Chapter 2

4 1 0
                                    

A/N: hope you enjoy it. And sorry for the wrong grammars.

Welcome to our home basa ko sa nakasulat sa papel na pinagdugtong dugtong ng apat na bata.

Yan ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lamang dito sa pinakang loob ng bahay. Kung kanina ay hindi ako makapaniwala dahil sa ganda ng bahay ngayon naman ay dahil sa mga taong nandito. Sobrang tahimik at wala kang maririnig na ingay maliban sa mga kaluskos ng nga kung ano mang bagay. Ngunit ang kanilang ngiti at nagsisigawan.

Kahit na tahimik ay nararamdaman mo pa din ang aaya sa kanila. Sana talaga maging ka-close ko lahat. Hindi naman ako mataray o maarte o hindi madaling makasalamuha marunong din naman ako makipagkaibigan at ngumiti. Medyo nawala nga lang nung three months dahil sa pagiging workaholic ko.

Lumapit ako sa apat na bata na may hawak ng mga papel.

"Hello kids! Ang guguwapo at ang gaganda nyo naman mukhang di yata ako bagay dito" natatawa kong sinabi.

Umiling ang apat na bata at nanlalaki pa ang mga mata. Ilang saglit pa ay nakita kong nagaulat ang isa sa kanyang papel na daladala.

Maganda po kayo kaysa sa amin. Promise!  Nakalagay dun at nakita ko pang nag sign ng promise ang bata.

Natawa na lamang ako.

Nakipagkilala din ako sa ibang mga tao dito. Mas madami ang bata kaysa sa mga malalaking tao. Lahat ay nakangiti habang kaharap ako.

Maayos din naman pala dito eh. Pati din ang mga tao.

Matapos ang ilang minuto ng pag-uusap namin ng mga tao dito ay dumating si tito Sion.

"Hija! Naku! Na-miss talaga kita" sabi ni tito.

"Tito kase hindi man lang dumadalaw sa maynila" ako.

"Madami akong anak dito hija. Look! " sabi niya at tinuro pa ang mga tao dito.

"Ang bait nyo talaga tito" sabi ko.

Natawa na lamang sya at sinabing kakain na kami. Medyo gutom din ako dahil sa byahe.

Nandito kami ngayon sa isang malaking lamesa. Tatlong malalaking lamesa ang nandito at ang kasama ko ngayon dito sa isang malaking lamesa ay ang mga bata. Gusto sana ni tito na duon ako sa kanila pero mas pinili kong dito. Mahilig kase ako sa bata. Wala naman kase akong kapatid na pwede kong kulitin kaya minsan nung nandito pa si mama sa mundo ay lagi akong na kila tita at nakikipag laro sa maliit nyang anak.

The Voiceless ManWhere stories live. Discover now