" Para sa Amin "

158 6 0
                                    

-Sa bawat Pagbuka ng labi mo

marami kang napapahanga at napapasaya

Sa bawat pag indayog mo habang kumakanta

mas lalo mo kaming pinapabilib at pinapahanga

Sa bawat lugar na puntahan

Ika'y pinagkakaguluhan at tinitilian

Sa galing mong bumirit

Kami'y wala ng masasabi pa ...

Sa bawat kantang inaawit

Kami'y iyong napapabilib

sapagkat Naipadadama mo sa amin

ang emosyon na nais ipabatid ng awitin

Kaya kami'y Dalang-dala

Anumang ipaawit sa iyo

Nabibigyan mo ng hustisya

at mas lalo pa itong gumaganda

Lahat ng ipaawit sa iyo

Itinuturing mong iyo at pinapahalagahan mo

Ibang Klase kang Bata ka...

Para kang Anghel  pag umawit na

Sa ganda ng Himig

Mga Pagod namin iyong napapawi

Malungkot na araw iyong pinapasaya

Kapag boses mo'y napakinggan na

Galit at Gutom hindi na alintana

Oras ay Hindi na napapansin

Kapag ika'y napanood na

Ibang klase ang dala mong Karisma

parang kami ay Ginagayuma ;)

Dahil sa Galing mo sa pag-awit

Maraming tao ang iyong pinahanga

Mapa ordinaryong tao man

O sikat na personalidad...

Ikaw na!The Best ka! :)

 Hindi mo man napagtagumpayang  makuha ang kampeonato;(

Para sa aming tagasuporta mo

wala ng mas gagaling at hihigit  pa sa iyo

Kami'y mas lalo mong Pinahanga

sa pagpapakita mo ng ugaling makatao ng tanggapin mo ng buong puso ang iyong pagkabigo...

Natapos man ang kompetesyon

Ang tunay na Laban ay Magsisimula pa lamang

Kaya kaming mga tagasuporta Mo'y

Hindi ka iiwanan at Patuloy kang susuportahan....

Bawat isa sa amin

Hindi lang humanga sa taglay mong 

            kagalingan sa pag-awit....

Bagkus pati na rin sa Ganda ng

Ugaling iyong pinakita at Busilak mong puso <3

"The Prince Of Modern Youth"

Kung ika'y tagurian

Lumaki man sa ibang bansa

Hindi mo naman kinalimutan

ang pagiging Pilipino...;)

Kaya kami'y mas lalong

humanga at pinabilib mo...

Kailanman Hindi ka Namin Kinakitaan

ng Yabang sa katawan

Kahit na Ika'y may ipagyayabang

Kaya ang puso ng Madla mas lalo mong

  Napukaw at Napahanga ;)

Taglay mong talento handa mong

  Ibahagi sa iba

ng walang pagaalinlangan sa puso mo...

Kaya ikaw ngayon ay mas lalong pinagpapala

Kaming TagasuportaMo,

   tanging hiling at dalangin ay

Mapagtagumpayan mo pang lalo ang karerang

Iyong tatahakin...:)

,manatili kang malusog upang 

kami'y patuloy mong mapasaya

at Patuloy lang sana

ang biyayang iyong natatanggap....

Darren ,Patuloy mo lang ang nais mo

Kami'y nandito lang Nakaagapay sayo

Mga Haters at Bashers mo

Huwag ng intindihin at pakaisipin

Bagkus Gawin mo silang inspirasyon

Upang sa pag awit mas lalo pang gumaling...

at balang araw Sila'y Iyo ng mapapabilib

Darren,Inspirasyon hindi lang sa kabataan

Bagkus pati nadin sa mas nakakatanda sa iyo :)

Sa Kabataan ...

Ika'y isang idolo at magandang ehemplo

Sa Mga Ate t Kuya mo

Ika'y pamatid pagod at taga bigay ng saya

Sa mga Magulang

Ika'y Isang Huwaran na karapat dapat Idolohin ng kanilang mga Anak :)

Kaya Ikaw Lil.Bro. Darren

Stay Humble ,Polite and stay your feet on the ground ;)

Patuloy mo lang ang iyong pagngiti at pag-awit

Dahil sa mga ginagawa mo madami  kang napapasayang tao :)

-miratheaxanne26

Created

9-1-2014

started: 2:30pm

finished: 3:30pm

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For My Lil.Bro Darren EspantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon