Pumasok ako sa school na hindi maganda ang pakiramdam. Buong magdamag akong umiiyak hanggang sa makatulog. Maga ang mata ko at masakit din ang ulo sa sobrang stress. Paggising ko na naman kasi, pinagalitan uli ako. Tungkol pa rin sa kahapon. Hindi naman sa pagiging rebelde o ano pero may parte sa akin pakiramdam ko masyado na akong nasasakal. Sa edad kong 19 hindi pa rin ako independent lalo na sa pagdedesisyon sa buhay.
Pagbukas ko ng twitter, nakita kong nag-DM uli sa akin si Kuya JM. Sa ngayon, wala akong lakas ng loob para basahin. Baka maalala ko uli, maiyak na naman ako sa gitna ng klase. Maaga akong pumasok dahil ayoko nang pag-usapan ang mga nangyari kahapon.
Nakakairita lang, sumabay pa ang panahon sa nararamdaman ko. Ayun, ang putik na naman ng PUP. Yung sapatos kong bagong tahi at bagong shine, nadikitan na ng maitim na burak. Pagtitiisan ko na lang tutal para talaga ito sa tulad naming mahihirap.
Ang daming pumapasok sa isip ko na mga negative thoughts. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at sumubsob sa pag-aaral. Sinulat ko na lang sa tula lahat ng hugot ko sa buhay. Assignment din namin yun kay sir Deo sa Panitikan.
Saan nga ba patungo ang paglalakbay?
Bakit hinayaan ang sarili na sumabay?
Sa damdaming lahat ay nais ialay
Buhay kapalit ay segundong pagsilayAng lungkot naman ng tula. Sana nga lang tanggapin ni sir Deo kahit mukhang lutang ang gawa ko.
"Kamusta ang gig?" Biglang sumulpot si Rebecca sa likod ko. Sinubukan kong itago ang maga kong mata gamit ang salamin na binili ko kanina. Pero inalis din yun ni Rebecca.
"Bakit mugto ang mata mo?"
"Kinagat ako ng ipis", palusot ko. Umiwas uli ako ng tingin pero hinawakan niya ang balikat ko at hinarap sa kanya.
"Grabe naman ang ipis na yan para papakin ang dalawa mong mata. Ganoon ka ba ka-yummy?"
"Baliw."
"Ano ba ang nangyari? Hulaan ko, di mo nakita ang IV of Spades noh?"
Ang galing ah.
"Pwede ka nang maging manghuhula. Kikita ka dyan kahit di ka na tumuloy sa college", sarkastikong sagot ko. Pinilit kong tumawa kahit mukha akong tanga. Ayokong ipahalata ang malungkot ako. Pero parang anytime papatak na naman ang luha ko.
"So ganoon nga?" Hindi na ako nakasagot kasi iiyak na naman ako. Nakakabwisit maging iyakin eh. Saka parang ang babaw ng iniiyakan ko.
Tinapik niya ang likod ko at hinayaan na magkwento ako habang umiiyak. Pinilit kong kumalma. Nahihiya na ako sa kanya.
"Okay lang yan. Gawin mo na lang silang motivation sa pag-aaral. Marami pang chance."
*****
Pagkatapos ay naging okay naman ako. Unti-unti akong nakamove-on sa nangyari. Tuloy pa rin ang buhay. Balang araw makikita ko kayo, IV of Spades.Habang tuloy ang buhay ko, tuloy din ang paghihirap ko sa mundong ibabaw. Buong araw ay malakas ang buhos ng ulan kaya pinauwi na kami ng mga prof namin. Noong una, hindi ko naintindihan kung bakit sila natataranta hanggang sa makita ako ang mabilis na pagtaas ng tubig. Buti at may dala akong extrang tsinelas.
Magkakapit kami ni Rebecca habang sinusuong ang baha. Mas mababa siya sa akin kaya todo hawak ko sa kamay niya dahil sa lakas ng agos ng tubig. Hanggang tuhod ko na ang baha at mukhang madadala na si Rebecca.
"Tanga, kumapit ka nang maiigi!", sinigawan ko na siya. Mukhang may balak pang bumitaw.
"Ginagawa ko na nga, Tanga!"
BINABASA MO ANG
That Bassist [IV Of Spades Fanfic]
Random"Nang magkasama tayo" Napiyok siya sa halo-halong emosyong kanyang nararamdaman matapos parangalan ang kanilang banda. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, pero masyado akong malayo. Bilang isang ordinaryong tagahanga, nandito ako para suportahan si...