Chapter 41

188K 4.6K 407
                                    

Chapter 41

Di ako napigilan ni OCa nung sumama ako kay Dave. As if naman may pakialam pa siya. At ngayon nga, nandito kami ngayon sa kotse ni Dave.

“Si Johann ba ang may kagagawan niyan?”

“Ito ba?”
He pointed his broken nose. Tabingi na kasi. Hindi naman yun tabingi dati.He laughed. “OO. Alam mo na pala. Ang gago ko rin kasi noon eh. Sorry if nagawa ko yun sayo Jo. Hindi ko nga rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun eh.”

“Matagal na yun. Let’s forget it. And pasensiya na rin if nasira ni Johann ang mukha mo.”

“I deserved  every bit of it.” Hindi ko alam kung anong pambubugbog ang ginawa ni Johann kay Dave para umalis si Dave ng Pilipinas at hindi na magpakita sa akin. Para matakot ng ganun si Dave.

“So bakit ka bumalik ng Philippines?  At kelan ka pa nakabalik?”
Masyado ba kong curious? Siguro ganun naman talaga di ba? Lahat naman siguro ng dating mag bf gusto malaman kung ano ang kinahinatnan ng mga taong naging parte ng buhay natin dati.

“For you.” Nagulat ako sa sinabi niya. “But it seems that I’m too late.” Tapos pinaandar na niya ang sasakyan.

“What do you mean you came back for me?”  Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin I just wanna make sure na tama ang narinig ko.

“I’ve realized my mistakes now. Alam ko na ngayon kung ano ang pinakawalan ko. I came back hoping na may babalikan pa ako …”

“Dave…”

“I know, Jo. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa posibilidad na wala na akong babalikan. I am willing to accept the na huli na ako. But seeing you like that. Seeing you being hurt like that, muntik ko nang mabugbig ang kasama mo kanina. And I wanted to fight for you. You don't deserve him.”

“Dave hindi siya…”

“Wag mo nang ideny. I know that he is the father of your child. And I don’t know why he is hurting you . Hindi na ako dapat nakialam, pero hindi ko mapapayagan na saktan ka niya ng ganun.” Na touch ako sa mga sinasabi ni Dave. After all these years he still cared for me. “Jo, kung hindi niya kayang panagutan ang ginawa niya sayo, ako ang mananagot. Kung hindi niya kayang harapin ang reponsibilidad niya, ako ang aako ng responsibilidad niya.”

“Dave… what are you saying?”

“I will marry you. Hindi ko hahayaang magkaanak ka na walang kikilalaning ama ang anak mo. I don’t want you subjected to society’s ridicule.”


“Dave, you don’t have to do that.”

“But I want to Jo. Let me. Hindi mo kailangang mahalin ulit ako. Just let me love you again.” Naiiyak na ako sa mga pinagsasabi ni Dave. If only Oca could be that noble.  “Pag isipan mo Jo. Hindi kita pipiliting magdecide ngayon.”

We drove silently pauwi sa bahay namin. Nabigla ako sa sinabi ni Dave. It is so sudden that I don’t know how to react. Pagdating namin sa bahay niyaya kong pumasok si Dave and to my surprise nakita ko sila Paolo, Johann and Oca na nag uusap sa living room. Biglang tumayo silang tatlo upon seeing Dave.

“So it’s true. Bumalik ka nga. Bakit ka pa bumalik dito? Guguluhin mo na naman ba ang buhay ni Joanne?” Johann said angrily at Dave.

“Hindi. On the contrary, gusto kong ayusin ang buhay niya. I wanted to marry her. And since patay na rin lang ang ama ng baby niya, ako ang aako sa responsibilidad na iniwan nito.”

“Patay?”  Paolo and Johann chorused and tumingin sila kay Oca at sa akin. I saw Oca clinched his knuckles and looked at us angrily.

“Aalis na ako Pao, Johann.”
And he walked past us without glancing at our direction.

--------------

The next morning hindi pa rin ako mapakali sa proposition ni Dave. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat.

“Ma’am Joanne,  naghihintay na po si Sir sa living room.”
Kinuha ko ang pouch ko at lumabas ng room. Check Up ko kasi ngayon sa OB and usually si Paolo or si Johann ang sumasama sa akin sa OB. Ayaw nilang nagdadrive ako mag isa.   Pagkababa ko ng hagdan nagulat ako upon seeing OCa na nakaupo sa living room. Nagkatinginan kami.

“What are you doing here?” I asked him sharply after kong  makarecover sa shock.

“I’ll accompany you to the OB.”
Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Hindi na kailangan. Andyan naman sila Johann and Paolo. Sila naman ang kasama ko pag nagpupunta ako doon.” Hindi naman kita kailangan doon. Muntik ko nang masabi. Ang kapal naman kasi ng mukha niyang pumunta pa dito ngayon pagkatapos ng ginawa niya sa akin kahapon.

“No, they can’t accompany you.” And I insist na samahan ka sa pagpunta sa OB mo.

“Hindi na kailangan. I can go alone or Mari could accompany me.”

“Didn’t you hear me? Ang sabi ko I insist na samahan ka. Whether you like it or not sasamahan kita!” Tumaas na ang boses niya.  Kumulo ang dugo ko. Ano pa ang karapatan niyang sigaw sigawan ako ngayon? I count to ten to calm myself. Ayaw kong makipagtalo sa kanya. Ayokong masira ang araw ko.

I took a deep breath.  “In that case, you can go to the OB…..alone.” At tinalikuran ko siya at pumanhik ulit sa kwarto ko.  Tinawag pa niya ako pero di ko siya nilingon. Pagkapasok ko sa kwarto ko, I locked it. After a while narining kong kumatok siya.

“Joanne! Ano ba! Wag ka ngang mag inarte. Buksan mo to.” I ignored him. Ako pa ngayon ang nag iinarte?

“Pag hindi mo to binuksan gigibain ko to!”

“Umalis ka na! I don’t want to see you. Umalis ka na!”

“Mag usap tayo. Pag usapan natin ang lahat. I don’t want you stripping me off of my right sa bata Joanne! Anak ko yan.”
Yeah. Yun lang ang dahilan kung bakit pa siya nakikipagkita sa akin. Para sa bata. Wala na siyang pakialam sa akin sa bata na lang. At ang sakit sakit na ipamukha sayo na andito lang siya dahil sa anak niya sayo.

“I don’t want to talk to you! Umalis ka na!” Ayoko siyang harapin. Masasaktan lang ako sa mga maririnig ko mula sa kanya. Masasaktan lang ako pag makikita ko siya. Pag nakakasama ko siya.

“Give me the key! Give me the fvcking key!” I heard him order our helpers. How dare he orders our helpers. Then I heard the lock click. Nabuksan niya ang pinto ng kwarto ko.

“What do you think you’re doing? Hindi ka na magpapacheck up dahil ako ang kasama mo? You will risk the health of my baby because of your goddamn pride?”


And  I slapped him.

“How dare you say that in front of me sa pamamahay ko? How dare you order my helpers! How dare you come here and insist na kasama ko sa pagchecheck up ko? How dare you claim my child as yours and how dare you show your face to me after yesterday. Wala ka na ba talagang hiya na natitira sa katawan mo?  Ang kapal kapal ng mukha mo Oca. Wala kang karapatan na guluhin ang mundo ko Juan Carlos!”

“Karapatan ba ang pinag uusapan natin Joanne? Di ba may karapatan ako sa batang yan kasi ako ang ama? And you are stripping me off of my right to my child. That I cannot allow. Kahit na anong mangyayari, ako ang kikilalaning ama ng batang yan. At wala kang karapatang ipagkait sa akin ang bata.”

“That is for me to decide Juan Carlos.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“I am marrying Dave.”

“What!?”

“Yes. I am marrying Dave. Siya ang kikilalaning ama ng anak ko.”

“You can’t do that.”

“Why can’t I?”

“Because I am the father of that child.”


“Yes you are the biological father. But Dave offered me his name. Can you do the same?”
I know that his answer could make or break me, but if I wouldn’t ask that question, hanggang kelan ako aasa?

Silence. Hindi siya nagsalita. Nakatulala lang siya sa akin. I’ve waited for 1, 2 3 to 5 minutes pero walang salitang nagmula kay Oca.

“See? You cannot do what he can do. You can’t even answer a simple question. Now,  get out of my house.”

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon