon lang na magkasama kami siguro iyon na ang pinakamasayang oras sa buong buhay ko

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto niya walang tao 

Sinimulan na akong kabahan

Nasan na siya? Nasan na sila?

Hinalubhob ko ang buong kwarto pero wala talagang tao


Lumabas ako para itanong sa nurse kung nasan sila Bea pero sabi nito wala na daw naka alis na kanina nina lang

Wife nasan kana? Ganun ganun na lang ba iiwan mo ako?


Nagbakasakali akong nasa bahay sila at baka umuwi lang


Pero


Pagdating ko sa bahay nila nakasara ang gate nito at tanging ang guard lang ang tao


"Kuya nandiyan po ba sila Bea?"

Halos hindi ako makapag salita ng maayos dahil sa sobrang kaba

"Ay Sir umalis na po sila mam Bea"

"Saan daw po pupunta?"

"Wala pong sinabi eh, ang alam ko lang po matatagalan sila o baka nga po hindi na bumalik"

Hindi

Hindi mo ako pwedeng iwan Bea ngayon pa na handa na akong ipaglaban ka ngayon pa na hindi ko kakayanin na mawala ka sa tabi ko

Bea's Pov

Umaga pa lang inilabas na ako nila Mommy sa ospital hinanda na nila ako para sa pag alis namin sa bansa

"Girl mamimiss ka namin"

Umiiyak na sabi ni Zhoey


"Oo nga, wala na nga sila Nami pati ba naman ikaw iiwan mo kami?"

Nagtatampong sabi ni Eunice

"Ah basta Bea magpagaling ka doon ah? Wag mo kaming isipin dito dadalawin ka naman namin doon"

Pilit na ngiting sabi ni Ayah


"Ang daya kayong dalawa ni Nami magkikita doon kahit araw araw pa pero kami ang layo"

Naka pout na sabi ni Eunice


"Ano ba girls wag kayong mag alala may skype naman diba? Tska lalaban ako lalabanan ko tong sakit ko para sa inyo"

Nagyakapan kami

Hay hindi ko alam na dadating kami sa puntong ganito akala ko ako pa yung hindi mangiiwan sa kanila

"Babylove?"

Tawag ni Lance sa akin

"Lance? Maraming salamat ah? Thank you dahil nandiyan ka lagi sa tabi ko sa mga panahong kailangang kailangan kita hindi mo ako iniwan"

My First Heartbreak(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon