"HOY!" bigla nalang ako napabalikwas sa inuupuan ko ng dahil sa gulat.
Salubong na kilay ko siya hinarap dahil sa inis ko. Pwede naman sana niya ako tawagin ng maayos hindi niya ako kailangan gulatin. Bwisit
"Ano ba!?" inis na tugon ko na ikinabigla niya "Pwede mo naman ako tawagin ng hindi gulinugulat 'di ba? Bakit ka ba nang gugulat ha!? Ano ba kailangan mo!?" tuloy-tuloy na usal ko kaya hindi siya agad nakapagsalita.
"W-wala naman nag-aalala lang ako s-sa b-book baka matuluuan mo ng l-laway kanina ka pa kasi t-tulala dyan" pautal-utal habang nakahawak pa sa batok niya na mukhang nagdadalawang isip pang mag-sabi saakin.
WTFFFFF????
Eh kung ihampas ko kaya sakanya itong libro na nasa harap ko? Mas iniintindi niya pa yung libro kaysa sa mapasukan ng langaw yung bunganga ko.
Well, hindi ko naman magagawa yun kasi siya palagi kong nakakasama sa mga pupuntahan ko o sa madaling salita siya lang yung nahihila ko sa oras ng kailangan ko ng kasama hindi ko alam kung bakit siya pa sa dinami-dami ng pwede ko naman makasama. Yung dalawa ko sana na bestfriend kaso baka nagdate nanaman sila hindi na muna ako sumama baka kasi masira pa yung date nila.
Actually, palagi nila akong kasama kapag may date sila, like, simpleng date lang, may respeto parin naaman kasi ako sa relasyon nila. Tulad nalang nitong araw na ito. 2nd anniversay kasi nila sobrang epal ko naman kung sasama pa ako, kaya hinayaan ko nalang sila mag-enjoy.
Komportable naman ako kasama si Fort-I kasi alam niya rin yung pinagdadaanan ko sa dalawa kong kaibigan, hindi ko pa man sabihin sakanya alam niya na parang nababasa niya isip ko, konti nalang pagkakamalan kong alien 'to eh.
May gusto kay Ivan simula elementary hanggang ngayong high school na kami aaminin ko na sana nung First year high school yung nararamdaman ko sakanya kaso mission failed kasi nalaman ko nalang na nililigawan niya na pala yung bestfriend ko ng time na yun, si Victoria. Childhood bestfriend ko siya na galing Probinsya lumuwas dito sa Manila dahil namatay na yung lola niya na nag-aalaga sakanya dun kaya kinuha na siya ng tita niya, mabait naman si tita Cara sakanya atsaka may kaya siya kaya kampante na ako.
Hanggang sa sinagot na nga ni Victoria o Vic for short si Ivan makalipas ang 3 buwan na panliligaw sakanya. Masaya naman si Vic sa piling ni Ivan. Okay na ako dun kahit hindi ako okay. Sa dinami-dami ng pwede niya ligawan bakit bestfriend ko pa? Hindi ko naman siya masisisi. Maganda at mabait si Vic kaya deserve nila ang isa't-isa, eepal pa ba ako?
Pwede, epal ka naman kasi talaga.
Epal? Totoo naman pala sa tuwing may date o lakad sila na dapat sila lang ay kasama ako syempre maliban sa monthsary o anniversary nila tulad nalang ngayon. Hayst.
Kasalukuyan naman na nasa library kami ngayon ni Fort-I para sa research daw.
May research ba na nasa library?
Pwede naman kasi sa internet mag-search para sa project bakit kasi sa libro pa.
"Bakit kasi sa libro pa titingin eh. Pwede naman sana sa internet. Kaasar!" wala sa sarili at salubong na kilay kong tugon kaya naman nagulat nalang ako ng makita kong nakatingin na pala saakin si Fort-I.
Inayos naman ang kanyang pagkaupo at salamin bago ako hinarap "Mas maganda kasi kapag libro ang gagamitin natin kasi blah blah blah..." biglang sabat naman ni Fort-I mas pinagandang four eyes ewan ko ba yan yung naiisip ko eh. Si Fort-I ang naglalakad na libro ng section namin. Gwapo naman siya hindi lang talaga maayos sa sarili niya palaging magulo ang buhok, mukhang hindi naliligo yung itsura, yung itsura lang bango niya kaya ang pinaka nagpapanget sakanya ay walang iba kundi yung salamin niya na OA sa kapal at baduy rin siya manamit.
"Hoy nakikinig ka ba?" bigla naman ako bumalik ang diwa ko. Tapos na pala siya sa pagdidiscuss niya about sa 'The difference of book and the internet' nays.
"Pinagpapantasyahan mo nanaman ako" pabulong.
"Hoy ano ba ibinubulong-bulong mo dyan, ha?" alam kong may binulong siya ngunit hindi naging malinaw saakin. Pasensya na bingi lang.
"Wala, nakikinig ka ba ang sabi ko" singhal niya
"Oo nakikinig ako" sabi ko nalang kahit hindi naman talaga, maraming bagay ang pwede kong isipin dadagdag pa yung sinabi niya duhh kung memory card lang yung utak ko wala na sigurong space para sa sinasabi niya.
"Ano huli kong sinabi?" naghahamon niya pang sabi saakin "Hoy nakikinig ka ba?" sabi ko ikinasalubong ng kilay niya tss. Halatang napipikon na siya pero mas pinilin niya na manahimik nalang dahil hindi naman niya ikakatalino kung kakausapain pa ako sa walang kwentang bagay.
Ipinagpatuloy niya nalang ang pagbabasa niya kaya ganun nalang din ginawa ko.
Matapos ang ilang minuto na pagbabasa kahit hindi ko naman maintindihan ang binabasa ko ay itinigil ko na baka maitapon ko pa sa basurahan itong libro.
Inilabas ko nalang ang cellphone ko at naglog-in sa facebook, puro memes nag nagiging cyber-bullying, kadramahan na walang kadate sa Feb. 14 at mga nagpaparent ng kaibigan at sarili sa valentines day. Wala naman matino na makikita dun kaya pintay ko nalang at binulsa ulit yung cellphone ko.
"TERDWIL!" sigaw ng kung sino man na demonyong kilala ko o nakakakilala saakin.
Piling peymus hihihi.
"Shh! Quite!" suway ng librarian sakanya. "Sorry, sorry po, sorry po talaga" habang yumuyuko pa na parang gawain sa Korea.
Parang tanga
"Anong kailangan mo Dona?" Tanong ko
"It's Donatella, Donatella Monroue not Dona, Dona is different" pagtatama niya. Psh
"Whatever" ano ba kailangan nito? Kaasar
"Ano ba kailangan mo?" sabihin mo na bago pa ako maubusan ng pasensya sayo.
"Ayy uhm... ano kase..." ang tagal buset na yan
Balak ko na sana umalis bago ko ihampas sakanya itong bag ko nahawakan na niya ang braso ko kaya napaharap ako sakanya.
"S-si Victoria k-kase-" nauutal pa niyang sabi na ikinabahala ko.
"Bakit anong nangyare?" nagtaka naman ako bakit bigla siya nautal.
Balak ko pa sana magtanong ngunit may sinabi siyang pamilyar na lugar kung nasaan nandoon daw si Victoria.
Ano nanaman ba ito Vic?
Hindi ko na namalayan na tinatahak ko pala ang daan patungo sa lugar na yun.