Maaga akong umalis ng bahay. Hindi ko alam kung bakit. Sobrang excitement siguro. Saka hindi ko alam yung lugar. Baka maligaw ako.
"Pakibaba na lang po ako sa MRT Santolan, Kuya", bilin ko sa konduktor.
Bandang Ayala pa lang kami nang bumaba yung katabi kong babae. Hindi naman sa panghuhusga pero may tumabi uli sa akin na lalaking payat, matangkad at nakaitim na hoodie na ikinatakot ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakakahiyang lumingon sa kanya. Baka mandurukot o holdaper siya. Kung hindi baka manyak siya. Potek, kinikilabutan ako! Tanging nakita ko lang ay ang tattoo niya sa kamay. Juliana ang nakasulat.
Nasa Buendia na kami nang marinig ko ang malakas niyang paghilik. Maya-maya pa ay nakasandal na siya sa akin. Hindi ako makagalaw. Kahit sobrang lamig ng aircon na nakatutok sa akin, nagpapawis ang katawan ko sa takot. Gusto kong magsalita at umangal pero parang nawalan ako ng boses. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kaming nasa ganoong position.
"May bababa ng Farmers?", sigaw ng kundoktor.
Biglang bumangon ang lalaking katabi ko at mabilis na bumaba. Nanatili pa rin akong nakatulala. Mukha akong tanga na sinusundan siya ng tingin. Hindi ko pa rin nagawang tignan ang mukha niya.
"Miss?"
"..."
"Miss di ba sa Santolan ka?"
"..."
"Miss lagpas ka na."
What?!
Agad akong tumayo at nagpasalamat kay kuyang konduktor. Dali dali akong bumababa at sumakay na lang ng tren pabalik. Wala rin akong magagawa. Bwisit talaga! Pag nagkita uli kami, lintik lang walang ganti! Grrr...
Habang naglalakad papasok sa kanto ng Anonas-Santolan, napansin kong napakakunti ng sasakyan ang dumadaan. Pero maraming nakaparada sa gilid ng kalsada. Ang aliwalas ng lugar at sabayan pa ng mapreskong panahon. Wala rin masyadong taong naglalakad sa paligid. Napakagara ng lugar dahil sa mga nagtataasang hotel at condo building na nakahilera. Parang nahiya ako sa itsura ko. Pinili kong maglakad na lang tutal maaga pa.
Nakarating naman ako nang maaga sa lugar. Ang laking mall pala ng Greenhills kumpara sa SM Sta Rosa. Puro mayayaman ang namimili pagpasok ko sa loob. Mga kilalang brand ang nadadaanan kong nakadisplay sa mga stalls.
Sale
Tote Bag
500Potek! 150 lang yan bag sa Biñan. Ang laki nila magpatubo.
Maraming foreigner rin ang naglilibot. Ang masaklap lang, hindi ako pinapansin ng mga tindera. Hindi kasi ako mukhang mayaman. Sa bagay, di naman talaga ako mayaman. Suot ang pinakamaayos kong squarepants, medyo kupas na green blouse at itim na cardigan. Nanliliit ako.Yun lang naman kasi ang kaya ko sa ngayon.
Ilang oras din akong nakaupo sa may waiting area at nang mabagot ay nagsimula uli akong maglakad. Iniingit ang sarili sa mga bagay na wala ako. Sana lang at magkaroon ako ng kaibigan na kapwa ko spader.
Nagsimula na ring dumilim at pinailaw na nila ang mga christmas lights. Sobrang pagkamangha ko, di ko sinasadyang mabunggo sa poste. Ay peste pala. Ito siguro ang napapala ng ignoranteng probinsyana.
Napaupo ako sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko sa kanya. Sakit sa balakang. Bakit ba ang malas ko? Nagseself-pity na nga ako dito tapos mapapahamak pa ako sa katangahan ko. Agad akong napaangat ng tingin para makita ang pesteng yun. Isang lalaking matangkad, payat at may mahabang buhok. Nakasuot siya ng itim na nagpalitaw ng maputi niyang balat. Mukha siyang bampira. Hot na bampira.
Sinabi ko bang hot?
Tinulungan niya akong makatayo at saka ko napansin ang tattoo na nakita ko kanina sa bus.
BINABASA MO ANG
That Bassist [IV Of Spades Fanfic]
Diversos"Nang magkasama tayo" Napiyok siya sa halo-halong emosyong kanyang nararamdaman matapos parangalan ang kanilang banda. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, pero masyado akong malayo. Bilang isang ordinaryong tagahanga, nandito ako para suportahan si...