I'm inlove with... him
My bestfriend's boyfriend
Alam kong mali
Alam kong hindi dapat
Sinubukan ko naman pigilan
Pero sa tuwing nasa harapan ko siya
Hindi ko na kayang mapigilan ang puso ko
Para bang may sariling utak ito
Kusang nalang bumibilis ang tibok nito...
Sa t'wing titingin siya sa aking mata
Sa t'wing napapangiti ko siya
Sa t'wing nag-aalala siya saakin
At higit sa lahat...
Ang pagmamahal saakin
Bilang kaibigan
Kasi ang tunay na pagmamahal niya ay nakalaan na sa aking kaibigan
Ang aking kaibigan na...
Mahal ng lahat
Sino ba naman ang hindi mag mamahal sakanya
Mabait, maganda, matangkad, friendly
Ano pa bang laban ko sakanya?
Masamang ugali, pangit, pandak, loner
Walang kamahal-mahal saakin kaya hindi na ako magtataka kung walang may gusto saakin
Maliban lang kila Victoria and Ivan
Silang dalawa nalang ang meron ako
Kaya ayoko ng mawala pa dahil lang sa nararamdam ko
Kaya pinili ko nalang na itago nalang itong nararamdam ko "dahil balang araw mawawala rin ito" palagi kong tugon sa sarili ko
Ngunit sa bawat araw na dumaan mas lalo akong napapalapit sakanya
Mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko
Itatago ko nalang ba itong nararamdaman ko sakanya?
O
Aaminin ko ang tunay na nararamdaman kahit wala naman kasiguraduhan na kaya niya ako mahalin pabalik
At hayaan na mawala yung mga taong natitira sa buhay ko?
Masakit pero at the same time masaya nagparaya kaya mas pinili kong itago.
At dun nagsimula ang pangalan kong Terdwil (third wheel).