-Kaizer POV-
"Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too! I'm gonna marry KEVIN anyway. Marry that boy Marry Him anyway. Why you gotta be so rudeeee? Rudeeee~" kumakanta siya sa loob ng banyo at dahil good vibes daw siya. Aba ewan ko jan bat ang saya ngayon at dahil BESTFRIEND ko daw siya kailangan ko daw siya sunduon sa bahay para sabay na din kami pumasok sa school. Ang kulit um-OO nalang ako ang kulit pero ang cute.
Habang naliligo siya at kumakanta sa banyo na parang singer ako naman tinitignan ko mga pictures namin yung mga pictures namin na mga bata pa kami na parang walang problemang iniisip, yung laro ka lang ng laro at wala kang sakit na nararamdaman.
Mag eemote pa sana ako kaso may lumabas sa pintuan ng isang Anghel na hulog ng langit walang iba kundi ang aking Faye. O ayan inaamin ko na talaga Mahal ko siya di bilang kaibigan ngunit Higit pa roon. :)
"oyy! tulo laway mo Kaizer baka ma inlove ka na nyan sa akin ha" sabi niya
"di ah! may mahal na yata akong iba" sabi ko kahit ang gusto kong sabihin ay matagal na akong may gusto sa iyo at inlove na inlove ako sayo kahit masaktan man ako kakayanin ko basta para sayo.
" hala sino? di mo na kweno sa kin yan ha" sabi niya " halika na nga Male-late na tayo ohh! 6:30 na po" sabi ko
"sabi ko nga! Halika na :) " sabi niya
Pagdating namin sa school kalat na kalat na sa buong Campus na break na si Kevin at yung Girlfriend niya.
" Alam niyo ba ang kapal ng mukha ng girl, akala mo maganda di naman make-up lang nag papaganda nun." sabi nung isang Girl
"yeah right! that bitch akala niya ikagaganda niya yun duhh! wala siyang karapatan na saktan ang Puso ni Prince Kevin no!" sabi ni Girl 2 na may halong inis na pagkasabi.
Yan ang naririnig ko buong mag damag at ang sakit na sa tenga kung pwede lang wag na sana sila mangialam sa buhay ng may buhay. At speaking of Buhay nasan na ba ang aking BUKO- Buhay KO shet ang korny ko. Kanina ko pa siya hinahanap ha asan na ba yun.
Habang papunta ako sa Rooftop may narinig akong nag uusap. Di naman ako chismoso pero na curios lang ako
"Kevin" parang kilala ko yung boses na yun ha di kaya si .... " okey lang yan nandito lang ako. Hayaan mo na siya kung ayaw niya sayo Eh di wag kasalanan niya na yun. Nasa ang huli ang Pagsisisi Kevin. Magsisisi siya bakit ka niya hiniwalayan. Marami pag mga babae jan na nag mamahal sayo, di mo lang nakikita." at tama nga hinala ko siya nga bat bumalik ka pa okey na sana eh! bumabalik na naman ang sakit na dinulot niya sa puso kong sugatan.
At sa di ko akalain Hinalikan niya si Kevin.