CHAPTER 1: NO HEAVEN, NO HELL

19 0 0
                                    


  patay naba ako?
hindi... Hindi pa
minulat ko ang mga mata ko
teka... nasan ako?
"hi" bati sakin ng isang babae
"nasan ako?"
"miss patay ka na"
nataranta ako
"ibig sabihin, langit ito?"
"walang langit at wala ring empyerno, bakit ba lahat ng namamatay sinasabi yan? hey miss, ano pangalan mo?"
"pangalan ko? uhmm..."
teka ano ba pangalan ko?
at bakit wala akong maalala?
"ang tagal mo namang sumagot, di bale, tara"
pinatayo nya na ako
"san, tayo?"
"sa memory factory"
=====memory factory========

"ANO?!"
"pasensya na talaga, sarado na ang factory"
"i hate you, tara" sabay hila nya sakin
"ano yung memo--"
"ahh, yun ba? sila yung magbabalik ng mga ala-ala ng mga namatay kagaya mo, i mean... natin"
biglang nalungkot mukha nya
"bakit?"
"wala"

===============================

"alam mo bang sinubukan ko nang pumasok sa memory factory"
nagulat ako sa sinabi nya
"ang tanging alam ko lang ay paano ako namatay"
tinitigan ko sya at hinayaan ko lang syang magsalita
"may pumasok sa bahay namin, mga armado sila, ang aking batang kapatid lang ang kasama ko, mas matanda ako, babae din sya... nagtago kaming dalawa sa ilalim ng kama... at hindi ko namalayan na kinuha sya ng isang lalaki... Wala akong magawa... hindi rin nagtagal nakita rin nila ako... hawak nya ang kapatid ko, lumaban ang kapatid ko tapos kinagat nya ang braso ng lalaki, hindi mapigilan ng lalaki ang magalit kaya binaril nya ang kapatid ko... tulala ako nun sa nakita ko... duguan... at tsaka binaril rin nila ako, at tsaka tumakas na sila... hindi ko alam kung nasaan ang parents namin... at tsaka--"
"wag ka ng umiyak, at wag ka ng mag-aalala, sigurado ako nandito sila, at nandyan sa puso mo"

==================================

kainis ano ba 'to?
"matanong nga kumakain ba ang mga patay?"
"(face palm) anong klaseng tanong yan? syempre oo naman, tara may alam akong kainan dito, may 700 heavens coin pa akong natitira"
ang galing
====heaven's foods====
"ang sarap"
"akala mo talaga hindi kumakain ang mga namatay ano?"
"oo eh... matanong kita, ano yung heavens coin?"
"ang heavens coin ay pera dito, bawat 1.00 heavens coin ay katumbas ng isang 100 na halaga ng mundo"
"panu ka naman nakakakuha ng ganyan?"
"sa heavens quest"
"sabi mo walang langit"
"wala nga, gawa-gawa ng mataas ng gobyerno dito, nang madiskubre nila na walang langit at impyerno, gumawa sila ng pamahalaan at bayan, ibig sabihin, 2nd life itong maituturing, pero paalala ko lang sayo, kung mamatay ka dito, mawawala ka na talaga na parang bubbles"
pinagpatuloy ko ang pagkain ng biglang may nanggulo sa heavens restaurant, mga lalaki.
"Ayos, teka miss wait lang, may quest muna akong aasikasuhin"

"sinong may heavens coin dito?!! sumagot kayo kung ayaw nyong mawala!!"
naku po, lumapit sya
"ako"
"hoy ang gandang babae, anong pangalan mo miss beyotif--"
at pinagsasapak nya lahat at tsaka lumapit ulit sa mesa na kinakainan namin
"may nakalimutan pala akong sabihin, ang pangalan ko pala ay clarisse goldensilver"
ibang klase sya
teka...
"NAWALA?"
"yun ba? yun kasi ang nasa quest ko, kapag natapos mo ang quest, automatic na mapupunta sila sa Hell-Jail o bilangguan"
ang galing nya, alam nya lahat, pero may takot parin sya na maalala ang nakaraan, kahit na nalaman na nya kung panu sya namatay
"Gusto mong may matulugan?"
"saan?"

TO BE CONTINUED...

After life 生活の後 season 1Where stories live. Discover now