Chapter 2: I remember those eyes

4 1 0
                                    

Chapter 2

Naglalakad lang ako sa hallway ng school namin.

Damn! It's been a month. Ngayon lang talaga ako nakalabas ng bahay. Hindi ko in-expect na totohanin pala ni Mommy ang isang buwan na 'yon.

Pero kahit papaano hindi naman ko naman na-miss ang mga lessons dahil palaging pumunta sa school si mommy para kumuha ng naging lessons sa iba't ibang subjects.

Papasok na sana ako sa room nang salubungin ako ng tatlo kong kaibigan.

"Sistine! I missed you." Sabi ni Jennie at agad yumakap sa 'kin ang tatlo.

"I missed you too, guys. Where are you going?"

"At the gym. We're having a practice for our JS Prom." Sagot ni Yumi.

Wait, what!? JS Prom!?

Of course! It's almost February! Damn!

"Oh and, Sisti, your partner is the new guy." Eksena naman ni Wren.

New guy? Ugh! Ang dami ko na ngang hindi nalalamn na nangyayari sa school.

"There he is." Napatingin ako sa lalaking naka-black hood. Nasa bulsa ng hood ang mga kamay nito at nakayukong naglakad palabas ng room namin.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakayuko nga ito. Pero nung nag-cross ang landas namin ay parang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Biglang bumalik ang nararamdaman ko nung gabing nanggaling ako sa party ni Hanz.

Shit.

__

"Fibel? Where is Ms. Fibel?" Rinig kong tawag ni Ms. Hilera sa apilyedo ko.

"Nandito po, Ma'am." Itinaas ko ang kamay ko para mad mapansin niya ako.

"Finally. Come, I want you to meet your partner." Sumunod ako sa kaniya. Gulat akong napatingin sa lalaking patutugnguhan namin ngayon. "Mr. Radars, I want you to meet Celica Sistine Fibel, she'll be your partner for the JS Prom. Please be good to each other, okay? You may sit on table three." Agad ding umalis si Ms. Hilera.

There's this weird feeling I felt every time hinahawakan ko ang kamay nitong lalaking ito. Hindi ko rin kayang tumingin sa mga mata niya dahil nakakahiya at awkward.

Ano ba naman 'tong nararamdaman ko.

Except sa awkward ay may nararamdaman pa akong kakaiba. Takot ata? Ewan ko.

"Table 3 is next! C'mon, people! Bilisan niyo na!" Sigaw ni Ms. Hilera kaya para kaming na-paranoid na nagsitayuan. "Boys, hawakan niyo ang kamay ng partners niyo. Be gentleman."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang kunin niya ang kamay ko. Hindi ako mapakali. Feeling ko ang pula na ng mukha ko ngayon. Tumingin ako sa kaniya pero nanatiling sa unahan ang paningin niya.

Nang matapos na ang practice ay nagsilabasan na kami ng gymnasium at dumiretso sa cafeteria.

"Sistine, na-sense ko lang kanina parang 'di ka mapakali kay Radars." Sabi ni Yumi. Kasama ko ngayon ang tatlo.

"Whoa, girl. Hinay-hinay lang sa lamon." Natatawang sabi ni Jennie.

'Di ko maiwasan ang hindi lumamon. Stress reliever ko kasi ang pagkain. Shit. Tataba na talaga ako nito.

"Hindi ko nga kasi mapigilang ma-stress 'don sa nangyari eh. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Grr." Kain pa rin ako nang kain.

"Ano ba kasi ang meron sa lalaking 'yon?" Si Wren naman ang nagsasalita ngayon. "Nag-iba din bigla ugali mo ah. Hindi ka na nag-eenglish."

"Ewan ko. Pero alam niyo ba nung time na nakita ko ang mata niya? Sobrang familiar sa 'kin ang presensya niya."

"Ayun siya, Sistine." Turo ni Yumi.

Nang lumingon ako sa kanya ay siya ring pagtingin niya sa gawi namin.... sa akin.

I remember those eyes....

___

Lymoleen

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FadedWhere stories live. Discover now