Chapter One: Friendship

13 1 0
                                    

I'm Stephanie Montiverde. They used to call me Steff. 5 flat. College Student. 16 years old.

Naaaliw na ko maging College Student. First year palang kasi. Pero ramdam ko na din yung hirap, pagod at puyat ng pagiging  College Student. Kailangan mo lang talaga ng passion at dapat gusto mo talaga yung course na kinukuha mo.

I am a Mechanical Student. Gosh! Engineering, so ano pa bang ine-expect niyo? Malamang puro Math yan. Kung ako sa inyo wag na kayong mag Engineer. Magiging simula yan kalbaryo ng buhay niyo. Kidding ^____^v

Sabi nga ng Professor ko sa Math "Wala namang mahirap sa batang desperadong mag-aral" totoo naman. Wala naman talagang mahirap sa Math, dapat gustuhin mo lang siya. Sa totoo lang? Ang Math ang pinakamadaling subject sa lahat ng subjects. Mas mahirap pa nga ang Science, English, at Kung anu-ano pa. Kasi kelangan pa ng mga memorization. Ang Math? Wala. Kelangan mo lang talagang maintindihan yung mga solutions. That's it!

Swerte pa pag yung mga nakapalibot sayo matatalino. No need to study diba?

"Tara Steff!" Sabi sakin ni Red. Si Red, lagi ko siyang kasama, kung pano kami naging close hindi ko na din matandaan. Basta para nalang biglaan.

"Saan nanaman?" Tanong ko habang naka kunot yung noo.

"Sa Canteen. Lilibre mo ko diba?" Ngiting-ngiting sabi niya.

"Ang kapal naman ng mukha mo sino nagsabi sayo?" Gulat na tanong ko.

"Ehhh, basta libre mo na ko!" Sabi niya na para pa siyang bata na hinihila yung nanay niya kasi nagugutom na siya.

Minsan hindi ko na din siya maintindihan. Minsan Good mood, minsan Bad mood. Kasi bigla nalang siyang tatahimik jan tapos pag kinausap mo hindi kana papansinin. Sobrang matampuhin siya kaya ayan! Ako lagi yung nanlalambing. Ako lagi yung nanunuyo. Kahit na ako yung babae ako padin lagi yung nagpapakumbaba.

Kahit minsan nakakabadtrip na, hindi padin ako nagagalit kasi kapag nagalit ako. Wala ng mangyayari saming dalawa. Pareho na kaming nganga. Kaya ayan, ako lagi yung nag-aadjust.

"Anong gusto mo" Tanong ko pagkapunta namin sa Canteen.

"Kahit ano" Sabi niya ng walang emotion. Tss! Yan nanaman kame :3

"Ano nga?"

"Ewan ko sayo"

"Ano nga kasi?"

"Bahala ka nga." Oh diba? Nakaka BV. Pasalamat talaga siya sobrang bait kong tao. Kundi nasapak ko na siya kanina pa.

"Ikaw nagyaya sakn dito tapos bahala ako?" Sabi ko pero malambing padin yung boses ko. Yung tipong gustong-gusto ko na siyang sigawan pero hindi pwede kasi baka magalit siya.

"Kung ano sayo ayun din yung sakin"

"Bahala ka, gusto ko ng Kikiam tsaka gulaman dun sa baba" Sabi ko nalang kasi nakakatakam talaga eh :D

"Sigi yung nalang din yung sakin"

After that bumaba na kami. Siyempre siya bumili, pera ko nga lang. Kasi pag ako pa yung pinabili niya baka sapakin ko pa siya.

After naming kumain umakyat na din kami. Psychology kasi yung subject namin. Nagpa break lang din si Ma'am. Pagpasok namin, saktong dating nung Prof. Hihi. Galing tumiming <3

Buong discussion nakikinig lang ako. Siyempre kaya nga ko pinag-aaral ng Mommy ko para matuto. Hindi para tumunganga lang. Mahal din kaya tuition dito sa TUP-T noh!

Mga 2 hrs pa nagpalabas nadin si Ma'am. Nakaugalian na ng section namin na after class, pupunta kami sa Mech Tree. Yung Mech. Tree, tambayan siya ng lahat ng mga Mechanical sa TUP-T. Hindi lang naman puno meron dun. May table din and mga upuan na gawa din sa bato. Naiimagine niyo?

Umupo ako kay "Gabay" yun yung pangalan nung puno dun. Tapos sumunod sakin si Red. Sanay nadin kasi kami na dun umuupo sa puno na yun. Minsan pa nga nakaphiga pa. Habang nagkukulitan kami, I saw Rhea na nakatingin samin. Yung tingin na siguro kung nakakamatay lang ang titig siguradong patay na ko :3

Then, after that scenario, tumahimik na ko. Si Red nalang din yung nangungulit sakin. Ganun talaga siya, maingay, makulit, hyper, malakas mantrip. Si Rhea naman classmate namin. I think gusto niya si Red.

Kasi kapag inaasar kaming dalawa ni Red as lovers, lahat ng tao sa classroom namin kinikilig. Siya lang talaga yung katangi-tanging hindi. So what does it mean? Wala naman ng ibang meaning yun diba?

Pagtingin ko sa orasan ko. 7 pm na, I need to go home na. Baka maunahan ako ni Mommy patay ako dun :3 World War III ituuu. Pagdating ko sabahay nakapatay pa lahat ng ilaw. Swerte! Wala pa si Mommy.

Pagbukas ko ng gate, Swerte ulet! Wala yung motor ni Kuya. Bakit ang bait sakin ng araw na to. Dahan-dahan akong umakyat tapos binuksan ko yung pinto ng kwarto. Nagbihis agad ako tapos humiga. Para hindi halata! :D

After 10 minutes may narinig na akong motor. Sila Kuya yun! Maya-maya may tumatawag na sakin. "Steff!" "Steff!" "Steff?" Nakailang tawag na si Mommy pero kunyare hindi ko naririnig. "Steeeeeeeeeeaeeeeeeeeeeeeeeeeff!!!!!" Pssshhh bahala ka magsisisigaw jan! Basta kunware tulog ako.

May naramdaman akong naglagay ng kumot sakin. At dahil nakapatay nga yung ilaw, hindi ko nadin nakita kung sino mang may mabuting puso ang naglagay sakin ng kumot. Nakatulog nadin ako sa sobrang pagod nadin.

Nagising ako sa sobrang ingay ng Cellphone ko.

-_-

-.-

-_O

O_-

-_-

O_O

Pagtingin ko sa Cellphone ko, Hindi ako makapaniwala. Nanlamig yung buong katawan ko, parang nag freeze. Hindi ako makagalaw! Anong gagawin ko neto?

To be continued . . . . . . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tell what you really MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon