Chapter 3 - Shower of Vanity

11 0 0
                                    

Tiningnan ni Chassy ang oras. 7:30 am na pala. She decided to start her day since hindi na rin sya makakatulog sa ganitong oras.

Teka. Ito ang unang araw that she turns legal. Hindi na sya bata.

Adult na ko!!! Yeeeeaaaahhhh!!!

Freeeedoooooom!!!

Sakto habang nagsusumigaw ang ating bida, ay pumasok naman sa kanyang silid ang kanyang yaya.

Chassy! Susmaryosep anong nangyayari sayong bata ka?

Biglang wasak ang pagmo-moment ni Chassy. Sa hiya ay dumiretso na lang sya sa banyo.

Syangapala...hirit pa ni yayabels...hinihintay ka ng mommy at daddy mo sa sala. Kaya bilisan mong maligo a?

Sa shower...

Dugyot na dugyot si Chassy sa kanyang sarili. Pagtingin nya sa salamin ay sinubukan nyang tanungin ang kanyang sarili kung galing ba talaga sya sa birthday party nya kagabi or sa isang halloween fest.

Magulo ang buhok nya pero hindi yung mukhang sexy na tousled-hair-look. Magulo talaga.

Smokey eyes ang naalala nyang tema ng kanyang eye makeup kagabi. Na ngayon ay mukhang double black eyes.

Sinubukan nyang mag-duckface sa harap ng kanyang floor-length mirror. Kahit sya nandiri sa nakita nya.

Makapag-shower na nga lang!

MissentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon